Falling For The Casanova (Kathniel)

131 4 0
                                    

Prologue

Sabi nila,iba daw ako sa mga gangster na nakilala nila. Pano ba naman,ako lang yata ang gangster na naniniwala sa true love. Hmp! Mga echosera sila! Mga bitter amp!

Dati,hiling ako ng hiling na sana mahanap ko na si the one.

Kaso shit lang. Nasobrahan ata sa kahihiling. Dumating ng maaga eh. Ayun. Nasira ang destiny. Tsk.

Kasalanan ko bang mahulog sa kanya? Sa tingin ko,hindi. Bakit ko naman kasi magiging kasalanan yun eh hindi ko naman yun kayang pigilan. Hindi kayang pigilan ang puso.

Sabi nila 'wag kang matakot maiwan dahil pag iniwan ka ng taong mahal mo,you get one step closer to the right one'. Pero ang tanong...dapat nga ba akong hindi matakot kung kahit iniwan na niya ako,patuloy pa rin ang pesteng puso ko sa pagtibok para sa kaniya?

Falling For The Casanova (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon