Tracy Kiel's P.O.V.Biglang pumasok sa front door ang apat na lalaki. Hindi ko alam pero bigla akong napangiti. Shet ang gwapo nila! Huhuhu.
"Kayo ba 'yung nasa concert ni Harry?" tanong ko sa kanila kahit medyo nahihiya pa ako kasi 'di pa ako masyadong komportable sa kanila. Pero shet! Kahit sinong babae ang makakakita sa kanila, ba't 'di magagwapuhan?
"Tama. Hello Tracy Kiel" sabi ng isang lalaki, sabay wave sa 'kin. "Ako nga pala si Ken Louis, just call me KL" sabay kindat at pakilala ni KL. Gosh! Ang pogi din n'ya, parang kpop idol. Hahaha.
"Ako naman si Grey" pakilala nung isang lalaki. Parang pamilyar s'ya sa 'kin, hmmm?
"Ako si Jacob" seryosong sabi nung isang lalaki na may nakasukbit na headphone sa leeg. At kitang-kita ko rin ang awra n'ya na cold? Bakit ang seryoso ng mukha n'ya? Hindi manlang s'ya marunong ngumiti.
Napatingin naman ako kay Ian. Nandito pala s'ya. Oo nga pala kapatid n'ya si Harry.
Bakit kaya hindi na lang nag-artista si Ian? Gwapo naman s'ya ah? Bakit kaya nag nurse s'ya?"Tara kain na tayo" aya ni Tita Jeyann sa 'min at iginiya kami papunta sa dining hall.
Tinulak naman ni Harry 'yung wheelchair. Buti na lang mabait ang pamilya ni Harry? Paano kaya kung hindi? Nakakaawa siguro ang kalagayan ko ngayon. Medyo nakakahiya pa rin na nandito ako sa bahay nila, pero ano bang magagawa ko? Hindi ko naman kaya ang sarili ko na ganito. Ako na lang mag-isa at ayokong abalahin si Yssa sa pagbabantay sa 'kin.
Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng biglang may tumawag kay Ian Jade. Sinagot naman n'ya yung tawag.
"Hello?... Bakit ka napatawag... What?... Oh sure..." sagot ni Ian sa kabilang linya. Lahat kami napatingin sa kan'ya pati si Tita Jeyann.
"Ahmm, sino 'yon?" tanong ni Tita Jeyann kay Ian na kasalukuyang inilalagay sa bulsa ang phone.
"Si Shaina, inaaya n'ya ko para pumunta sa bagong restaurant ng tita n'ya bukas" paliwanag ni Ian at nagpatuloy na sa pagkain.
Shaina? Hmm. Yun ba 'yung nililigawan ni Ian? Yung nakita ko dati sa hospital na kasama ni Ian?
"KL malapit na ba si Nina?" tanong ni Tita Jeyann kay Ken Louis. Tumango lang naman 'to sabay kain ulit.
"How's the food Tracy? Okay lang ba sa 'yo?" ako naman ngayon ang tinanong ni Tita Jeyann kaya naman tinignan ko s'ya sabay ngiti nang may paggalang.
"Okay lang po Tita. Masarap po"
"Good. Oh Harry kailan ba ulit ang schedule mo?"
BINABASA MO ANG
Hello, My Dream Guy (On Hold)
Teen FictionWhat if you met someone who you think is perfect and flawless? But one day you realize that everyone has flaws and no one is perfect.