Pansamantala

31 3 6
                                    

"Bes, wag ka malungkot! Dami daming babae dyan e." pag aalo ko sa boy besty kong si Ken.

Namumugto ang matang tumingin siya sa akin.

"Yun na nga Aly, e. Ang dami daming babae pero sakanya pa ako nahulog. Sa kanya pa na, pag aari na pala ng iba." malungkot na sabi nya.

"Utol naman! Para ka namang bakla dyan? May pa-iyak iyak ka pa, parang di lalaki e." sabi ko sa kanya.

"Tss." yun lang sabi niya at tumitig ulit sa litrato ni Lily.

Sumandal ako sa balikat nya at tumingin sa mga bituin.

"Kita mo yung mga bituin? Andami diba? Parang babae lang yan." sabi ko ulit.

"Oo, at siya ang pinakamaningning." sabat na naman niya.

Natulala nalang ako sa isang malabong bituin na katabi ng buwan. Parang ako lang yan, nasa malapit na pero dahil hindi maningning. Hindi napapansin.

"Oh bakit ikaw naman ang nag eemote dyan?!" nang aasar na sabi ni Ken.

Sinamaan ko sya ng tingin.

"Baliw! Uuwi na nga ako. Masaya ka na ata naman e." sabi ko at tumayo na.

"Salamat, medyo pinagaan mo yung nararamdaman ko, ihahatid na kita baka mapano ka pa." sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

Oo, sa kanya wala lang. Pero para sa akin, ang laki ng epekto.

Tahimik na kami sa daan.

"Tita, salamat po at pinayagan nyo si Aly. Mauuna na po ako." nakangiting sabi niya kay mama.

"Aba, anong magagawa ko? Magsusungit pa ba ako kung ang nagpapaalam sakin e, namamaga na ang mata?" biro ni mama."Siya sige mauna ka na nga't gabi na. Tayo na pumasok Alyssa." sabi sakin ni mama.

Pumasok na si mama pero nakatitig paren ako kay Ken.

"Mag iingat ka, baka mapaano ka. Dito ka na kaya matulog?" suhestyon ko.

"Hahanapin ako ni mama. Matulog ka na." sabi niya at lumapit sakin, ginulo nya ang buhok ko."Goodnight Aly." nakangiting sabi nya.

"Goodnight din." sabi ko at hinalikan sya sa pisngi.

Normal na gawain ko sa kanya dahil alam ko sa sarili ko na wala lang yun sa kanya.

5 months after.

"Brad. Kahit naman anong manyari ay hindi ka na babalikan nun!" inis na sabi ko.

"Hays. Please? Tulungan mo naman muna ako kay Lily. Please." pagmamakaawa nya.

Oo, sila na nga. 3 months na.

3 months na akong nagtitiis. 3 months na akong nasasaktan at nagpapanggap na okay lang.

Napabuntong hininga nalang ako. Wala eh, mahal ko, kung dun siya sasaya.

"Sige. Enough kay Lily,Ahm, a-ano, Aly wala kang kinukwento saking boyfriend..m-meron ka na ba?"

Paano magkakaron eh ikaw ang mahal ko? Tss.

"Wala. Ikaw ang priority ko, fofocus muna ko sa ikasasaya mo.....ng taong, mahal ko.......na bestfriend."

Natawa sya sakin.

"Thanks. I love you Aly." sabi niya at niyakap ako.

Bumilis ang tibok ng puso ko na akala mo ay lalabas ito. First time nya yung sabihin sakin.

Natulala akong nakatitig sa kanya. Nagpaalam na syang aalis dahil ang weird ko daw.

Boring. Wala na namn gagawin, maglalaro na nga muna ako ng candy crush.

Pansamantala(Short Story)Where stories live. Discover now