Love or Friend

292 3 2
                                    

Alam mo ba yung unrequited love? Yun yung mahal mo yung isang tao pero di ka nya mahal. 

Natatakot ako dahil baka lalo pa 'kong ma-in love sa'yo. Pero etong nararamdaman ko para sayo..eto yung feeling na hindi ko maipaliwanag. Na-eexcite ako at napapangiti ako. Lalo na pag nakikita kita. Kahit sa isang sulyap mo lang, bumibilis na talaga tibok ng puso ko. Nakakaasar nga eh. Di ko masabi sayo. Dahil may kaibigan akong masasaktan at ayokong masaktan siya ng dahil sakin.

Matagal na siyang in love sa'yo. Nako, nag e-emo pa nga yun eh. Pero diba kaibigan lang turing mo sakanya? Kaya yun, kinikwento nya sakin lahat ng nangyayari sainyo. Umiiyak nga siya kapag may kasama kang ibang babae kahit hindi naman kayo eh. Alam mo, pag kinikwento nya sakin un, di ko talaga alam kung matutuwa ako o hindi. Dahil napaka sama ko namang kaibigan kung tatalon ako sa tuwa diba. Pero madalas, nasasaktan ako. Lalo na pag nakikita ko kayong magkasama, magkatabi, o nag uusap. Yung ngiti nyong dalawa, yung tawa nyo.. Hindi ko alam kung ano magiging reaksyon ko. Pinipigilan ko nalang ang sarili kong tumingin sa inyo dahil ayokong umiyak. Pero di talaga maiwasan eh. 

Kung tutuusin, mas lamang ako sakanya ng isang punto kasi kaklase kita eh. Pero yung kung iisipin mo na mas madami na kayong pinagsamahan? Nako, wala talaga kong karapatang mang-agaw. Binibigyang halaga ko nalang yung bawat segundo na magkasama tayo. Lalo na pag nag uusap at nag tatawanan tayo. Halos mamatay na ko sa kilig. Yung mga pasayaw sayaw mo, akala mo ba nakaka-turn off yun? Nagkakamali ka. Lalo pa kong naiinlove sayo. Lagi mo din kasi akong napapatawa at napapasaya.

Naasar ba talaga ako sa feeling kong 'to para sayo? Pag sinabi ko bang mahal kita, mararamdaman mo ba yun at hindi mo ako tatalikuran?

Sana..parehas nalang tayo ng nararamdaman.

--CKawada

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 06, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love or FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon