Tumakbo ako ng mabilis at sumilong sa gilid ng isang Flowershop.
Hindi ko akalaing aabutan ako ng malakas na ulan sa paghahanap kung saan ang Horizon Building na iyon. Kung bakit naman kasi kailangan ko pang puntahan si kuya para ihatid ang baong naiwan niya kung pwede naman siyang kumain na lang sa labas!
Napakakuripot!
Aligaga akong tumingala sa langit.
Napakadilim ng mga ulap.Mukhang hindi pa magpapaawat ang ulan na 'to sa pagbuhos!
Nakakainis, basang basa na ako!
Pinagpag ko ang kwelyo ng aking damit pagkatapos ay umupo ako sa mahabang upuan na nasa bandang gilid ng pinto ng shop.
Medyo maaga pa naman, hihintayin ko nalang na tumila ang ulan. Bulong ko sa aking saliri. Mukhang hindi naman ako maiinip sa paghihintay dahil sa ganda ng mga bulaklak na nasa paligid ko.
Pinagmasdan ko ang mga iyon hanggang sa bigla na lamang akong may naisip.
Feeling ko nga ay may bigla na lamang lumitaw na bumbilya sa itaas ng ulo ko at tumunog ng Ting!!! nang magliwanag.
Agad kong hinugot ang aking cellphone na nasa aking bulsa. Nakangiti akong pumorma ng peace sign habang kinukuhanan ng anggulo ang mga naggagandahang bulaklak sa aking likuran. Nang masiyahan ay tuluyan ko na iyong pinindot ngunit kasabay niyon ay ang bigla na lamang nitong pagkurap-kurap hanggang sa bigla na lang namatay! Inalug-alog ko pa iyon na para bang taong binawian ng buhay pero wala na! Tuluyan na itong nagpatiwakal!
"Tsk!" Nanlulumo kong singhal.
Kaasar! Bulok na nga nabasa pa ng ulan!
Naiinis man ay isinilid ko na lang iyon sa aking back-pack. Isinuksok ko iyon sa nakaawang na zipper hanggang sa mahulog sa loob.
"Kung minamalas ka nga naman.." Anas ko ng isara iyon pero hindi ko pa man nabibitawan ang bakal na nagdudugtong doon ng bigla na lang akong natigilan ng marinig ko ang swabeng paghinto ng isang sasakyan.
Dahan dahan akong nag-angat ng tingin hanggang sa makita ko ang isang napakagarang kotse.
Gusto kong mapanganga sa pagkamangha sa tikas niyon pero ng bumukas ang pinto ay parang gusto ko namang himatayin!Kitang kita ko kung paanong iluwal ng sasakyan na 'yun ang isang napakagwapong nilalang!
🎶🎵
At nakita kita sa tagpuan ni bathala
May kinang sa mata na di maintindihan
Tumingin kung saan sinubukan kong lumisan
At tumigil ang mundo
Nung ako'y ituro mo
Siya ang panalangin ko..🎶🎵(Tagpuan - Moira)
Pakiramdam ko'y nagslow-mo ang paligid. Sinundan ko ang bawat niyang galaw hanggang sa makalabas siya at maglakad papalapit sa akin.
LUBDUG!
LUBDUG!
LUBDUG!
LUBDUG!
Parang panaginip..
Napakabilis ng tibok ng puso ko!
Agad akong napahawak sa aking dibdib hanggang sa makita kong ilahad niya sa aking harapan ang kanyang kamay..
..aabutin ko na iyon ng..
ng..
..ng hawakan niya ang pihitan ng pinto papasok sa loob!
BINABASA MO ANG
WHEN THE SUN KISSED THE RAIN (Completed)
Roman d'amourIsang cute na love story ng isang ordinary teenage girl na maiinlove sa isang easy go lucky guy na ubod ng sama ng ugali. Bangayang aso't pusa na mauuwi sa pagsasama sa iisang bubong. Pero paano kung mainlove si easy go lucky guy sa makulit at kwela...