Nyebe
Sinuot ko ang makapal kong coat na binili ko pa no'ng isang taon para maipanlaban sa lamig. Ngayon lang ako nagkaroon ng panahon para magkaoras sa sarili ko kaya naisipan kong maglakad lakad lang muna sa labas.
Ilang taon kung iniwasan ang araw na 'to dahil ayokong mabigyan ng oras ang sarili na makapag-isip at maalala ang lahat ng nangyari. Alam kong dadating ang araw na ito pero hindi ako nakapaghanda. Sino ba naman kasing matino ang maghahanda pa para lang sa araw ng pag-iisip?
Nakarating ako sa isang parkeng walang katao tao. Dahil sino ba namang matino ang papasyal sa parke habang umuulan ng yelo. Pakiramdam ko tuloy nababaliw na ako.
Umupo ako sa isa mga bench na matibay na ginawa para doon. Tiningala ko ang langit para maghanap ng bakas ng sinag ng araw pero wala. Wala itong ibang nagawa kundi ang sumilip lang para magbigay liwanag sa lugar at hindi ang magbigay init sa mga nanlalamig. Bumaba ang tingin ko sa kapeng hawak na nabili ko lang sa daan.
Tinakasan ko ang lahat. Nilipad ko ang kalahati ng mundo para lang makatakas. Takot ako. Masiyado akong takot masaktan para harapin ang totoo.
Oo! Naduduwag ako.
Para makaiwas sa sakit ay 'yong kahit walang maramdaman ay papatusin na lang.
Bahagya akong napatalon nang maramdaman ang pagvibrate ng cellphone ko. Agad kong kinuha 'yon at sinagot ang kung sino mang tumatawag.
"Antonia! Kailan ka ba uuwi dito?" bungad agad ni ate pagkasagot ko pa lang sa tawag.
"Hindi ko pa alam." napapagod kong sagot sa kanya.
"Tony, 'yong nangyari sa inyo ni Franco ba ang-"
"Ayokong pag-usapan." malamig kong sagot sa kanya.
"Tony, please." pagod niyang sabi. Alam kong napapagod na siya sa pangungumbinsi sa'kin na umuwi na. Sa loob ng ilang taon ay siya lang ang nangungulit sa'kin ng ganyan. Ang ibang kaibigan ay nangangamusta lang at nagbibigay ng mga bilin. Wala silang lakas ng loob na dalhin sa usapan ang nangyari noon.
"Uuwi ako." pinal kong sagot sa kanya saka binaba na ang tawag at di na pinakinggan pa ang isasagot niya.
Napakalamig. Katulad ko. Malamig. Inubos ko ang kape saka tumayo na. Ito na ang huling araw ko dito. Uuwi na ako.
Ilang taon din akong naghanap ng magiging tahanan ko dito. 'Yong tahanang kayang magbigay init sa nilalamig kong puso. Sa apartment, sa trabaho at kahit dito, sa parkeng walang tao. Pero wala. Wala talaga.
'Yong tanging init lang na natatanggap ko sa gabi ay 'yong mga luha. 'Yong gabi gabi kong pagluha. 'Yon lang ang kaya kong ibigay sa sarili ko.
Isang mainit at sikat na araw ang sumalubong sa'kin. Pumikit ako para damhin ang init. Hindi ko alam na nandito lang pala ang hinahanap ko sa loob ng ilang taon. Nandito lang sa lugar na tinalikuran ko. Kahit alam kong may kulang ay magiging sapat na 'to para sa'kin.
Habang nagpapakasaya sila sa beach resort kung saan kami ngayon ay nandito lang ako sa sun lounger para damhin ang tag-araw.
Summer na dito at doon naman ay nagyeyelo sa lamig. Parang sumasabay sa buhay ko. Ngayong nandito ako ay naramdaman ko ulit ang init ng pagmamahal nila. 'Yong init na hindi ko naramdaman sa nagyeyelong bansa na 'yon.
Kinagabihan ay kumain kami sa isang restobar para makapag chill na rin pagkatapos kumain. Kaya gano'n nga ang nangyari. Nang matapos ang lahat sa pagkain ay nilinis ang lamesa namin para maglapag ng alak at pulutan na paglilibangan habang nakikinig ng tumutugtog na banda.
"Ayos ka lang?" tanong sa'kin ni ate habang tinitignan ako ng maigi.
Tipid akong ngumiti para ipakita na okay lang ako. Maayos ako. Kahit di ako sigurado sa parteng 'yon.
Ang maingay na kanta ay napalitan ng tunog ng gitara. Kinilabutan ako sa isang kantang ilang taon ko na ring di na naririnig.
Can't say I don't love her
Still I can't pretend
That my heart is torn
Just knowing that
I'm losing my best friendAyokong lingunin ang stage. Ayokong lumingon. Napapikit ako sa pamilyar na boses. Pagdilat ko ay mga mata nilang nakaabang ang naabutan ko.
If it's easier said than done
Then someone tell me why
Though I tried
I can't find the words to say
GoodbyeIsang lingon lang dapat sa stage ang gagawin ko. Pero nang makita ko siya, ang mga nagbago sa kanya, hindi ko na maalis ang mata sa kanya. Mas lalo pa akong kinabahan nang makitang nakatingin din siya sa'kin. Alam ko na kung nasaan ang matagal ko ng hinahanap. At natatakot ako sa ideyang 'yon.
I could tell her that I'm sorry
And hope she'll understand
She will have to do
With someone else
All that we had plannedMasiyado siguro akong nalunod sa mga naging pangarap naming dalawa. Umasa ako. Kinulong ko ang sarili ko sa mundong ginagawa namin magkasama. Siguro kasi masiyado akong nakuntento. 'Yong kuntentong wala na akong hahangarin pang iba.
I'd rather, her, hear the truth
Than hurt her with a lie
So I tried
But I can't find the words to say
GoodbyeNakakalungkot mang isipin pero nang tinalikuran ko ang lahat ay natanggap ko na. Hindi ako karapat dapat sa mundo niya. Hindi ako kailan man magiging karapat dapat para sa kanya. Tinanggap ko na hanggang doon na lang 'yon.
Now I know, I have to go
There's no other way
But goodbye is not what I
Can't bring myself to say
If I told her see you later
Then I might be wrongSinalubong ko ang mga mata niya dahil alam kong 'yon na lang ang kaya kong gawin.
Don't know why
I can't find the words to say
Goodbye...Isinauli niya ang gitara sa bandang tumugtog kanina saka bumaba. Sinalubong siya ng babaeng pinakasalan niya saka naglakad pabalik sa mesa nila. Isa pang lingon sa'kin at wala na.
Alam kong sa kanya ko lang mahahanap 'yong matagal ko ng di nakikita. 'Yong bagay na hindi maibigay ng kape o kahit ng tag-araw.