Author's Note :
It will always be a 3rd Person's POV. So don't get confused when I'm explaining everyone's emotion in the same time.
-------------
"Anong oras na ba?" Tanong ng dalaga habang inaayos ang ibinebenta nilang mangga't bagoong.
"Alas-Dies," Tugon ng tita n'ya ng inilapag ang mga sangkap sa halo-halo. Maliban kasi sa Mangga't Bagoong ay nagbebenta rin sila ng Halo-Halo, na patok na patok sa kanilang brgy.
"Ah, okay po." Ngiti neto at pumasok na sa loob. Lagi s'yang nasa bintana hindi dahil sa mainit at kulob ang kanilang bahay, kundi dahil inaabangan n'ya ang pagbili ng isang suki nila. S'ya ang kadalasang pumapakyaw nito. Nakakatuwa ngang isipin ni ni-recommend pa ito ng binata sa kanyang barkada.
"Hay.... anong ora--," Hindi na n'ya naituloy ang pagsasalita ng narinig n'ya ang bosesng hinihintay n'ya. Napayuko s'ya at sumilip mula kurtina. Tanaw na tanaw n'ya ang binata. Napangiti s'ya ng bigla itong napatingin sa bintana in which sa gawi n'ya ito na pa tingin.
Umiwas s'ya ng tingin ganun na din ang binata. Tangan tangan nito ang bola, nagbayad ito at nag-Thank You. Bago ito umalis ay sumilip ulit ito sa bintana. Napa buntong-hininga nanaman ang dalaga.
"Kilala n'ya kaya ako?" Tanong ng dalaga sa sarili. Lumipas ang tatlong buwan at nagpatuloy ang pagsulyap ng dalaga at ang pag bili ng binata.
Araw-araw, minu-minuto, oras-oras. Inaabangan ito ng dalaga. Hindi lumagpas ang isang araw na hindi ito nagpakita. Nakuntento na ang dalaga na nakikita na n'ya lang ito. At hindi na s'ya nag hangad ng iba pa. Isa lang naman ang nais n'ya ang patuloy na makita s'ya. Ang binata ang nagsisilbing inspirasyon sa dalaga kaya lagi na itong nag-aayos at tumutulong sa pag bebenta. May pagka tamad kasi s'ya.
Dumating ang kaarawan ng dalaga, napakaganda n'yang tingnan sa gown n'yang kulay rosas. Naka-braid at naka make-up din ito. Debut na kasi neto. At nais n'yang makita ito kahit isang beses lang sa isang araw. Nasanay kasi itong dalawa o tatlong beses nakikita.
Mag a-ala-kuwatro na at wala parin ang binata. Kailangan na nilang umalis. Nanghingi s'ya ng limang minuto sa ina. Naghintay s'ya. Ngunit nadismaya lang s'ya dahil wala din s'yang napala. Sa hindo maipaliwanag na dahilan ay lumuha s'ya. Hindi n'ya alam kung malulungkot o magagalit.
'Bakit nga ba ko aasa na makita ko s'ya, eh hindi naman araw-araw ay bibili ito,' isip-isip n'ya. Pinunasan n'ya ang luha at pinilit ngumiti.
"Ma, tara na..." Inilahad n'ya ang kamay sa ina at naglakad na paalis. Nagpaalam s'ya sa tiyahin at pumara ng tricycle. Kumaway ang tiyahin n'ya at ganun din s'ya. Hindi na s'ya umasang makikita pa ang binata ngunit sa gulat n'ya ay nandun ito, kumakain ng halo-halo. Sa kanang kamay ay mangga't bagoong sa kaliwa naman ay halo-halo. Naka suot ito ng amerikanang damit.
Hindi n'ya napigilang ngumiti at mapaluha. Pero napatawa s'ya sa itsura nitong naka-amerikana ngunit pilipinong pinipino ang upo.
'Aalis siguro ito,' napailing nalang s'ya.
Nakarating na sila sa venue. Nakalipas ang isang oras ay dumating din ang tiyahin n'ya, tinabi na siguro n'ya ang mga ibinebenta. Napangiti s'ya dahil naka-abot ang tiyahin. Nagulat s'ya dahil ang ganda pala ng tiyahin n'ya, mag ayos lang. Hehehe.
Pero mas nagulat s'ya ng makita n'ya ang lalakeng kasunod nito. Hangqwafu, boyfriend n'ya siguro ito. Nang makalapit ang tiyahin ay sinikk n'ya ang tagikiran nito.
"Ikaw tita ha, may boypren ka pala di ka nagsasabi."
"Ang sabihin mo late ka lang. Alam na ng pamilya ang tungkol kay Eric." napailing ito at nag tawanan sila.
Natapos na ang 18th Wishes at 18th Gifts.
"And now for the Eighteenth Roses let's welcome them with an appaus." saad ng MC.
Isa-isang lumitaw ang mga lalake, ang iba ay kaibigan n'ya ang iba naman ay pinsan n'ya. Natigilan s'ya ng makota ang binata, pangatlo ito sa dulo. Dulo kasi ang tatay nito, sumunod naman ang kapatid n'ya at ang binata naman ang sunod. Nailang s'ya.
'Paanong......imb-bitado s'ya' tanong n'ya ang sarili.
Naisayaw na n'ya ang labing-limang tao. Pang labing-anim naman ang bakla n'yang kaibigan. Sa una ay nagkakahiyaan pa, hindi daw kasi fair. Dapat daw s'ya ang naka gown.
"Ganda ka naman bakla eh." puri nito. Naikot na nila ang gitna at oras na para ipasa sa isa pa. Nagtama ang kanilang mga kamay at parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ng dalaga. Napakagat-labi s'ya sa pagpipigil na ngumiti. Ngayon n'ya lang nakita ang binata ng malapitan.
"You look beautiful," napakindat ito't napangiti. Ganun na din ang dalaga.
"Thank You," she mouthed.
Hindi maputol ang pagti-tinginan nilang dalawa. Sakto ang mga galaw nila sa himig ng kanta. Parang bumagal ang oras ng nalipat ang kanta sa sweet song. 'Can I Have This Dance' by Vanessa Hudgens and Zac Efron.
Para silang nasa isang fairytale-story. Parehas ang hiling nila, 'ang hindi matapos ang gabing ito'
Ngunit hindi nila maiiwasan na malungkot dahil matapos ang gabing iyon ay naging busy ang dalaga kaka-entertain sa bisita. Hindi sila nakapagusap ng matagal.
Pero walang permanente sa mundo. Ang mga bagay ay nagbabago. Ang mga tao ay naglalaho at ang oras ay tumatakbo. Kaya sa bawat segundo ay alam nilang na enjoy nila ito. At alam nilang wala silang pagsisisihan dito.
Nakalipas and dalwang araw naging masaya ang mga nagdaang araw. Hindi na nalulungkot ang dalaga kung hindi n'ya ito makita ng ilang araw dahil hawak naman nito ang numero ng binata. Nagpalitan sila ng numero nung isang beses ay bumili ito ng mangga at s'ya ang naatasang magbenta.
Gabi-fabi silang nag cha-chat. Nag so-sorry naman ito kapag nakakaligtaan. Marami s'ya nalaman tungkol sa binata at ganun din ito. Hanggang isang araw hindi magbebenta ang tiyahin n'ya sa kadahilanang may sakit ito. Kaya tahimik ang bahay. Gabi na at deadbol na ang cellphone ng dalaga. Kaya chinarge n'ya muna ito. Mukhang di sila makakapag-usap.
Sa kabila ng katahimikan ay may narinig s'yang tunog ng gitara na parang sa harap lang nagkakantahan. Gabi na at oras na ng pagtulog pero di s'ya nakatulog dahil ginising s'ya ng tiyahin na ngayun ay magaling na.
Pinasilip s'ya sa bintana at nanlaki ang mga mata n'ya ng makita ang binata na hinaharana s'ya ng kantang 'Gitara' ng Parokya ni Edgar.
Nang matapos itong kumanta ay inabotan n'ya ng rosas ang nanay nito na kasalukuyang nasaibaba. Niligawan n'ya muna ang ina bago s'ya. Napangiti s'ya sa binata dahil sa pagiging romantiko nito.
Nagdaan ang araw patuloy parin ang pangliligaw nito. Pumayag ang ina at ama na ligawan ang anak nila sapagkat nasa tamang edad naman na ito. At tsaka kilala naman ito ng pinsan n'ya, sa totoo nga mag bestfriend ang mga ito. Kaya kampante sila na walang masamang intenston ang binata.
ika-labing lima ng Abril ng sagutin ito ng dalaga. Tangan ang paboritong Mangga't Bagoong ay hawak kamay silang nag simba.
Sa wakas ay sila na.
Ang dating sinusulyap sulyap lang ng dalaga ay ngayon ito na ang magpaparamdam ng pagmamahal sa kanya. Nakakatuwang isipin na kahit anong hadlang man ang dumating kung para sa iyo, ay walang tutulot sa iyo.
In short, You are Served, What you Desrved.
-End-
All Right Reserved 2018
A big thanks sa mga nagbasa nito. Inspired si Ate n'yo Author. Hehehe.
Sorry sa mga typos, errors, at kung minsan ay di n'yo maintindihan. Pagbigyan na po ako, beginner pa po kasi si ate mo author. Yun lang salamuch!!
YOU ARE READING
Mangga't Bagoong (One Shot)
Short StoryI fell inlove at your mangga't bagoong, as well at You~ All Right Reserved 2018