"Bilis na Justice isang shot lang" Pinipilit ako ni Aya na uminom ng tequila todo tanggi naman ako dahil ayokong umuwi nang lasing baka mapagalitan nanaman ako di Papa.
"Ayoko talaga Aya ayokong uminom ngayon" Sobrang lakas ng tugtog at maiingay ang mga tao kaya naman pasigaw kaming nag uusap ,sobrang rami ring tao na nagsasayaw sa dance floor may mga naghahalikan ,nag iinuman at typical na makikita mo sa loob ng club.
"Ang KJ mo naman Justice eh promise 1 shot lang tapos di kana namin pipilitin" pilit din sakin ni Jane nakayakap pa ito sa bf niyang di ko kilala.
"Isa lang ha? hindi ako pwedeng malasing mag rereview pa ako bukas para sa board exam" fresh grad palang kasi kami sa course na Bachelor of Science in Accountancy at nagrereview nalang ako para sa board exam,hindi naman siguro ako malalasing sa isang shot lang tiyaka para na rin tigilan na nila ako.
"Oo naman sige shot na" inabot na sakin ni Aya yung isang shot glass na may lamang tequila,ininom ko ito ng isang lagukan.Gumuhit ang lasa nito sa lalamunan ko agad kong kinuha yung lemon at sinipsip .
"Woooooooooh!! thats our girl" nagsigawan at nagkantyawan sila nung nainom ko na ang tequila.Natawa nalang ako sa mga kalokohan nila.
Pero maya maya nakaramdam ako ng pagkahilo,umiikot din ang paligid ko umiinit din ang pakiramdam ko parang gusto ko ng maghubad sa sobrang init.
"A-Aya nahihilo na ako kailangan ko ng u-umuwi" napapapikit nalang ako sa sobrang hilo.
"Ha? uuwi kana ano kaba nagsisimula palang tayo magsaya,ok lang yan dear umupo ka nalang muna dyan para di kana mahilo" napasapo ako sa noo ko at sobrang init talaga pumikit nalang ako dahil sobrang blurred na talaga ng paningin ko,hindi naman ito yung first time kong uminom at imposibleng malasing ako kaagad.
"Oy man andito kana pala buti naka rating ka adgfkdlcklajsjd"hindi ko na maintindihan ang pinagsasabi ng mga tao sa paligid ko,hanggang sa unti unti nang nilalamon ng kadiliman ang isip ko.
*SLAP*
Isang malakas na sampal ang nagbalik sakin sa reyalidad.At automatic na bumuhos ang luha ko sa sobrang sakit ng sampal at ng nararamdaman ko."HINDI KANA NAHIYA!!! ANO BANG PUMASOK DYAN SA KOKOTE MO AT NAGAWA MO YUN HA!! PURO KAHIHIYAN ANG DULOT MO SA PAMILYANG TO SINISIRA MO ANG REPUTASYON NG PAMILYA NATIN!!" Galit na galit si papa sakin habang sinasabi niya ang mga katagang unti unting dumudurog sa puso ko.
"P-Pa Im so-sorry" wala akong ibang masabi kung hindi ang salitang sorry lang ,napaka walang kwenta kong anak.
"Jullian tama na!!"pigil ni mama sa kamay ni papa na dapat ay muli nanamang sasampal sakin,ok lang tanggap ko dahil yun ang deserve ko.
"SAAN BA KAMI NAG KULANG JUSTICE HA?! SAAN?! BINIGAY NAMIN LAHAT SAYO! LAHAT NG PANGANGAILANGAN MO DI KAMI NAGKULANG SA PAALALA PERO BAKIT NAGKA GANIYAN KA!! MASAMA BA KAMING MAGULANG HA?!"sobrang sakit sobra sobra parang karayom na tumutusok sa puso ko ang mga salita niya,napatingin ako sa kuya ko na dismayadong dismayado saakin at sa bunso naming kapatid na nagtataka sa mga nangyayari.
"Hi-hidi P-pa nagkamali po ako so-sorry Pa" napaluhod na ako sa sobrang panlalambot ng tuhod ko hindi ko kayang ganito ang nangyayari sa pamilya namin ,hindi ko kaya
"WALA AKONG ANAK NA KAGAYA MO! HINDI MO MANLANG KAMI INISIP BAGO MO YUN GINAWA! GANUN BA KAMI KA WALANG KWENTA SAYO HA!! PWES LUMAYAS KA SA PAMAMAHAY KO! AYAW NA KITANG MAKITA PA! LUMAYAS KA AT WALA KANANG MATATANGGAP SAMIN KAHIT PISO!" para akong pinapatay sa sinabi ni papa napayakap ako sa binti niya at mas lalong lumakas ang hagulgol ko
"Pa please wag naman ganito,Pa pa-pag usapan na-natin to" pero sinipa niya ako palayo kaya naman napabitaw ako sakaniya ang sakit ng sipa niya pero mas masakit yung mga salitang naririnig ko mula sakaniya, hindi ko inaasahan na magiging ganito katindi ang galit ni papa.Naramdaman ko nalang na inaalalayan ako ni kuya Jury sa pag tayo.
BINABASA MO ANG
The Devil Lies
RomanceJustice Ariadne Laperal 23 years old,nagbago ang buhay niya simula ng magkaroon ng insidente isang insidente na sumira sa pagkatao niya at sa pamioya na ingatan at minahal niya.Dahil dito napadpad siya sa isang bayan kung saan pwede siyang magtago,m...