Wakas

647 16 23
                                    

[Wakas]



"Ate! Ate! Gising na po!" Pilit kong iminulat ang mga mata ko dahil sa ginawang paggising sakin ni Kleah, nakatayo sya sa gilid ng kama ko, ipinikit ko ulit ang mga mata ko at muling nagtalukbong ng kumot.

"Ate anu ba bumangon kana, nasa baba na naghihintay si Ate Ara at ate Lorlee, ngayon daw ang last day ng klase nyo." Aniya, ngunit nanatili lang akong nagtulog-tulugan.

"Inaantok pa ako, kleah." Mahinang sabi ko.

"Nasa baba din naghihintay si kuya Denver at ang suplada nyang girlfriend."

Napabalikwas ako ng bangon sa narinig ko, what the heck is he doing here? Sinama nya pa talaga ang babae nya? Hindi nya manlang inisip ang nararamdaman ni Ara?

"Si-sigurado kaba sa sinasabi mo kleah!" Tanong ko ngunit inikotan nya lang ako ng mata nya at nagmartsa palabas ng kwarto ko.

Sa inasta nya, alam kong totoo ang sinasabi nya, kapag kasi hindi sya sumasagot sa tanong ko ibig sabihin totoo ang sinasabi nya at hindi nya na kailangan pang sabihin ulit sakin.

Bumaba ako sa kama ko at hinawi ang kurtinang nakatakip sa bintana ng kwarto ko, tumambad sakin ang nakakasilaw na sikat ng araw, binuksan ko ang bintana upang malanghap ang presko at malamig na hangin.

Kahit papaano nakakatulong ito upang mas lalo pang gumaan ang nararamdaman ko, sa nakalipas na isang buwan kong pagluluksa sa isang taong hindi ko manlang kakilala at tanging sa panaginip ko lang nakikita at nasisilayan, ngayon masasabi kong unti-unti na akong bumabangon at bumabalik ang sigla na meron ako noon.

Hindi ko pa din maintindihan  hanggang ngayon kung bakit patuloy akong sinusundan sa panaginip ng lalaking iyon, dumating na nga sa punto na hiniling ko sa diyos na sana ay totoo nalang sya at sana pagtatagpuin kami. Nakakatawang isipin pero kakaiba kasi yung epekto nya sakin kahit sa panaginip ko lang sya nakilala.

Hindi ko maikakailang hanggang ngayon ay nandito pa din ang sakit, ang sakit sa dibdib kong hindi ko alam kung sino ang nagdulot nito, minsan din akong umiiyak pero hindi na tulad ng dati na kumukulong sa kwarto ko at walang ganang makisalamuha sa kapwa.

Malaki ang gagampanan kong responsibilidad pagkatapos ng pag-aaral ko, hindi pwedeng pababayaan ko ang iniwang kumpanya at negosyo ng mga magulang ko, iyon na lamang ang isa sa mga bagay na naiwan nila sakin kaya dapat ko din iyong ingatan at ipakita sa kanila ang pagmamahal ko sa pamamagitan ng pagpapahalaga ng ibinilin nila sakin.

Inayos ko ang sarili ko at naligo, alam kong madaling mainip ang dalawa kong kaibigan na yun at baka pasukin nanaman nila ako dito at tatarayan dahil daw ang bagal-bagal kong kumilos.

Bumaba ako ng hagdan at agad ko silang nakita na kumakain at nanonood ng tv,  isang oras pa ang natitira bago magsisimula ang pictorial namin for graduation. Hindi ko lang alam kung anu ang nakain nila at pumunta dito ng maaga.

"Hey, bern Kain tayo!" Alok sakin ni Ara.

Tinaasan ko sila ng kilay.
"Feel at home hah, ako pa din ang may ari ng bahay!" Ani ko at na kinahagikhik nya.

Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng sala ngunit wala naman dito sina denver.
"Akala ko nandito si Denver?" Kunot noong tanong ko.

"Ayon lumabas, sinundan ang impokrita nyang girlfriend ayaw daw kasi nyang nakikita tayo." Inis na sabi ni Lorlee. "Doon nalang daw sila maghihintay sa sasakyan nila." Dagdag pa niya.

Tumango-tango lang ako.

"Kyaaaaahhhh! Magsisimula na ang interview nya, katahimikan muna!" Tili ulit ni lorlee at habang nakatutok na ang atensyon sa Telebisyon.

Her Secret Protector (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon