Chapter 14

34 2 0
                                    

Day off ngayon ni Chandra. Just like what she was doing the past year, she spent her day off searching for clues of Cody's whereabouts.

Bumalik siya ng Laguna, this time looking into places like churches and convents. She's done looking into hospitals, clinics, and even private properties around Laguna at maging sa mga karatig bayan just to see if she can get some clues.

But all of that to no avail.

For the past year, ang dami na niyang lugar na napuntahan. Ang dami na rin niyang taong napagtanungan. Ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin siyang makuhang lead kung saan niya pwedeng makita si Cody.

Isinara ni Chandra ang notebook kung saan nakalagay ang mga impormasyong gusto niyang pagtuonan ng pansin ngayong araw ng kanyang paghahanap.

"Please let me see hope...", mahinang usal niya sa sarili matapos ibalik ang notebook sa kanyang body bag at nagsimulang maglakad papasok sa kumbento.

This time, she'll try to look into places like churches, convents, and seminaries simply because she's praying that the Lord can give her hope.

She really wants to see him as soon as possible.

---o0o---

Isang malakas na lagabog ang nakapagpagising sa diwa na Chandra. Doon niya lamang na-alala na nasa harap pala siya ng kanyang boss at may sinasabi ito sa kanya.

Unforunately, wala roon ang kanyang atensiyon. Napansin iyon ni Coven kaya naman malakas na hinampas nito ang ibabaw ng lamesa.

"Miss Morreti, I believe that you are being paid to work at this hour and not to daydream.", iritableng sabi ni Coven sa kanya. "If you can't do your job well, I'm very much willing to find a replacement for you."

"I apologize sir.", agad niyang pagpapakumbaba. "It won't happen again."

"Of course, it won't.", sagot uli nito. "The next time it happens, just pack your things and leave."

Yumuko na lamang siya sa sinabi nito. Kahit na may banta sa tinig ng lalaki, alam naman niya na hindi siya nito papalitan basta-basta as secretary. After all, she's very efficient in her job and can actually do more than what her job description states. Para ano pa't may mataas siyang IQ kung hindi niya makakaya ang pressure-filled work ng isang secretary?

"So are you ready to listen to my instructions now or do you still want to stand there in a daze?", sarkastikong tanong nito sa kanya.

"No, sir.", alerto naman niyang sagot. Hinigpitan din niya ang hawak sa notepad at ballpen niya, tanda na nakikinig siya. "I'm ready sir."

Tiningnan muna si Chandra ng pagkalamig-lamig ni Coven bago naghabilin ang huli sa mga ipapagawa nito sa dalaga.

"And is the plane to Siargao ready?", panghuling tanong nito sa kanya. "I want to leave as soon as I get off work."

"Yes, sir," sagot niya. "I've confirmed it with the pilot. He'll be on standby sa rooftop on time."

"Good.", tumango-tango naman ito. "Is everything ready for the site visit then?"

Ang tinutukoy nito ay ang isang island property sa Siargao na gusto nitong bilhin upang pagpatayuan ng panibagong branch ng Herrera hotel. Kasama si Leo, isu-survey nila ang lugar para makita kung angkop ba ito o hindi.

"Yes, sir," she positively replied. "Naihanda ko na po ang mga dokumento na kailangan niyo. The cameras that you'll be using to take site pictures are fully charged. May powerbank din akong pinack. I've also took the liberty to pack your bags."

Hindi na nakapagtataka iyon dahil maituturing na rin na life assistant siya ni Coven - so basically half secretary, half katulong. Minsan nga pinaglinis siya nito ng condo nito nung minsang umalis ito papuntang Singapore for a convention.

Of course, tumawag siya ng housekeeping para doon. Wais kaya siya. Charge to his boss' account pa yun!

"Good.", tumango-tango naman ang lalaki sa narinig. Ibinalik na nito ang tingin sa mga nakatambak na papeles sa harapan. "Tell Leo to come to my office once he comes back from his errand. You can go now."

She nodded and left the CEO's office habang ino-organisa sa isipan ang kanyang mga kailangang gawin. Inuna niya munang gawin ang mga urgent tasks so she won't be caught unaware kapag hinanap na iyon ng kanyang supladong boss.

'Grrrr'

Napatigil sa kanyang ginagawa si Chandra when she felt her tummy rumble. Tiningnan niya ang computer clock at doon niya napag-tanto na lampas 12 na pala. Ni hindi niya namalayan ang oras sa sobrang daming reports and updates na kailangan niyang i-file.

Tiningnan ni Chandra ang pinto ng CEO's office. Hindi pa rin lumalabas ang kanyang boss mula pa kanina kaya sigurado siyang wala pa itong lunch. Usually, kapag off-site si Sir Leo ay bumabalik ito ng before 12 upang hatiran ng pagkain ang amo. But today's different. Hindi pa dumarating ang lalaki.

Kinuha niya ang cellphone niya sa bag at ti-next ang kasamahan sa trabaho upang tanungin kung anong oras ito makakabalik sa opisina. Hindi naman siya naghintay ng matagal sapagkat agad naman siyang nakatanggap ng reply mula dito.

'May aberya dito. Please help me get lunch for the boss. You can ask him what he wants to have.' - Leo 

Napabuntong-hininga si Chandra sa nabasa. 'Well, no choice.'

Inayos muna ni Chandra ang sarili bago siya tumayo at kumatok ng tatlong beses sa pinto nga CEO's office. Binuksan niya iyon at sumilip sa loob.

"Excuse me sir, hindi raw po makakabalik si Sir Leo dahil nagka-aberya raw ho ang lakad niya.", untag niya rito ng makitang nakasubsob pa rin ito sa trabaho. "Ako na lang po ang bibili ng lunch niyo. Do you have any request?"

Sandaling nag-angat ng tingin si Coven ngunit agad ding bumalik sa pagbabasa sa dokumentong nasa harap nito.

"No need to buy something for me.", malamig na saad nito. "There's food stocked in the pantry. Just cook rice for me and microwave some canned goods."

'Hindi healthy kainin yun!', ang nais sanang isagot ni Chandra but she knows that she'll only earn her boss' ire if she does that.

"Yes, sir.", ang tangi niyang na-isagot bago siya pumunta sa personal pantry ng CEO's office.

The CEO's office's pantry is actually the best one that Chandra has ever seen - not that she had seen a lot already. Kumpleto ito sa mga pots and pans, may naka-stock na mga pagkain, at pwede kang makapag-luto ng pagkain, though limited nga lang to small servings ang pwedeng maluto.

"Let's see, anong lulutuin natin...", Chandra playfully asked herself habang tinitingnan ang mga naka-stock na pagkain roon. "Corned beef and beef loaf it is."

Nang mapagdesisyunan niya kung ano ang lulutuin ay mabilisan niyang kinuha ang mga gagamitin sa pagluluto at nag-init ng konting mantika sa kawali. She busied herself to prepare a slightly nutritious meal, kahit na ba puro canned goods ang niluto niya.

As she was already accustomed to cooking, hindi siya natagalan. Ilang minuto pa ay inihain na niya sa maliit na lamesa sa pantry ang kanyang luto.

"Done.", puri niya sa sarili at pinagpag pa ang kanyang kamay.

She was about to admire her not-so-fancy handiwork when the spread in front of her reminded her of a very important memory. May kung anong emosyon ang lumandas sa mga mata ni Chandra.

'No matter how insignificant a memory might be in the past, it may become a source of comfort in the present.', matamlay na sabi niya sa sarili bago naglakad pabalik sa CEO's office upang tawagin si Coven para kumain.

Figli della Notte #1: Codename HavocTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon