Ano na nga ba ang nangyari sa kwentong ito? Nakakalimutan ko agad ang mga kaganapan sa previous pages. Sunod sunod ko namang tinatype pero bakit ganun? Anyway, Salamat sayo kasi tinapos mong basahin ang first three chapters. Natutuwa ako sayo at dahil dyan, bibigyan kita ng Wilphone at Jacket! secret lang yun ha. Wag mo sanang ipagkakalat para cool! Oh sige, itutuloy ko na ulit ang pagkukwento.
Sa pagpapatuloy. Ayun na nga, naglakad pauwi si Nena patungong bahay nila. Nakayuko siyang naglalakad dahil baka matapakan na naman niya ang esbum (dumi ng hayop) ng Aso ng kapitbahay. Awkward naman kasi kung matatapakan na naman niya iyon.
"Nay, I'm home na!" Sigaw ni Nena sa tapat ng pinto.
Sandaling mananahimik ang paligid (mga 7seconds). Titignan ni Nena ang buong bahay. Magtataka siya dahil walang tao saan man siya lumingon. At bigla siyang magugulat (Oo! magugulat siya) dahil isang liwanag ang kanyang makikita. Lalapitan nya iyon at tititigan.
"Ano naman 'tong bagay na 'to? Bakit mukhang bumbilya?"
Bigla siyang magugulat (ulit) dahil may maririnig siyang isang tinig.
"Nena, ikaw ang nakatakdang maging tagapangalaga ng liwanag na iyan. Ingatan mong maiigi upang ang bunga ay hindi masayang. Laging tandaan, HUWAG KALIMUTANG TITIGAN AT PALIGUAN."
"Alin, ito?"
"Hindi, ayun! (turo sa labas ng bintana) Shunga lang, te? Liwanag nga di ba."
"Ayy, ang sungit. Nag tatanong lang naman." Paliwanag ni Nena.
"Eh, ikaw kasi. Alam mo namang iyang liwanag sa harap mo ang topic natin, mag tatanong ka pa."
"Sorry na nga po di ba. Pwede mag sorry?"
Biglang nanlaki ang mga mata ni Nena. Narealize nya kasing nag mukha siyang tanga dahil kinakausap nya ang boses na hindi nya naman kilala kung kanino nanggagaling. Nakaramdam din sya ng kaunting takot....
"S-sino ka? S-sino ka nga ba? Nasisiraan na ba ako ng ulo? Magpakita ka sakin! Mag-pa-ki-ta--kaaa!!"
"Te, tanga-tangahan lang talaga? Inuupuan mo ako. Arouch u know!"
"Ay, sorry." Agad tumayo si Nena sa kinauupuan.
"Ano ba talaga ang meron sa Liwanag na ito?"
"Malay ko din. Tanong natin sa author ng chapter na 'to."
PWEDE BA! KAYO NA LANG ANG MAG USAP DAHIL WALA AKO SA MOOD. PUYAT AKO. GUTOM. HINDI PA NALILIGO. WALANG LOAD. WALANG KATEXT. WALANG LAHAT! - Mr. Author
"Ang sungit lang, ha.!"
"Nena, makinig ka nang mabuti. Ang liwanag na yan ay sadyang inilaan para sayo. Isang propesiya ang nakatakdang bumago ng iyong buhay. At ito'y malalaman mo sa takdang panahon."
"Bakit hindi pa ngayon? Ang mga magulang ko, nasaan sila?"
"May misyon kang dapat tapusin. Ikaw lang din ang makakasasagot sa iyong mga tanong. Upang mahasa ang iyong abilidad, kailangan mong pumunta sa Bayan ng Kansit Pantot. Makikilala mo doon ang isang matandang lalake na nagngangalang Mang Kiko. Upang makarating ka roon agad, Dapat mong tahakin ang pinaka mabilis na daan. Pag labas mo dito sa inyong baryo, Kumaliwa ka sa Puno ng Sampaloc. May makikita kang isang malaking pintuan."
Kasabay ng huling salitang binanggit ng mahiwagang tinig ay naglaho na din ito. Agad naman niyang sinunod ang sinabi at tumungo siya sa liwasan upang pumunta sa puno ng sampaloc. Tumakbo siya ng mabilis. Tumatagiktik ang pawis sa magandang mukha ni Nena pababa sa kanyang leeg at balikat. Sinikap nyang (Bakit parang ang drama ng datingan ng mga words?) huwag siyang mahuli dahil time is gold ang kanyang favorite motto.
Nang marating ni Nena ang sinasabing puno ng sampaloc, agad nyang hinanap ang pinto. Sa kanyang paghahanap ay may nakita siyang isang karatula. "PINDUTIN ANG DOOR BELL BAGO PUMASOK." ang mga nakasulat na salita dito. Agad nya namang ginawa ito. Ngunit.....
*ding dong* tumunog ang door bell.
"Parang wala namang tao dito." nagtatakang sabi ni Nena habang nakatayo sa harap ng pinto.
Ngunit sa muling pag pindot nya sa door bell (Oo, pinindot nya ulit) ay biglang may mala-time space warp na humigop sa kanya. Nagulat sya sa mga nangyari. Hindi nya alam kung saan sya dadalhin nito. Ano kaya ang mangyayari kay Nena? Saan kaya siya nito dadalhin? Ano ba talaga ang ginagamit na sabon ng mga artista? Mahanap kaya ni Keloy si Tagpe?
Itutuloy . . . .
BINABASA MO ANG
Ang Alindog ni Nena
FantasyHindi sa lahat ng oras, makukuha mo kung anong gusto mo. Minsan, kailangan mo din paghirapan para malaman mo ang tunay na halaga nito.