Vee's POV
"Veenisse get up. You're already late to your class!!" rinig na rinig ko ang boses ni mama mula sa labas ng kwarto, kaya bumangon nalang ako para hindi na ulit masigawan ni mama.
Lagi kaming ganito, dapat lagi kong sinusunod ang gusto nila. Gusto nilang maging kagaya ko sila, my mom is a proffesor in a prestigious University kaya tinitingala sya ng iba, she's also a perfectionist lahat ng ginagawa ko mapamaliit man o malaki agad nyang napupuna. And I hate it!
My mom wants me to be a good doctor, but I don't want!. Ang gusto ko lang ay yung normal na buhay! Yung mayroong sariling pangarap, malayang may napupuntahan pero sa lagay ko mahirap gawin iyon.
I am a Kpop Fan. At tutol sya don! Pinagmasdan ko ang buong kwarto ko na punong puno nang mga Kpop Merch. Lalo na ang Korean idols kong BTS I'm inlove with them, minsan lahat ng oras ko nauubos sa kanila kaya minsan wala na akong time mag review kaya ang nangyayari sermon ang natatanggap ko kila mama lalo na sa Kuya at Ate ko.
I don't mind them dahil lagi naman silang ganyan, sanay naman na ako,
"Ano ba Veenisse?!!!! Anong oras kapa babangon?! Nang dahil sayo malelate kami!! I have thesis defense ngayon!!!" Ngayon naman ang ate ko ang narinig ko, kaya dali dali na akong bumangon at dumiretso na sa banyo para maligo.
___
Habang bumabyahe papuntang skwelahan nakatuon lang ang atensyon ko sa labas pinagmamasdan ang mga kabataan na malayang nakakapag lakwatsa at nakakagala na walang kahit na anong pinoproblema kahit na umalis sila sa kani kanilang bahay.
Hays. Kainggit naman!
Pero agad akong nabuhayan ng bigla akong may nakitang tarpuline na may nakasulat na 'BTS Wings Tour 2018' at sa biyernes na iyon gaganapin.
Hindi ko aakalain na magkakaron ngayong taon ng concert ang pinakainiidolo kong mga Korean idol, chance ko nang makita sila at sana huwag ng maudlot pa.
Napatingin ako kay mama na nasa tabi ko, alam kong kapag nagpaalam ako siguradong hindi nya ako papayagan, alam ko naman ang pinupunto ni mama. Baka kasi mapahamak ako kapag pumunta ako don ng nag iisa, at isa pa tutol talaga sina mama sa pagiging kpop fan ko masyadong nakakasagabal daw sa pag aaral ko, pero para sakin hindi naman mas nabibigyan nga ako ng inspiration dahil sa mga bias ko.
Agad akong nagpaalam at bumaba ng makarating ako sa skwelahan ko, habang sinusuot ko ang backpack ko, napatingin ako sa bulletin board ng school ng makita ko nanaman ang tarpuline na nakadikit don,
Hays sana naman makapunta ako!
"Vee!!!" agad akong napalingon sa likod ko ng marinig ko ang boses ng kaibigan ko na ngayon ay humahangos na papalapit sakin.
"Bakit?" Pinagpatuloy ko na ang paglalakad ko ng makalapit na sya sakin
"Pupunta ka?" Tinuon ko ang paningin ko sa daan, hindi ko alam kong makakapunta ako masyadong strikto si mama para payagan ako
"I don't know..." Napatigil sya sa paglalakad kaya napatigil rin ako at lumingon sakanya
"Akala ko ba you're inlove with them eh bakit hindi ka pupunta?!!" giit nya, napailing nalang ako, She's Desia Fuente, she's my one and only friend pero hindi nya kilala ang pamilya ko at kung ano ang mga nangyayari sakin, I'm not a sociable katulad nya na kahit sino ang kaibigan at kung saan saan ang kilala,
"Des, you don't understand me..."
"Kasi hindi mo sakin pinapaintindi. You know what Vee you're so unfair, alam mo ang lahat sakin pero wala akong alam sayo na para bang wala kang tiwala sakin!!!"
"Des...sorry! Just...just understand me?! Please!" umiling naman sya ng paulit ulit
"I dont get you Vee, you're always clueless to me!!!" tuluyan nya na akong tinalikuran matapos nyang sabihin yon sakin
"I'm sorry Des..." I said kahit alam kong hindi nya na narinig.
Pumasok na lamang ako sa klase ko at pilit na inaalis sa isip ko ang usapan nor sagutan namin ni Desia, pero parang nakalaan na ata ang isip ko para don dahil hindi na mawala wala iyon sa utak ko at patuloy na nagrereplay
I'm a grade 11 student pero parang ang hirap na ng buhay ko, para bang laging may nakadagan saakin na problema I'm still a typical student pero bakit sobrang nahihirapan ako.
Natapos ang maghapon ng napakaboring dahil sa wala akong makausap at dahil sa di namin pagkakaintindihan ni Desia, nakasalubong ko sya kanina pero parang isang hangin lang akong dumaan sa harap nya, ngumiti na lamang ako ng mapait at tumango tango.
Maaga akong nakauwi dahil sa walang traffic at walang aaya sakin na tumambay muna, pumunta ako sa bookshelf ko at kumuha ng libro na pweding basahin,
Maya maya pa narinig ko na ang mga yapak ng paa sa labas hudyat na nandyan na sila mama at ate. Bumaba ako para makapagmano kay mama nadatnan ko naman syang nasa kusina at hinahanda ang pagkain na binili nya ata sa isang fast food Chain
"Maupo kana riyan Veenisse para makapaghapunan kana, at makapag aral" tumango na lamang ako at umupo
"Ma...." Panimula ko, gusto kong magpaalam gusto kong pumunta, gusto kong mag bakasakali na payagan ako. Tumingin sya saakin saglit at itinuon muli ang atensyon sa ginagawa nyang pagsandok
"Bakit? May sasabihin ka ba?"
"Ma....gusto ko pong pumunta sa concert ng Korean idols ko" deritsong saad ko, narinig kong suminghap si mama
"Magsasayang ka lang ng pera Veenisse, tigilan mo iyan!!" napatungo na lamang ako at tumango, pinagpatuloy ko na ang pagkain ko at ng matapos ay dali dali akong pumasok sa kwarto ko,
Napaluha ako dahil sa sinabi ni mama, wala na talaga akong pag asa, meron akong ipon pero kulang iyon para makabili ako ng ticket I mean SVIP ticket.
Inilabas ko ang cellphone ko at tinignan muli ang kinuha kong litrato mula sa bulletin board
Miyerkules ngayon at huwebes bukas, biyernes gaganapin ang concert kaya alam kong wala na talaga akong pag asang makarating pa roon
Sana naman madaanan si mama ng napakabait na anghel at magbago ang isip. Gusto ko talaga pumunta balita ko kasi baka heto na ang huli nilang concert sa pilipinas bago pumasok si Jin at Suga sa military, at mas lalong nakakapanghinayang pag nagkataon na hindi ako makapunta.
_____
Itsmichim♥
Note: guys fake lang po yung concert ah, gawagawa ko lang haha!
Next Update: kapag may bumasa na nito hihi. nakaready na ang next update pero baka masayang dahil baka walang bumasa. Mwah! Vote din guys! Comment your reaction
Sorry for the typo's.
YOU ARE READING
The Most Memorable Dream
Teen FictionSi Veenisse Lorraine Domirita isang babaeng nangangarap nang kalayaan sa buhay, isang babaeng gustong matupad ang simpleng pangarap na makapunta lamang sa concert nang kanyang mga iniidolo. Pero pano nya iyon gagawin kong wala syang kalayaan na nata...