Itong tula na ito ay para sa mga taong "tanga, martyr" sa mga taong mahal nila. At kinalaunan ay natuto din na mahalin din ang sarili nila.
"Tangang natuto"
Naalala mo pa ba yung mga panahong mahal na mahal pa kita?
Mga panahong ako'y handang magpaka tanga.
Magbulag bulagan na parang wala lang talaga.
Sa tuwing tayo'y nag aaway, nagtatampo ako at naghihintay na suyuin mo.
Isang suyo mo lang, isang sorry mo lang, tanga na naman ako.
Kahit ano pang sabihin ng tropa ko.
Wala akong pakielam, kasi nga ika'y mahal ko.
Na kahit ilang beses mo kong pagmukaing tanga, babalik at babalik parin ako sayo.
Na kahit ano pa ang maging tingin ng ibang tao, wala silang magagawa dahil nagmamahal lang naman ako.
Paggising ko sa umaga, ikaw agad ang nasa isipan ko.
Wala na akong pakielam kung anoman ang nasa isip mo.
"Mahal ko kase." Yan ang linyang sinasabi ko sa tuwing tatanungin ako ng mga tao.
Ang tanga tanga ko na sa paningin ng iba.
Wala e, mahal kasi kita.
Ngunit kahit ano atang gawin ko.
Baliwala parin sayo.
Kahit anong effort pa ang gawin ko,
Wala lang sayo.
Naiinis ka dahil sa kakulitan ko.
Naaasar ka sa tuwing nagiinarte ako.
Napipikon ka kapag ang bilis kong magtampo.
Kahit ano pang pagbabaliwala ang gawin mo,
Ikaw parin yung mahal ko.
Handa akong magpakatanga, huwag mo lang akong iwan.
Handa akong magtiis, basta andyan ka lamang.
Ang tanga diba?
Na siguro nga tama sila.
Pero naisip ko na... nakakapagod din pala.
Nakakapagod magpakatanga.
Nakakapagod ng mabaliwala.
Nakakapagod ng mahalin ka.
Mahirap ba akong mahalin?
Nakakalungkot lang kasing isipin.
Alam ko naman kasi talaga,
Pinagpipilitin ko lang talaga.
Laking pasalamat ko na ako'y nagising,
Nagising sa katotohanang wala na itong patutunguhan.
Napagod na ako.
Napagod na akong mangulit,magtiis,magpakatanga.
Hindi na ito magwo-work pa.
Wala na.
Hindi talaga siguro tayo para sa isa't isa.
Pinilit ko namang ipaglaban, ngunit sumuko kana.
Wala na akong magagawa pa.
Kailangan ko na ring lumaya.
Kailangan ko ng magretiro sa pagiging tanga.
Palalayain na kita.
Ayoko ng lumaban pa dahil suko kana.
Sa tingin ko naman kaya ko na.
Kaya ko ng tumayo sa aking sariling paa at magmahal na ng iba.
Ibang ibibigay ang mga pagkukulang mo.
Ibang magbibigay halaga sa isang katulad ko.
At ibang mamahalin ako ng sobra at totoo.
At yun ay ang tamang tao.
Taong para sakin na talaga.
Kaya sayo, paalam na.
Alam ko naman sa sarili kong minahal at ipinaglaban kita.
Binigay ko na ang lahat... sana' y maging masaya na tayong dalawa.
Paalam na...A/N:
Ayaaan! Ipagpatuloy nyo lang po ang pagbabasa! Thank you sa mga makaka appreciate. Mwuah! :*
YOU ARE READING
POETRY (TAGALOG) On-going
PoetryMga iba't ibang tulang mababasa nyo dito. Siguradong makakarelate kayo! Sana ay suportahan nyo ito. At basahin. -juliana