Nandoon ako nung ibahagi mo sa akin ang iyong karanasan sa pagkain ng Samyang na naisip ko agad na dapat ika'y aking sinamahan,
Ayon sa iyong kwento ay noong unang subo ay ikaw ay nasarapan,
Hanggang sa hindi mo naman namalayan,
Na pumapatak na ang mga pala ang iyong pawis na animo'y sila'y nagu-unahan,
Akala mo tuloy ikaw lamang ay naiinitan,
Hindi mo pala alam na ika'y nasasaktan,
Dahil iyon naman ay iyong kagustuhan,
Ipinilit mo sa sarili mo na kailangan mo iyong panindigan,
Pinilit na kinakaya kahit hindi na alam kung ano ba dapat ang kailangang marandaman,
Nagdadalawang isip kung ika'y susuko na ba o kaya pang lumaban,
Iyong inihayag na tuloy lang ang paglaban,
Kaya ika'y kumuha ng pitchel at basong malalagyan,
Uminon ay nagpahinga at uminom lamang ng panandalian,
Na sa iyong pagaakala na ang anghang ay maibsan,
Ngunit ang napiling desisyon ay lalong lumala ng tuluyan,
Napatayo ka at hindi mo namalayan,
Na ika'y napadpad na lamang sa isang tindahan,
Napabili ng gatas upang ang anghang ay malabanan,
Nawala na ang anghang at hindi mo na ulit susubukan pang kumain ng punyetang Samyang na yan.:)