Nadoon ako nung mga panahong may iniiyakan kang iba,
Pinapadama ko sayong palagi kang may kasakasama,
Pinipilit alisin ang iyong nadaramang ikaw lang ang mag isa,
Kasi bawat segundong inaalay ko sayo ay hindi maalis alis ang tuwang nadarama,
Bawat minutong binibigay ko ay tila ba isang masayang parte ng aking alaala,
Bawat oras na kasama ka'y kahalintulad na ng panonood ko ng sarili kong 'korean novela',
Ngunit napakasakit, napakasakit ang katotohan na ang taong iyong iniyakan at nagpahirap sa iyong nadarama,
Ay siya rin pala, siya pa rin pala,
Habang nasasakatan sa bawat araw na ang naaalala ko'y hindi ako ang gusto mong makasama,
Bawat linggong hindi ako ang gusto mong kahawak kamay habang nagsisimba,
Ang buwanang 'monthsarry-ng' binibilang upang makapagsaya,
Bawat taong nagiiwan sa inyong buhay ng mga importanteng marka,
Bawat dekadang animo'y kayo na ang naturingang 'Eat Bulaga' ng isa't-isa,
Na hindi ko alam kung kung sa isang taon
man umabot pa,Ngunit sa kabilang banda ay parang si 'Kuya Will' lang pala.
:)