Locker Girl (One Shot)

674 12 2
                                    

"Please .. please. Kerry, ikaw na maghatid ng letter ko baka kasi mahalata na niya ako."
I was begging asking a favor to my bestfriend. :3

"'Wag na wag mo akong idadamay sa mga pinag-gagagawa mo dyan, Careen. Sinasabi ko sa'yo." She said while pointing her finger to me.

"Kerry naman eh! Parang iiwan mo lang sa locker niya. Sige na please!!!" Hirap paki-usapan ng bestfriend ko :3 Konting push nalang bibigay na to.

"Fine, whatever. You brat!" Yeeeees! Laki ng ngiti ko pagkasabi niya :D

"Woaah! I love you, dear." I gave her a warmth hug. Tinawanan niya lang ako sa reaction ko.

Ganito kasi yun. May crush ako. Ewan ko ba kung paghanga lang ba ito? Sa isang taon ko ba namang "stick to one"sa lalaking yun.

LOVE?

Baka nga.

And yes, isang taon ko na 'tong ginagawa ang pag iiwan ng letter sa locker ni Brent. I don't think it's cheap. I find it unique. Because somehow, through my letters I expressed my feelings towards him. Para akong nag da-diary gabi-gabi. Ang pagka-iba nga lang pinapabasa ko sa taong tinutukoy sa letter ko. Ang weird, my godness! Eh sa bahala na. Atleast di'ba?

A for Effort.

Well. Kerry's my bestfriend. We're best buddies since elementary to high school till now. Sa kay tagal naming magkasama halos ang tingin ng iba iisa nanay namin. Magkahawig talaga kami. Even to myself, hindi ko maipag-kakaila yun.

 We made a promise together that "No matter what , you can't turn back friendship over boys." Minsan na kasing naloko yang bestfriend ko. Depressed siya ng mga araw na yun. Galit ako sa lalaking gumawa nun' sa kanya. Matagal na din yun. Nakapag moved on na din siya, finally!

 Boys are boys. Sasaktan at sasaktan ka niyan. Gaano man ka totoo yang mga sinasabi nila. Dadating ang panahon na iiwan ka. Sabi nga nila ang lalaki daw parang 'Ayos Dito.'
HANAP. USAP. DEAL.

 Hirap din kasi sa ating mga babae, bilis paikutin. Madaling paasahin at bihagin. Sa huli? Magsisisi, iiyak, magmumura sabay sabing "Sana hindi nalang kita nakilala.". Andaming katangahan sa pag-ibig. Pero hindi ko din sila masisisi wala eh, nagmahal ka lang. Hindi ko pa din kasi naranasan.
Inlove na ba talaga ako? Handa na ba talaga ako sa mga bagay na yan? Paano kung maranasan ko ang lahat ng yan kay Brent? Feeling ko naman may pag-asa ako sakanya. Haaay. You're being so stupid again, Careen. Tsk.

Andito ako sa Bus Stop dahil dito kami magkikita ni Kerry. Sabay kaming umuuwi. Iba-iba kasi yung Schedule ko sa kanya. Umaga at Uwian lang kami halos nagkikita. Medjo malayo din yung building nila. Parehas sila ng course ni Brent. Luckily, classmate niya pa. Ang swerte. Inggit ako :(

Pero okay na din kasi araw-araw niya akong kine-kwentuhan tungkol kay Brent. Minsan kasi di ako makapag-stalk sakanya.

 Na kwento niya sa akin na muntik na siyang mahuli ni Brent. Habang nilalagay niya yung letter ko. Buti nalang naka-takbo siya agad. I was terribly nervous that time, baka kasi mahuli na niya ako, o isa samin ni Kerry. Hindi pa ako ready no? Nahihiya pa din kasi ako :3 Minsan ako nag-iiwan ng letter, minsan ang bestfriend ko.

 Nagtataka ako minsan kung na bo-bothered ba si Brent sa mga letter ko o para sakanya wala lang ang mga ito? Wag naman sana. Sayang yung effort ko :(

 "Careen." Hindi ko namalayan na andito na pala siya.

 "Oh, Kerry. Kanina ka pa?" Tumayo ako at binigyan siya ng halik sa pisngi.

 "Kararating ko lang." Nag smile siya pero ba't parang pilit?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 21, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Locker Girl (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon