DEDICATED TO MY EONNI, ate jeriz hello! <3
____________________________________________
Parang dinaanan ng buhawi ang aming sala. Basag ang dalawang lamp shade, nakatumba ang tatlong sofa. Ang center table ay nakapatong na sa loveseat. Idagdag pa rito ang mga maliliit na painting na nasa sahig. Nagkalat tuloy ang mga bubog sa lugar.
"Bakit kasama sa listahan ang pangalan ni Lala?!"
Umalingawngaw sa buong kabahayan ang sigaw ng aking kapatid. Marahas niyang hinahawakan ang kwelyo ni Reagan. Nagsisimula na tuloy ang nerbyos at takot sa aking buong katawan. Lalo na ng idikit niya sa dingding si Reagan.
"Kuya, ano bang nangyayari?",lumapit ako sa kanilang dalawa. Pero hindi man lang ako pinakinggan ni Kuya Errol.
Inilibot ko ang aking paningin sa sala, wala dito ang iba pa nilang kasama kundi nasa kusina. Si Lio at Allister ay nakaharap sa kanilang laptop. Napakaseryoso ng kanilang mukha. Si Franco naman ay umiinom ng beer at nakatutok din sa ginagawa ng dalawa. At si Harris ay may kinakausap sa kanyang cellphone. Sumisigaw din siya ngunit di ko naman maintindihan sapagkat salitang Bisaya ang kanyang mga sinasabi.
"Ano? Magsalita ka!",
"kuya,tama na.",hinawakan ko ang braso niya pero di siya tumitigil.
"Sabi ko naman sa'yo kanina pa, hindi ko rin alam! Pero isipin mo din na baka ginagantihan ka ng mga kalaban mo.",ani Reagan na di alintana ang sakit na ginagawa sa kanya ng kapatid ko.
Pinagmasdan ko ang mukha ni Reagan at nakita ko kung paano lumatag ang mga pasa sa kanyang pisngi. Dumudugo rin ang gilid ng kanyang labi.
"Wala kang kwenta."
Binitawan na ni kuya si Reagan. 'Ano bang nangyayari?' Gusto kong itanong iyan sa aking kapatid ngunit di ko magawa sa nakikita ko ngayon kung paanong pagod at pagkadismaya ang lumulutang sa kanya. Itinayo niya ang maliit na sofa at umupo doon habang minamasahe ang kanyang sintido.
"Whether you like it or not Errol, she's on the list. The auction will start at 10 sharp." wika ni Harris sa matigas na Ingles. Walang bahid ng pagkabisaya ang pagbigkas niya ng bawat salita.
"That's bullshit!" ani kuya sabay sipa sa loveseat. Nabasag tuloy ang center table na gawa rin sa bubog.Sumasakit na rin ang aking ulo sa mga naririnig ko sa kanila. 'Anong kinalaman ko sa listahan? Kung may auction na magaganap mamayang gabi, ang isang indibidwal na ba ngayon ang nasa bidding?' Iyan ang mga sumasagi ngayon sa aking utak. Ang dami ng nangyayari which is beyond my comprehension.
Nilisan ko ang sala sapagkat di ko na makayanan ang ganitong kaganapan. Narito pa rin sina Lio, Allister na may kung anong ginagawa sa kanilang laptop. Samantalang si Harris ay tumabi sa aking kapatid at may kung anong sinasabi sa napakahinang boses.
Lumapit ako sa counter at nagtimpla ng gatas. Nanlalamig na ako. Nangangatal ang aking mga kamay sa paglalagay ng mainit na tubig sa baso. Mabagal kong hinahalo ang gatas at asukal gamit ang kutsara.
"Tonight is the night!",ani Franco na parang kumakanta.
"Siraulo ka talaga. This is not a joke,big bloke!",untag naman ni Lio na may hawak ng sigarilyo. Hindi na siya gumagamit ng kanyang laptop.
"Aba, niloloko niyo pa ang sarili niyo. Alangan namang magluksa tayo sa nangyari. Walang magagawa iyon. At alam ko namang gusto niyo din ng event na ito,ano? C'mon mga dude, poker and the hoes!"
Inihagis ko sa lababo ang kutsara sa pagkainis ko sa mga sinasabi ni Franco. Tumingin na din ako sa kanya na pinagmamasdan ang pagpapaikot niya ng kanyang alak sa bote. Is he insensitive,ignorant or just stupid?
"Marinig ka ni Errol siguradong may busal na 'yang bibig mo.",umiiling naman si Allister na nagsisimula nang umalis ng kusina.Habang papasok naman si Reagan na hawak-hawak ang kanyang panga. Dumiretso siya sa pridyider at kumuha ng yelo sa freezer. Kinuha niya ang kanyang panyo sa bulsa at doon inilagay ang mga ice cube. Umupo siya sa may hapag na nakadikit ang ice pack sa kanyang mukha.
Lumapit ako sa kanya at tumabi sa pag-upo.
"Lala,magpakasaya ka na lang din mamaya!"
Lumapit din sa amin si Franco at umakbay sa aking balikat. Dinama ko muna ang init ng baso bago ako nagwikang,"Alisin mo 'yang braso mo sa balikat ko.",utos ko sa kanya habang nakatitig sa aking gatas.
"Woah, easy!",Usal ni Franco na parang sumusuko sa mga pulis.
BINABASA MO ANG
Get a Grip
RomanceSapat na ba ang salitang pag-ibig para mahalin ang isang tao? Sapat na rin ba ang salitang paglayo upang makalimutan siya? Kaya mo bang maging matatag sa maaaring kahantungan ng pagmamahalang ito? At dapat na bang kaawaan ng kalangitan ang pagsintan...