CHAPTER 1

35 0 0
                                    

*Kookookok kookok koookok*
"WOHOO! CHICKEN DINNER AGAIN!!"
Ang saya saya manalo nitong ROS. Nakakawala nang stressful pimples ko.

Kahit init na init na ako dito sa kwarto di parin ako lumalabas wa epek parin sakin ang weather.

Basta ang mahalaga may ROS ako.

Kasalukuyan akong nakaboard dito malapit sa pinapasukan kong skwelahan. Affordable naman sya kaso nga lang mix ang lalaki't babae.

Sa pinakudulo ng boarding house ang napili kung kwarto wala lang trip ko lang atsaka maaat-peace ako pag sa hulihan ako hindi ako maiingayan masyado at syempre malayo sa distraction.

At sa totoo lang para kaming Fruitsalad dito dahil may taga UP , PNU, Holy Cross , De la Salle , at may bagong salta naman ditong bagong lipat na taga AdMu.

Madalang lang akong lumalabas ng kwarto na parang bampira ang naipractice kung lifestyle kasi nga evening class kinuha kong timeslot.

Ayaw na ayaw kung nabibilad sa araw dahil kapag once nabilad ako para akong magkakasakit ng buong taon, kaya pag sumasapit na ang 6 PM diyan pa ako lumalabas para pumunta na sa klase ko.

Uy secret lang natin to ha? Madalang lang din ako naliligo eh alam muna.

Friends?
Wala akong friends dito kasi honestly hindi dumadaloy sa dugo ko ang pagiging friendly.

5:30 PM
I checked my phone.
"Time to ligo na. I have 30 mins. to get ready" Bitbit ko ang towel at ang lalagyanan ng sabon.

Dumeretso ako sa cr may kalayuan yung cr sa kwarto ko nasa second floor kasi ang kwarto ko at dulo pa. Kaya tiis ganda nalang muna basta ang importante libre ang patubig ni mama!

"Magkakasakit ka talaga niyan" Inirapan ko nalang siya't nagpatuloy sa paglalakad.

Siya ang anak anakan ng aming MAMA / LandLord dito sa boarding house si Clutch ng Motorsiklo. Jk
Pakialamero din yung isang yun kaya nga't inisnob ko nalang. Sarap batukan sa bagang.

20 minutes later

Oo. Ganyan ako kabilis maligo. Mabilis na ba yan sa inyo? syempre hindi. Ang mabilis yung 1 minute tapos na.

Lumabas na ako ng banyo at sa hindi inaasahan nakapila na sila dito sa labas.

"Tagal mo naman beh!"
"Naflush kana ba?"
"Buti naman at nakalabas ka pa miss"
"Sakit na ng tiyan ko dalian niyo!"
"Ano ba kasi nakain mo?!"

Dah. Tinaasan ko nalang sila ng kilay at nagtuloy-tuloy sa paglalakad.

Pero bago pa ako makarating sa kwarto nakarinig na naman ako ng anu-ano.
"Yes babe ah ah sht diyan please faster ah ba.." tsk.

"PEOPLE MAY NAKAKARINIG RITONG INOSENTE HINDI ITO INN NA PWEDENG MAGSISIGAW LANG KAYO KUNG GUSTO NIYO! GET A ROOM PEOPLE!" Sigaw kung sabi habang patakbong tinungo ang kwarto.

Yang mga ganyan kinikick-out nayan sa ganitong boarding house. Di maka intindi sa "BAWAL ANG PAGDADALA NG KUNG SINU-SINO UNLESS IPINAALAM KAY MAMA" na nakapaskil sa labas.

Jusko po ang aking inosenteng tenga ay nabahiran na ng masamang impluwensya. Naihilamos ko nalang ang aking kamay.

Time check 5:45 PM
Gosh. Malelate talaga ako nito.

Dali dali akong nagbihis at nagpack sa mga libro ko.

Gravity's FaultWhere stories live. Discover now