Broken Memories

228 12 3
                                    

Nasa bus ako ngayon. Nilinga ko ang paligid. Matagal pa bago mapuno ito kaya nakinig muna ako ng mga tugtugin sa aking maliit na ipod. Eksayted na akong makauwi sa probinsya. Hayy. Sobra ko na talagang namimiss sila. Halos limang taon din akong napalayo sa kanila dahil na rin sa medications ko at ngayon ay magaling na ako. Wala na rin ang mga sugat sa ulo ko. Ipinikit ko ang mga mata ko, dinama ang musika, at hindi ko na namalayan na nakaidlip na pala ako. Naalimpungatan ako nang maramdaman ko ang pagtabi sa akin ng isang pasahero. Samyo ko ang kakaibang amoy niya. Napakabango at sadyang kahali halina. Mukhang babae siguro.Naisip ko.

Idinilat ko ang aking mga mata. Nagulat ako ng tumambad mismo sa mukha ko ang mukha niya. Naiilang na napaatras siya. Naging malikot din ang mga mata niya. Kitang kita ko rin ang pamumula ng kanyang mukha. Naramdam ko din ang pag iinit ng aking pisngi. Inayos ko ang aking pagkakaupo at ibinalik ang tingin sa kanya. Idinako niya naman ang kanyang tingin sa ibang direksyon ng bus.

Tumikhim ako upang agawin ang atensyon niya na hindi ko naman ikinabigo.

“Ah Miss…..”

 

“Oh mga papuntang Bicol aalis na!” sigaw nung conductor ng bus. Hindi ko tuloy naituloy ang aking sasabihin.

“Ah….” Halos magkasabay naming sabi.

“Ano yun?” tanong ko sa kanya.

“Maaari bang magpalit tayo ng upuan,” nahihiyang sabi nito.

Parang natulala naman ako sa angkin niyang kagandahan. Mahaba at itim na itim ang kanyang buhok na tila inaalon alon. Napakaganda ng kanyang mukha, makinis at hugis puso. Mahahaba rin ang kanyang pilik mata, matangos ang kanyang ilong, mapupula ang kanyang mga labi at…

“Pwede ba?” muling tanong niya.

Parang natauhan naman ako sa sinabi niya. Tumayo ako at nakipagpalitan ng upuan sa kanya. Binuksan niya ang bintana at sinamyo ang hangin na galing dito. Naamoy ko muli ang bango niya. Nakakagaan ng pakiramdam.

“Maraming salamat.” nakangiting sabi niya na nagpalabas ng biloy sa kanyang pisngi.

Hindi ko maiwasang titigan siya. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong atraksyon sa ibang babae. Sa edad kong dalawampu’t siyam ay wala pa akong naging interest sa babae. Hindi ko rin nga maintindihan ang aking sarili kung bakit ganun na lamang ang atraksyon ko sa kanya gayung ngayon ko pa lamang siya nakita. Pero tila sadyang may kakaiba sa kanya. Naramdaman ko ang pag andar ng bus. Napabuntunghininga na lamang ako. Parang biglang nahila ang dila ko at hindi makapagsalita.

“Okey ka lang?” tanong niya sa akin.

Tumango na lamang ako. Ngumiti siya sabay lahad ng kanyang kamay.

“Ako si Angelika.”

“Ah… Ako si Stephen. Bakit mo pala ako tinititigan kanina.” nahihiyang tanong ko dito.

Nakita ko namang namula ang kanyang mukha.

 

“Ah yun ba. Ngumingiti ka kasi habang natutulog. Haha” sabi niya sabay tawa. “At……..” tila nag aalinlangan sa sunod niyang sasabihin.

Alaala Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon