Chapter 9

360 5 2
                                    

"Revenge doesn't change the past" - Ysabelle Valdia

-----------------------------------------------------------------------------------------------------

Ysabelle's POV

Ilang linggo na din ang nakaraan ng ipakilala ko kina Elyssa and Gabby si Chelsea. And yes, sh'e my daughter. Sa una nagulat sila, hindi nila akalain na may anak ako. Nakuha ko pa nga daw manlalaki eh may anak na daw ako. And that's one of my reasons kung bakit ako ganito.

Yes. Reasons. We all have reasons.

"Kaya naman pala Belle ang hilig mo sa mga bata" napaangat na lang ako sa sinabi ni Gabby. Hanggang ngayon hindi pa din sila makapaniwala. "Oo nga pansin ko" sabi naman ni Elyssa.

I sighed. "Yeah I wish she's here. Ok lang kahit wala siyang daddy, nandito naman ang mommy niya eh nandito naman ako" sagot ko sa kanila.

Si Chelsea? Aksidente lang siya nabuo.

Isang gabi nun. Pumunta lang ako ng solo sa bar. Maingay, ang daming tao. And I'm only a second year college student. And that's because of a d*mn boy. Sinira niya ako. Dahil sa LOVE na sinasabi niya napaniwala ako pero nagkamali ako. He just used me. 

Sa bar lumapit ako sa isang group of boys. Mukhang nagulat pa ata sila nun at alam ko meron na akong nainom na alak noon. Isa sa kanila ang hinigit ko pagkatapos ay dinala ko siya sa isang kwarto. Alam kong pagkakamali ang ginawa namin, kaso wala eh, di na pwedeng bawiin pa. 

Gumising ako isang araw, sobrang sakit ng ulo ko tapos wala akong suot ng damit. Napaiyak na lang ako noon kasi sa isang hindi ko kilala na tao, sa kanya ko nabigay ang pagkababae ko.

Isang Chelsea ang nabuo. Yes, babae siya. Ilang buwan ko siyang inalagaan sa tyan ko. Alam nina mama ang lahat. Sa una, hindi nila matanggap pero sa huli sinuportahan pa din nila ako. Kahit si kuya at ate alam ang nangyari sa akin, galit ang naramdaman nila noon. Hanggang sa dumating ang kabuwanan ko. Napanganak ko siya, nawalan ako ng malay.

Pagkagising ko noon, hinanap ko sila kina mama kaso sabi nila pagkaanak ko kay Chelsea, hindi na niya naabutan ang sikat ng araw. Sa simpleng salita hindi siya nabuhay. Sabi ng doctor dahil sa sobrang pagkadepressed ko daw namatay ang bata sa loob. Hindi ko inaasahan yun. Dahil sa love na yan nasira ako. Una niloko ako, pangalawa namatayan ako ng anak. Yung nangyari sa amin nung lalaki, hindi ko naman pinagsisihan yun dahil ginusto ko at wala ako sa katinuan.

"Belle?Kanina ka pa namin kinakausap" bigla akong nagising sa real world ng biglang nilaksan ni Elyssa ang kanyang boses. "Ah ano nga ulit sabi niyo?" tanong ko sa kanila.

"Wala ka nga sa pagiisip mo Belle. Sabi namin kanina paano kapag niligawan ka ni Ethan?" bigla akong nagulat sa sinabi nila. " Siya manliligaw? Guys wake up. Kung manliligaw siya, I'll teach him the best way to play"

The Game called LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon