Author's note:
Inspired by Martha Cecilia's creations.
August 27, 2012
“Lolo, bakit ka nasa labas? Tara na po sa loob. Let’s party party!”
“Sige, hija, ako’y susunod na lamang. Hintayin niyo ako at makiki-party party din ako mamaya,” magiliw na tugon ko sa apo kong si Charese.
Nagdiriwang ang buong angkan sa lumang bahay namin dito sa Binondo. Sa likod ng mga lumipas na taon ay napreserba pa rin ang orihinal na anyo ng bahay bagamat dumaan na ito sa ilang renobasyon.
Ito ang bahay na nabuo bunga ng pag-ibig.
Gaano man kahabang panahon ang lumipas ay hindi ito nagbago. Mananatili itong matibay at konkretong simbolo ng wagas na pag-iibigan…
Pag-iibigang hinamak ang distansya ng oras at pagkabigo.
“Okidoki! Sunod ka na lang po ah, asap.”
“Makakaasa ka, apo,” tugon ko sa kanya. Di nagtagal ay pumasok na uli siya sa loob ng malaking bahay. Ako naman ay nanatili sa kinaroroonan ko at pinagsawa ang mga mata sa magandang tanawin.
Halos siyam na dekada…
“Wala na akong mahihiling pa,” hindi ko napigilang turan habang inililibot ang tingin sa malawak na hardin. Sa tuwinang nagbabalik tanaw ako ay hindi ko mapigilang sambitin ang mga katagang yaon.
Tunay na napakabuti ng Maykapal sa kanila…
BINABASA MO ANG
Sands of Time: El Amor Por La Eternidad
RomanceA diary of the late Priscila Lagdameo was left in the ancestral house of Montecarlos. Out of her imaginary friend's compulsion, Belinda read the diary of her great grandmother. The book stricken her as she discovered the tragic historical love affai...