Prologue

9 0 0
                                    

August 26, 2016, Friday, 9:00 AM

Tahimik lang ako sa isang gilid at nakikinig at patuloy na naririndi sa kaingayan ng classroom. Nakakainis. Ayokong nakikita silang masaya. Habang ako ay nagdurusa dito sa sulok. Buwisit.

Ayoko na sa section na ito. Ang section na baligtad na baligtad sa paningin ng lahat. Ang first section. Akala mo'y ang babait at ang lilinis. Akala mo'y mga anghel. May tinatago palang baho. Dapat sila ang nagdurusa. Hindi iyung ako lang na nananahimik sa isang tabi.

Nung unang pasok ko dito, akala ko kaya nila akong tanggapin bilang ako. Pero mas malala pa pala sila. Kunsabagay, matataas ang uri. Matataas ang standards. Mas judgemental. Tama nga. Tama.

Nakakapagod nang magtiis. Akala ko kaya kong mapanatili ang kabaitan ko. Hindi pala. May hangganan pala ang lahat. Inalis nila ang lahat ng mabubuting bagay na mayroon ako.

Huminga ako nang malalim. Parang ang hirap huminga. Nauubusan na ako ng hangin sa katawan. Galit na galit ako. Gusto kong pumatay!

Naramdaman kong may nakatayo sa unahan ko kaya inangat ko ang ulo ko para makita ito.

Nakita ko sila Lance at Dexter sa harapan ko. Nakatingin silang dalawa sa akin at kapwa mga nakangisi.

Sila ang pinakamatalino sa klase. Sila rin ang pinakamayabang sa klase. Sabi ng ilan, hindi naman daw sila mayabang dati. Lumaki lang talaga ang ulo ngayon dahil sa dami ng mga parangal na natatanggap.

Ako na naman ang trip ng mga ito.

Nanahimik lang ako at tinignan lang silang dalawa. "Zach, anong score mo sa long test kanina?" Nangingiting tanong ni Lance. Ang tinutukoy niya ay iyung long test namin sa Math kanina.

"40." Sagot ko. Kahit na ang totoo ay 14 lang talaga. Eh lalaitin lang naman nila ako. Putik. Nanggagalaiti na naman ako sa galit. Ginagawa ko na nga ang lahat para kumalma lang tapos bigla silang e-entra.

"Woah!"

"Maniwala? Haha."

"Haha."

"Tss."

"Weh? Talaga? Patingin nga!" Mayabang na sabi ni Dexter. Masamang tingin lang ang pinukol ko dito.

"Hindi mo na kailangang magkunwari, Zach. Tanggap ka namin, kahit sino ka pa!" Sabi ni Lance at nagtawanan ang lahat. Alam kasi nilang niloloko lang nila ako.

Nanginig ang katawan ko sa galit. Napahigpit ang hawak ko sa ballpen na nasa mesa ko lang.

"Wala iyang mararating sa buhay!"

"Uy! Tigilan niyo na nga! Baka umiyak pa iyan eh! Haha!"

"Wala kayong magawa sa buhay niyo noh?! Tigilan niya na iyan!" Concern na sabi ni Marlon. Ang baklang kaklase ko.

"Baka gusto mong ikaw naman, Marlon?!" Nanahimik naman si Marlon dahil dito.

"Uy! Tignan mo oh! Sasaksakin mo kami?!" Pansin ni Dexter sa nanginginig na kamay ko na mahigpit na nakahawak sa ballpen. Nagtawanan ang lahat.

Hagalpak sa tawa sila Lance at si Dexter. Nakatanggap ako ng malakas na sampal at batok mula sa kanilang dalawa bago nila ako nilubayan. Naghari na naman ang tawa sa buong klase.

Hindi ako makahinga. Ang sakit ng dibdib ko. Isang bagay lang ang na-realize ko. Mabuting bagay pa palang maituturing ang pag-iyak mo. Dahil doon mo kayang mailabas ang lahat ng nararamdaman mo sa mundong ito. Ang problema nga lang, hindi ko na kayang umiyak. Sila ang may gawa nito. Patuloy lang na naipon ang lahat ng galit at hinanakit sa puso ko hanggang sa sumakit ito. Ang sakit. Hindi ko na kaya. Hindi ko man lang magawang umiyak. Unti-unti na akong nasisiraan ng bait. Lahat ng iyon...nang dahil sa kanila.

Hindi ko na kaya...

Tumayo ako para sugurin sila subalit may yumakap sa akin mula sa likod. Pumalag-palag ako. Patuloy na nagtatawanan ang mga kaklase ko.

"Oh dali! Nahuli ko siya!" Rinig kong sabi ni Baron na siya palang yumakap sa akin mula sa likod. Pumihit ng paglalakad sila Lance at Dexter at kapwa ito nakangisi habang nakatingin sa akin. Naramdaman kong hinawakan ni Lance ang bayag ko at hinimas-himas ito. Hindi naman ako makapalag dahil hawak-hawak nga ako ni Baron.,

"Oh! May bayag ka pa pala, Zach? Akala ko wala!" Mas lalong lumakas ang tawanan ng mga kaklase ko. Lumapit naman si Dexter at kinurot-kurot ang pisngi ko. Sobrang sakit ng pagkakakurot niya kay napa-'ugh' ako.

"UGH!" Gaya ng ilan sa mga kaklase ko sa ginawa ko at mas lalong lumakas ang tawanan nila.

"Papatayin mo kami?! HA?! PAPATAYIN MO KAMI?!" Sigaw ni Dexter at humagalpak sila ng tawa. Matapos nitong tanggalin ang pagkakakurot sa akin ay saka lang ako binitawang bigla ni Baron kaya bumagsak ang puwitan ko sa sahig.

"HAHAHAHAHAHAHA!!!"

"HAAAAHAAAHAAA!!!"

"Iiyak na iyan! Iiyak na iyan! Iiyak na iyan!" Ang cheer ng mga kaklase ko sa akin. Sobrang sama nila. Walang mangyayari kung maghihintay lang ako sa himala ng Diyos sa aking buhay. Wala naman siyang ginawa para sa akin eh. Palagi na lang niya akong binibigo. Tama na. pagod na akong umasa sa kaniya. Ako ang gagawa ng paraan. Sa sarili kong paraan. Paraan para mailabas ang lahat ng galit ko. Tumayo ako at tatakbo na sana nang niyakap na naman ako ni Baron ngunit mula na ito sa gilid ko kaya hindi niya naikulong ang kanan kong braso na siyang may hawak ng ballpen sa mga bisig niya kaya nanatili itong malaya. Iyon ang maling nagawa ni Baron.

Ginamit ko itong pagkakataon upang maibaon ang ballpen sa kanang mata nito.

Nakakabinging sigawan ang sumunod na ingay na iyong maririnig. itinulak ko ang katawan ni Baron at tumumba ito sa sahig. Lumingon ako kila Lance at Dexter na nakatulala lang na nakatingin sa akin. Sa ginawa ko kay Baron. Dinamba ko si Lance at paulit-ulit itong sinaksak.

Ramdam na ramdam ko ang pagtalsik ng madaming dugo ni Lance sa mukha ko habang patuloy ko itong sinasaksak.

Hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid. Basta't isa lang ang nasa isip ko. Ang pumatay. Nang pumatay. At pumatay.

Parang hinugasan ng dugo ang kanan kong kamay nang sunod kong binalingan si Dexter na nasa tabi lang namin ng bangkay nang si Lance pagkatapos ko itong patayin. Nanginginig ito sa takot. Nakasandal ito sa blackboard since sa harapan kami gumawa ng eksena. Nasa harapan lang namin ang pintuan ng classroom. Kailangan pa niya akong daanan para makalabas siya ng classroom. Or pwede siyang tumakbo papunta sa likuran ng classroom dahil may pintuan din doon. Pero dahil sa takot na nadarama ay hindi niya man lang ito naisip kaya dinaanan niya ako para makalabas sa pintuan na nasa harapan lang namin. Pero bago pa siya makarating sa pintuan ay tinalisod ko siya gamit ang kanan kong paa. Bumagsak siya sa sahig.

Mabilis ko itong pinatungan at sunod-sunod sinaksak ang mukha nito since pinagdiskitahan naman nito ang mukha ko kanina.

Dugo.

Dugo.

Nakakatuwa.

Nakakagaan ng loob.

Nakakabaliw.

Author's Note:

Hello guys, sana maraming makabasa ng istoryang ito. By the way, gusto ko lang naman kayong i-inform na ito iyung nabasa ninyong Zach sa ibang kong account. KwentoNgAkingBuhay ata ang username ko doon. Pero hindi ko na nabuksan nung nakaraan. Hindi ko alam kung bakit.

Gusto ko lang namang sabihin habang maaga pa na hindi ito plagiarism dahil ang kwentong nabasa niyo (kung nabasa niyo man dahil sa onti lang ang reads nung story na iyon) ay nanggaling din naman sa account kong hindi na mabuksan. So, nilipat ko lang siya dito.

Iyonlang naman. Enjoy reading. Pangako matatapos ko ito dahil may manuscript itounlike sa ibang kwento ko. Promise. Tatapusin ko ito.

ZachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon