Chapter 1 Telecom

133 5 0
                                    

Shine's Point of View

Mabilis akong gumising ng marinig ko palang ang alarm clock kong tumutunog na nasa gilid ng aking  kama.

Pinatay ko agad yon at kinusot ang aking mata. Hindi muna ako tumayo at nanatili akong nakaupo sa kama at nag uunat unat ng kamay.

"It's a brand new day,I'm alive and still breathing and thanks God for your another blessing." I whispered while yawning.

4:30 am - Nang magising ako at magsimulang magtungo sa banyo.Sa bawat hakbang na ginagawa ko ay kalakip nun ang ngiti sa aking labi.

Pagbukas ko ng pintuan ng banyo ko ay agad na nalanghap ng ilong ko ang bango sa loob noon. Mas tumamis tuloy ang pagkakangiti ko.

Binuksan ko ang ilaw ng banyo ko at ipinatong sa may maliit na sampayan ang aking towel. Pagkatapos ay tiningnan ko repleksyon ko sa malaking salamin na nasa harap ko.

Nagform ng ngiti ang aking labi,hinaplos ko ang aking mukha at ang aking buhok. Pumikit ako saglit at sa pagpikit kong iyon ay para bang naririnig kong muli ang sabi ng Dr. na siyang tumingin at sumuri saakin.

"Hindi magtatagal,manlalagas ang buhok niya,mamamayat siya at manghihina,hanggang sa tuluyan na siyang kainin ng stage 3 lung cancer niya...." Dr. Mendez

Muli ko namang iminulat ang aking mata,walang dahilan para maging malungkot ako,basta as long as I'm existing,and still alive,gusto kong ipakita sa kanila na malakas ako.

Pinihit ko na ang shower at hinayaan ang malamig na tubig na bumagsak sa aking balat. Nang maisip ko na parang nag uumpisa na akong maging malungkot ay naisipan kong kumanta.

"Shine Pilipinas Shine!Shine Pilipinas shine!" Paulit ulit kong kanta,napansin ko nalang ang sarili ko na tuluyan ng sumasaya at nawawala na ang lungkot na nag uumpisang sakupin ako. Syempre hindi ako magpapatalo sa lungkot noh.

Hinagip ko na ang aking toothbrush at nilagyan yon ng toothpaste. Tapos na kasi akong magkuskos ng katawan,magshampoo at kung ano ano pang ginagawa ko satuwing maliligo ako.

Nakatapis na lang ako ng tuwalya,tapos another tuwalya ulit na sa buhok ko naman nakalagay.

Ngumiti ako sa salamin at sumilay saakin ang ngipin kong malinis na. Pagkatapos nun ay lumabas na ako sa banyo at hinagip na ang OOTD ko.

And guess what?naka black akong printed T-shirt na may nakalagay na 'I'm sexy,so don't try me' naka leggings akong black plus world balance na black'n'white na rubber shoes.

Nagawa kong magbihis within 5 minutes,nagpunta ako sa drawer ko at kinuha ang bag na galing pa sa unang sweldo ni Kuya Gino. Jansport na kulay maroon yon,tinanong kasi ako noon ni Kuya kung anong klaseng bag ang gusto ko,kung yun daw bang mga pang babae talaga ngunit umiling ako noon kay Kuya. Hindi kasi ako mahilig sa ganun,mas prepare ko ang bag na jansport.

Ichineck ko ang aking mga dadalhin at sinugaradong nandun lahat ng mga kailangan ko. Nang masiguro kong ayos na at kumpleto na ay dinampot ko ang Hood jacket at isinakbit na ang aking bag na dadalhin.

Itinali ko na lang pataas ang buhok ko kahit na dipa ako nagsusuklay dahil nagmamadali na ako at baka magising na sila kuya.

Pasimple kong binuksan ang pintuan ng kwarto ko,at dahil napapagitnaan ang kwarto ko ng dalawa kong Kuya ay sinugarado ko munang tulog pa sila.

60 Days To TravelWhere stories live. Discover now