Oo nga walang tayo,
Pero alam ko sa sarili ko na hinding hindi kita ipag-papalit,
Oo nga walang tayo,
Pero bat ganun merong iloveyouhan na nagaganap
Oo nga walang tayo,
Pero sayong sayo na ako
Oo nga walang tayo,
Pero hindi ibigsabihin nun titigil na ako.
Sa mga salitang yan kailangan kong itatak sa isip ko kasi baka isang araw kala ko tayo na pero hindi pa pala.
Oo nga walang tayo,
Pero kayang kaya kitang ipaglaban
Oo nga walang tayo,
Pero Kayang kaya kitang mahalin ng sobra higit pa sa pagmamahal ng naging mahal mo dati
Oo nga walang tayo,
Pero hinding hindi kita sasaktan, ikaw lang sapat na.
Sa nararamdaman kong pagmamahal na to sana marealize mo na ako yung tamang tao na para sayo, sana hindi mo rin ako ipapagpalit kasi mahal na mahal kita tandaan mo yan, at sana walang magbabago na magaganap.
Sa mga pagsulyap ko sayo baka matunaw kana dahil sa tapat kong pagmamahal sayo.
Sana totoo lahat ng sinabi mo, kasi lahat ng sinabi ko totoo yun nasa puso ko yun at utak,
Oo nga walang tayo,
Mga salitang hindi ko malilimutan
At mga salitang lagi lagi kong naririnig,
Apat na letra na hinding hindi mangyayari, "TAYO" kailan kaya magiging tayo, kaso baka isang araw makita kita na may kasamang iba na ibang iba ang ngiti mo parang masayang masaya ka, natatakot ako baka isang araw lahat ng sinimulan natin mawawala na dahil lang sa isang tao,
Oo walang tayo,
Pero bat ganun nasasaktan ako kapag meron kang kasamang iba,
Oo walang tayo pero alam ko sa sarili ko na ikaw lang ang mahal ko,
Oo walang tayo......Mahal ko :) :>——————————————————————————-
—————————————-
Ps: :>
Sorry po kung masyadong nakakatamad
At mali mali yung iba kong grammar kasi newbie palang ako na mag gawa ng ganto na kaechos echosan lamang! :>
Kung huhusgahan niyo lang po yung poetry ko wag niyo nalang basahin to kasi I'm not perfectionist hindi katulad mo na kala mo perfect ka :) :> lahat po tayo nagkakamali
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry (tagalog)
RomanceHindi po ako magaling masyado Wag niyo po akong husgahan....heheheheh ~Louis Mandac💔