TTOW 17

421 39 21
                                    

TTOW 17

Someone's POV


     "Yes... yes... I understand... Okay, I have to go now. Bye!" after that I ended the call.


Nandito ako ngayon sa Veranda para magpahangin nang may tumawag sa telepono ko. Nagkaroon daw ng maliit na problema pero naayos naman daw agad ito. Inilibot ko ang paningin sa aking harapan. Napakaganda ng puting-puting buhangin at maasul na berdeng karagatan nang mapadpad ang paningin ko sa di kalayuan.


May taong nakahiga sa buhangin at tila walang malay ito, kaya napagdesisyunan kong bumaba at lumabas ng bahay para malaman kung buhay pa ba ang babaeng iyon?


Lumapit ako sa kinaroroonan niya at nilapit ko ang aking hintuturo at itinapat iyon sa kanyang ilong upang malaman ko kung humihinga pa nga ba ito? Ilang segundo lang ay may naramdaman akong hangin na lumabas galing don.


Buhay pa siya...


Nanlaki ang mata ko at hinawakan ang kanyang palapulsuhan upang kumpirmahain ang aking hinala ng maramdaman kong tumitibok pa nga ito.


Dali-dali ko siyang binuhat at dinala sa loob ng aking kwarto. Maingat ko siyang inilapag sa aking kama at tinawag si Aling Maria para mapalitan ang kaniyang basang damit.


Baka nalunod kaya basa?


Matapos kong makapagpalit ng damit dahil nabasa iyon kanina nung binuhat ko siya ay pumunta ako sa kabilang kwarto at nang makita kong napalitan na siya ng ibang damit ay tsaka lamang ako pumasok sa loob ng silid at umupo sa gilid ng kama.


Ano ang ginagawa niya ron? May nangyari kayang masama sa kanya? I sighed.


Napatingin ako sa mukha niya. Maganda siya, maputi at makinis ang balat. Iisipin kong galing siya sa marangyang pamilya base sa kasuotan niya kanina. Ngunit hindi ko talaga alam kung bakit siya nandoon?


Isinuklay ko ang kamay ko sa kanyang buhok. Malambot iyon! Maya-maya lamang ay idinilat niya ang kaniyang mata at tinignan ang paligid hanggang sa magtama ang mga mata namin.


Nagtataka ang tinging ipinukol niya sakin at ganon na lang ang gulat ko ng sabihin niyang...

"Who are you?" ani niya.


Nakatitig lamang ako sa kanya ng ilang minuto at ganon din siya sa akin.


"L-look! I just saw you lying at the beach and I thought na p-patay kana pero nung chineck ko yung pulse rate mo naramdaman kong tumitibok pa kaya naman dinala kita dito sa bahay ko."


Napakunot lalo ang kanyang noo at tila naguguluhan. Matagal bago siya sumagot at matamang tinitigan lamang ako ng ilang segundo. Maya-maya ay binuka niya ang kaniyang labi..


"S-sino ako? A-anong ginagawa ko dito?" she said.


At doon ako naestatwa ng bitawan niya ang mga salitang iyon... Hindi ko alam ang sasabihin ko... Nakatulala at nakatingin lang sa kaniyang makinis na mukha...















Edited.

The Temptation of Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon