Huling Beses

24 2 0
                                    


Ito na ang huling beses na magsusulat ako para sayo.

Ito na ang huling pagkakataon na aalalahanin ko lahat ng masasayang araw natin.

Simula ng magkakilala hanggang sa nabuo ang pagkakaibigan.

Sa hindi inaasahang pagkakalapit at biglaang pagkakalayo dahil sa pagtahak sa magkabilang landas.

Mga araw na magkausap, inaabot ng madaling araw kung minsan.

Sa bawat sabado o linggo, o kung kailan bakasyon at uuwi ka dito.

Sa bawat pagyaya mo sa galaan kasama ng iilan.

Sa bawat pagtatampo mo sa tuwing nag-aalinlangan akong sumama.

Sa bawat pagtawag mo sa akin para lang alamin kung nasaan na ako. Sabay sermon na late na ako.

Sa mga pagtama ng ating mga tingin, paglalapit ng ating mga braso habang naglalakad o nagkakatabi sa jeep, tricycle o upuan.

Sa mga pasimpleng pag-akbay mo sa akin.

Sa pagsandal sa aking balikat.

Paglalaro sa aking buhok.

Pagbulong ng kung anu-ano.

Pagkurot sa braso.

Sa mga biglaang pagkuha ng aking mga kamay at tila pinaglalaruan.

Sa mga hindi namamalayang matagalang pagtititigan.

Hanggang sa nagkakahulugan na ng loob.

Ang daya mo.

Ang daya-daya mo.

Alam nating pareho na may iba sa ating dalawa.

Pero bakit?

Bakit mo ako biglang binitawan?

Bakit mo pinaramdam sa aking espesyal ako tapos sa huli bibitawan lang ako?

Gusto kita.

Gustong gusto kita.

Handa na akong tumingin sa hinaharap na kasama ka.

Pero anong nangyari?

Idadahilan mo sa akin lasing ka?

Sa tuwing nagkikita tayo, lasing ka?

Biktima lang ako ng kalasingan mo?

Ang daming tanong sa utak ko.

Gusto kitang komprontahin.

Gusto kong magalit sayo.

Gusto kitang saktan.

Para naman kahit papaano patas tayo.

Pero sino nga ba ako?

Sa simula pa lang, wala ka ng nilinaw sa akin.

Sa simula pa lang, wala kang inamin.

Kaya sa huli, kasalanan ko rin.

Kasalanan ko.

Kaya ngayon, tama na siguro.

Kailangan ko ng patawarin ang sarili ko.

Kailangan kong palayain ang puso ko.

Kaya sana...

Kung may konsensya ka pa...

Wag ka ng lumapit sa akin.

Wag ka na ring sumama sa mga gala.

Wag muna.

Hindi ko pa kaya eh.

Kaya pakiusap, ibigay mo na sakin to.

Ito na ang huling gabing iisipin kita.

Ito na ang huling beses na maramdaman ko itong sakit na dinulot mo sakin.

Ito na ang huling pagkakataon na mamahalin kita.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 08, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Huling Beses (One shot)Where stories live. Discover now