Kung Alam Mo Lang Sana [One-Shot story]

134 3 0
                                    

Ang pagmamahal ay dapat na ibinibigay sa taong alam mong kaya itong suklian.

Sa taong hindi kayang saktan ka.

Sa taong mahal ka rin nang buong tapat.

Pero bakit sa tuwing nagmamahal ka, laging maling tao ang napagbibigyan?

Sa taong lagi ka na lang pinapaluha.

Sa taong may iba pa lang mahal.

Minahal ko si Sherwin dahil sa mga katangian niya.

Mabait.

Maasikaso.

Mapagmahal.

Sabi nga nila, bonus na raw ang pagiging gwapo niya.

Pero habang tumtagal ng relasyon naming dalawa, alam kong mayroong nabago sa kanya.

Isang araw, nakita ko siya na may kasamang iba.

Nakaakbay siya doon sa babae.

Imbes na sugurin at komprontahin ko siya ay nagtago na lamang ako at paimpit na umiyak.

Madalas itong mangyari.

Ayoko siyang tanungin.

Natatakot ako na mag-away kami.

At hiwalayan niya ako.

Kaya mas pinili ko na lang na kimkimin lahat nang sakit...

First anniversary naming dalawa.

Hinihintay ko siya sa tagpuan namin.

Pero hindi siya dumating.

Sinubukan ko siyang itext.

Pero bago ko pa lang isend ang message ko ay dumating na si Sherwin.

"Shane..."

"Itetext na sana kita, buti na lang at nandito ka na" sabi ko sa kanya. Lumapit ako para sana yakapin siya pero lumayo agad siya.

"I'm breaking up with you" sabi ni Sherwin.

Nabigla ako sa sinabi niya.

Hindi ako makapagsalita.

Unti-unti may tumutulong luha sa mga mata ko.

"I'm sorry..." dagdag pa niya.

Dahan-dahan siyang humakbang palayo sa akin.

Gusto ko siyang habulin.

Gusto ko siyang lapitan at yakapin.

Gusto kong sabihin na mahal na mahal ko siya.

Na ayokong mawala siya sa buhay ko.

Pero hindi ko magawa.

Nang gabing iyon, tuluyang nabasag ang puso ko.

3 months later...

Hindi pa rin ako nakakamove-on sa nangyari sa amin ni Sherwin.

Lagi na lang akong umiiyak at nagkukulong sa kwarto.

Halos pinapabayaan ko na ang sarili ko.

Isang araw, bigla na lang akong nahilo.

Dinala ako nila Mama sa ospital.

Doon ko nalaman na...

...buntis pala ako.

Hindi ko pinaalam kay Sherwin ang kalagayan ko.

Sabi nang doktor, maselandaw ang pagbubuntis ko.

Kaya kahit di pa ako makamove-on, pinilit kong ayusin ang buhay ko.

Para sa baby ko...

6 months later...

Kabuwanan ko na ngayon...

Naglalakad ako pauwi.

Medyo madilim na sa nilalakaran ko pero hindi ko alintana iyon dahil malapit na lang naman ako sa bahay namin.

Isang lalaki ang humarang sa akin.

Pilit niyang kinukuha ang bag ko pero mahigpit ko iyong hinahawakan.

Nang bigla ko na lang maramdaman na tinusok ako nang lalaki sa tagiliran ko.

Unt-unting dumilim ang paligid ko.

 Bago ako nawalan nang malay ay nakita ko ang mukha ni Sherwin.

 Pinipilit kong abutin at haplusin ang mukha niya pero hindi ko na nagawa... 

Ako si Sherwin.

Isng taon na rin ang nakakalipas.

Nakipagbreak ako kay Shane para sa ibang babae na inakala kong mahal ko talaga.

Pero hindi.

Si Shane pa rin ang laman nang puso ko.

Sinubukan ko siyang lapitan.

Pero hindi ko magawa.

Gusto kong makipagbalikan.

Pero hindi ko masabi.

Dahil ang babaeng mahal ko...

... ay wala na

3 months ago

Lagi akong pumupunta sa bahay nila Shane.

Pero hindi ako nagpapakita sa kanya.

Hindi ko alam pero natatakot ako.

Natatakot ako na baka iwasan lang niya ako.

Pero mas natatakot ako na baka hindi na niya ako mahal.

Nang gabing iyon, may nakasalubong akong lalaki na tumatakbo.

Hindi ko na sana papansinin pero napansin ko yung bag na dala nung lalaki.

Bag ni Shane yun!

Agad akong tumakbo sa pinanggalingan nung lalaki.

At nagulat ko sa nakita ko.

"SHAAAANE!" sigaw ko at patakbong lumapit sa kanya.

Naghihingalo na siya.

Pilit niyang inaabot ang mukha ko.

Hindi ko alam pero bakit pakiramdam ko parang mawawala na sa akin nang tuluyan ang babaeng mahal ko?

Nag-uunahang tumulo ang mga luha ko...

Nang unti-unting pumikit ang mata niya at nalaglag nang tuluyan ang mga kamay niya.

Sa mga mata niya ay may sumungaw na luha.

Dinala ko siya sa ospital...

Pero huli na ang lahat...

Wala na siya....

Pati ang anak namin...

Ngayon, nagsisisi ako kung bakit ganito ang nangyari sa amin.

Kung alam ko lang...

Sana hindi ko na siya hiniwalayan noon...

Sana hindi nangyari ang bagay na yon.

Sana may sariling pamilya na kami ngayon.

Pero hindi na mangyayari yun...

Sayang...

Kung Alam Mo Lang Sana [One-Shot story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon