" Daniel! " Tawag ko nang makalabas agad ako ng gate. Luminga linga ako ngunit ni isang tao'y wala akong nakita. Nasaan na ba siya?
Peste. Paano na 'yong bag ko? Huwag niyang sabihing iuuwi niya iyon? Masasapak ko talaga siya.
Nagpatuloy pa ako sa paghakbang nang biglang lumitaw ang nakakasilaw na liwanag mula sa isang gray na sasakyan.
" Pumasok ka na, " Ani Daniel batay sa pagbuka ng bibig nito sa loob ng kanyang sasakyan.
He does some gesture before I could take my ride with him. Anebeh!
" Bat ang tahimik mo? " Pananawag pansin niya makalipas ang ilang minutos. Katulad ng aking nakasanayan nasa front seat ulit ako at pilit na inaaliw ang sarili sa bawat madaanan ng kanyang kotse. Hindi ako mangangahas ng sulyapan siya sa ganitong eksena.
" Hoy.." Sa pangalawang pagkakataon ay nilingon niya ulit ako ngunit di pa rin ako nag aabalang tingnan siya. Pinili kong umismid na lang kaysa ang kiligin sa bawat maiinit niyang titig mula sa aking tagiliran. Ayaw kong magkamaling tumingin pabalik sa kanya baka di ko makayanan, maglupasay ako dito.
I hate you
" Hindi ba ikaw dyan ang nagpapakaseryoso.. nararamdaman kong galit ka. " Para akong sasabog sa aking kinauupuan dahil sa kahihiyan sa huling salitang lumabas sa bibig ko. Ibinalik ko ang tingin ko sa kalsada at kinagat ang ibabang labi ko. Watdapak.
" Hindi ako galit.. naiinis lang ako.. " Napalingon ako sa kanya ng hindi oras. Bakit?
At this very moment, I want to know the answer why, why is he being upset? I'm dying to learn his reason.
" Naiinis ako.. dahil.. actually dahil hindi mo pa rin nakukuha hanggang ngayon na sa akin.. na ako.. ako ang nagbigay nung teddy bear.. at ako rin ang nagbibigay nung mga cards sayo! " Ouch. Hindi ko nagawang maialis ang mata ko sa kanya. Eh?
Sa ilang segundo ay tila inilipad ako ng hangin kung saan, wala akong maramdaman, bahagya akong natulala at nabihag sa malalagkit na titig ni Daniel para sa akin.
Alam ko. Hindi ba napagtanto ko na kaninang maaring siya ang pinagmulan ni Teddy pero bakit parang mas lalo akong nasorpresa at napapakanta sa aking naririnig. Ang bawat salitang idinetalye niya ay wari'y isang lullaby sa aking tainga. May kung anong insektong bumubutas sa bawat sulok ng aking tiyan dahil sa di malamang dahilan. Hindi ko maipaliwanag kung ano itong aking nararamdaman.
" What? Are you just going to stare at me? Where's that stupid little stuff I gave you? " Nagulumihanan ako sa biglang pagbabago ng mood niya mula sa mapaglarong ngiti niya kanina sa library at sa seryoso niyang aura ngayon.
" Huh? ..uh nasa kay Jaymie. Ibinigay ko sa kanya. " By the moment the words leave my mouth, he suddenly shrug and stops the car at the middle of the highway. I turn around enough to find him frowning badly at the road.
" Ibinigay mo? Ganon ba kataas ang standards mo? ..sa ginawa mo, para mo na rin itinapon ang pag-asang natitira sa'kin. " Seryoso niyang imik nang di nagkakamaling pakitaan ako ng negatibong expresyon. Iyan na yata ang isang puntong magugustuhan ko sa kanya, siya ang lalaking galit pero hindi niya kailangan ipakita ito ng bulgaran.
" Malay kong sayo galing 'yon? Sa dami ng natatanggap kong ganun sanay na akong puro pagpapakitang gilas lang ang intensyon ..at saka anong nakalagay na pangalan, wala! " Singhal ko. Muli niyang pinaandar ang sasakyan at pinatakbo. Hindi ko lubos maisip kung paano nasasabi nitong lalaking ito ang mga bagay na ito ng hindi nag-aalangan. Hindi ba siya nahihiya?
" You have to get it back or I'm going to end up being around you. " Aniya. Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang inimik.
" Seryoso ka? Ganyan kataas ang tingin mo sa sarili mo? Close tayo, ganun? " Hindi niya yata alam ang salitang 'hiya'.
BINABASA MO ANG
Mas Bagay Tayo (JulNiel completed)
Fanfic-REVISED- Kilala si Julia Montes bilang isang babaeng may mataas na pagtingin sa kanyang sarili, hindi siya tumatanggap ng pagkatalo at lalong hindi niya hahayaang maging pangalawa sa dating malapit sa kanyang si Kathryn Bernardo. Hindi lang sila na...