"Pa-load po," mahinhing sabi ng babae sa isang lalaking busy sa pagFafacebook.
Umangat ang tingin ng lalaki at tila ba nahinto ang mundo. Nakatambad sa kanya ang isang babaeng maputi, mahaba ang buhok, teka, hindi diya white lady, isang napakagandang dalaga.
"Kuya?" Nahihiya na may halong ilang na sabing muli ng dalaga habang hawak ang cellphone niya.
"A-ah. A-ano yon?" Medyo namula ang lalaki habang nakayuko.
Nakakahiya. Sa isip ng lalaki.
"Pa-load po. Eto po yung number. 30 pesos lang po," she smiled a little bago tumalikod.
"T-teka!" Pahabol ng lalaking hindi pa rin makaget over sa ganda ng dalaga.
"Po?" Tanong ng dalaga na halata mong nagmamadali.
"Uh...number mo ba itong pinapaload-an mo?" Nahihiyang tanong ng lalaki.
"Opo, bakit?"
"W-wala."
"Sige po," saka tumalikod muli ang babae.
"Pakshet, tinamaan yata ako!" Sabi na lamang ng lalaki sa kanyang sarili.
---
Okay, sorry na. Alam kong ang pangit ng Prologue. Pagpasensyahan niyo na. Hehe. Labyu.
-BeybiRows
BINABASA MO ANG
Load. (COMPLETED)
Short StoryCOMPLETED. Read Therese and Alex's unexpected and twisted love story. 🌹💖 Written by: BeybiRows.