*Angel’s P.O.V.*
Kanina pa naming hinahanap si Pheniel kaso hindi namin siya makita. Nung una akala namin kasama lang ni Rieka, pero hindi naman daw. Nagaalala na ko.
“Lalabas muna kami ni Kiel. Kami na lang ang maghahanap sa kanya. Baka nanjan lang yun sa may dalampasigan nagpapahangin. “ Paalam sakin ni Clyde.
“Sasama na ko sa inyo. Mas maganda na yung madami tayo. Para mas madali natin siyang mahanap. “ Suggest ko naman.
“Hindi pwede. Dito na lang kayo, para incase na bumalik siya may babalikan siya. Atsaka gabi na den, delikado na para sa inyo ang lumabas. “ Tutol ni Clyde. Tapos kiniss niya ko sa noo. After nun umalis na sila.
“Wag ka ng masyadong magalala tita. I know he’s okay. “ Pagcocomfort sakin ni Rieka.
Paano ba naman kasi ako hindi magaalala? Masama kasi talaga ang kutob ko.
*Clyde’s P.O.V.*
Pagkalabas namin ng hotel, napagpasyahan naming maghiwalay ni Kiel para mas madali naming mahanap si Pheniel.
Hindi pa ko masyadong nakakalayo sa hotel ng makita ko si Pheniel na kausap si Den.
“Ako na lang lalapit sa kanila. “ Nagulat ako nung biglang sumulpot si Essie sa tabi ko.
“Anong ginagawa mo dito? “ Tanong ko sa kanya. Pero nginitian niya lang ako.
“Kanina ko pang alam kung nasan si Pheniel. Ayaw ko lang sabihin kay Angel, alam mo naman yung asawa mo. Naguguilty pa den sa ginawa niya kay Den. But don’t worry mahal ka nun. Papakasalan ka ba kung hindi? “ tinapik niya ko sa balikat. “Puntahan ko muna sila. Dito ka lang. “ Sabi niya ulit. Tapos lumakad na siya palapit kina Den.
Minsan talaga nawiwirduhan ako kay Essie. Tsk tsk.
*Essie’s P.O.V.*
Nung nakita kong tumigil sa paglalakad si Clyde. Agad ko siyang nilapitan, haha. May sasabihin ako sa inyo. Alam niyo bang magpinsan si Clyde at si Deniel. Ang galing di ba? Pero hindi alam yun ni Angel. Syempre hindi naman kasi napunta sa family gathering ng angkan namin si Deniel eh.