Alex's Point of View
Hawak ko ang cellphone ko habang palakad lakad sa loob ng kwarto. Naiistress na ang gwapong si ako kaya naman humiga muna ako sa kama.
"Itetext ba kita, ateng maganda?" Tanong ko sa sarili ko na parang baliw.
Katatapos lang ng breakfast at hindi pa rin ako mapakali. Actually, kagabi ko pa iniisip.
Tumayo ako sa kama at nagsimula ng magtype ng new message.
To: Ateng Maganda
Hi, ate, ang ganda mo po!Eww, parang ang manyak ko naman. Inerase ko yun at nag-isip ng bagong itatype.
To: Ateng Maganda
Hello! Kamusta ang araw mo?Kadiri! Parang feeling close ko. Tsaka, umaga palang. Ngayon pa lang magsisimula ang araw nato.
"Uggggh!" Iritado kong sabi habang bumagsak muli sa kama.
"Ano bang magandang pangbati?" Tanong kong muli sa sarili ko.
"Nababaliw ka na ba kuya?"
"AAAH!"
Napatalon ako sa gulat ng biglang sumulpot sa tabi ko si Kate. Tumawa siya ng tumawa kaya naman napapoker face ako. Bwisit na yan. Caught off guard ako mga 'tol.
"Sige, tawa pa! Di kita ililibre bukas ng cotton candy," banta ko kaya agad siyang tumigil sa pagtawa at naging seryoso.
Aalis kasi kami bukas netong kapatid ko, pupunta kami sa park. Wala, gala lang. Kakaumpisa lang kasi ng summer vacation eh.
"Ano bang nangyayari sayo, Kuya? Bakit kinakausap mo ang sarili mo? Tinakasan ka na ba ng bait?" Sunod sunod na tanong niya bago umupo sa kama ko.
"Hays, ang kuya mo kasing pogi, nag iisip ng magandang i-text sa magandang babae," sabi ko sa kanya habang patuloy sa pagiisip.
"Sino naman yun, Kuya?" Tanong pa niyang muli.
"Hays, hindi ko nga alam pangalan, babygirl eh," sagot ko at napahilamos ng mukha.
Pakshet, tinamaan yata talaga ako sa babaeng yun. Alam mo yun? Sobrang ganda niya. As in, sobra. Mukha siyang artista. Maputi siya tapos halatang makinis pa, magulo yung buhok niya at nakapajamas pero maganda pa rin. Basta parang dyosa ang datingan!
"Oy kuya!"
Napabalik ako sa realidad ng sigawan ako sa tenga ni Kate.
"Babygirl naman! Baka mabingi ang pogi mong kuya, hindi na ako makakarinig ng mga papuri," natatawa kong sabi habang hinihimas ang tenga ko.
Ang sakit sa eardrums, wengya naman oh!
"Edi wow, Kuyaaa!" Pang aasar niya at nagbelat pa.
"Pasalamat ka dyan, mahal kita!" Sabi ko dahil hindi ko siya magawang asarin. Magtatampo kasi agad yan.
"Hahaha! I love you too, kuya koooo!" Sabi niya saka niyakap ako.
Napangiti naman ako. Kahit malas ako sa lovelife, maswerte naman ako dahil ang POGI ko at mahal na mahal ako ng family ko.
Wala nga pala kaming Tatay, patay na siya bago pa maisilang si Kate. Car accident.
"Sabihin mo nalang kuya kay Ateng Maganda na--"
"Teka, paano mo nalaman yung tawag ko sa kanya?" Takang tanong ko.
Iniangat niya ang cellphone ko at ngumiti ng inosente.
"Hehe, nagspace out ka kasi kaya tinignan ko phone mo," she smiled once more.
Nag poker face lang ako.
BINABASA MO ANG
Load. (COMPLETED)
Short StoryCOMPLETED. Read Therese and Alex's unexpected and twisted love story. 🌹💖 Written by: BeybiRows.