4

129 11 3
                                    

Ilang oras na ang nakalipas. Nakahiga parin ako sa malambot kong kama habang nakatitig sa kisame.

Maya-maya pa ay kinuha ko ang isang tangkay ng sunflower saka ko iyon pinagmasdan.

Paulit-ulit ko paring naaalala ang itsura niya! Ang gwapo!

BLAAAAGGG!!!

Ano 'yun?

Natigilan ako sa pagpapantasya ng may marinig akong kalabog.

Tinignan ko ang maliit kong orasan na nakapatong sa lamesa na katabi lang ng aking kama.

5:12 am

Ang aga naman yatang gumising ni kuya.

Binalewala ko iyon saka ko muling pinagpatuloy ang pananaginip ng gising..kilig na kilig ako habang gumagawa ng eksena ang utak ko.

Ngumuso pa ako ng..

BLAAAGGGGGG!!!!!

Pakiramdam ko ay sinampal ako ng bigla iyong maudlot dahil sa malakas na kalabog.

Agad akong napabalikwas ng bangon. Bigla akong kinabahan.

Baka napasok kami ng magnanakaw!

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pinto ng aking kwarto. Marahan kong iniikot ang pihitan. Ibinukas ko iyon ng kaunti, sapat upang makasilip ako sa sala.

Maliit lang ang bahay namin ni kuya. Dalawang magkatabing kwarto lang iyon pagkatapos ay sala at kusina na agad.

Medyo madilim pa pero maaninag na ang paligid.

BLAAGGG!!!

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si kuya. Pabagsak siyang napaupo sa sofa.

Napalunok ako.

Lalabas na sana ako ng..

..makita kong may..

..gumapang na babae sa dibdib niya!

"A-ano b-bang g-ginagawa mo d-dito An-nika?"

Hinawi ng babaeng iyon ang kanyang buhok pagkatapos ay pinagapang nito ang hintuturo sa gilid ng mukha ni kuya pababa sa kanyang leeg, dibdib, pababa ng pababa.

Napanganga ako.

Anong ginagawa nila?

Kailangan ko bang lumabas o mananahimik na lang ako dito sa loob?

"Tsk!" Singhal ko saka ako mariing napapikit.

Isasara ko na sana ang pinto ng marinig ko ang boses ng babaeng iyon.

"Summer, baby."

Napalunok ulit ako. Baby? Sumilip ako.

"Buntis ako."

"Ano?!" Napatayong usal ni kuya.

Nahagip ko ang sarili kong hininga. Halos malaglag ang panga ko sa narinig kong iyon. Hindi ko namalayang naitulak ko pabukas ang pinto.

Sabay silang gulat na napalingon sa akin.

🌻🌻🌻

Tatlong buwan ng buntis si Anika. Hindi daw siya girlfriend ni kuya pero nabuntis niya..ng hindi sinasadya!

Langya!

Hindi ko maintindihan. Nanlulumo akong humarap sa kanilang dalawa.

Napakaganda ni Anika. Mukha siyang may kaya sa buhay samantalang si kuya mukhang basurero. Walang kaayus-ayos sa sarili, mukhang hindi naliligo, mukhang kriminal at mukha ng may labing dalawang anak! Hayyy!!!

WHEN THE SUN KISSED THE RAIN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon