Abakada ang istorya nating dalawa (Spoken word poetry)

166 14 0
                                    

Copyright by © charahda81
Plagiarism is a crime

***********

Abakada ang istorya nating dalawa

(Spoken Word)

Umpisahan natin sa 'abakada'
na kahit ang bata doon nagsimula
umpisahan natin ang ating istorya
na hindi ko tiyak kung ikatutuwa mo ba


"Mahal kita"
dalawang salita, ngunit napakahirap ipadama
subalit nang makilala kita
napagtanto kong kulang pa ang katagang 'Ikaw lang, walang iba'

A-aalagaan kita na parang isang bulaklak,
kailangan pahalagahan para hindi malanta
parang ang iyong ganda na hindi na mawawala
huwag ka mag-alala, ikaw lang ang nag-iisang maganda sa 'king mata .

Ba-Babantayan kita na parang dyamanteng kakaiba
hindi ko hahayaan na makuha ka pa ng iba
hinding-hindi ka pwedeng mawala
sapagkat una pa lang, inangkin na kita

ka-kahit anong mangyari hindi ako titingin sa iba
pagkat pagmamahal mo pa lang sobra-sobra na
Sobra kitang mahal para magtaksil sa 'yo aking sinta
Ikaw ang aking sinta na makakasama ko sa pagtanda

Da-dadalhin kita sa kahit saan ang gusto mo
kahit wala akong palasyo para sa prinsesang tulad mo
Tulad mong laging iingatan ko
at syang ipagmamalaki ko sa buong mundo

E-eeng-ganyuhin ka na mahalin mo rin ako
kahit hindi naman ako ang bagay sa 'yo
ipagsisiksikan ko ang sarili ko sa tulad mo
tulad mong palaging bukambibig ko

Ga-gagabayan ka twing ika'y nag-iisa
sasamahan ka sa bawat problema
Kahit pa yan ay sobrang lala
di kita pababayaan na lang ng basta

Ha-hahalikan kita sa'yong mga labi
kahit pa sa tingin mo ay mali
hinding-hindi na kailan man mapapawi
ang pagmamahal ko sayo'y di na mababawi

I-illigtas kita sa bawat pasakit
wag kana magtanong kung bakit
'pagkat una pa lang hindi ko na naimpit
Mahal kita kahit hindi naman ako marikit

La-lalambingin kita sa bawat pagkakataon
kahit pa maging nakakayamot ang aking maghapon
kahit wala ang yakap mo na palagi kong baon
Susuyuin parin kita taon-taon

Ma-mamahalin kita ng walang hanggan
Na para bang tubig na umaagos at walang katapusan
ikaw lang ang laging pagkakatiwalaan
at siyang aking pakakasalan

Na-nanakawin ko ang yong ngiti
na s'yang dahilan kung bakit hindi ako makapagtimpi
Pati narin ang 'yong mga labi
na syang nagpapabaliw sa 'kin lagi

O-oo alam ko, na hindi na kita kaya pang lisanin
'Pagkat una palang , ikaw na ang aking bituin
Wala na akong hindi kakayanin
palagi kitang mamahalin

Pa-palagi kitang pakikinggan
kahit kung minsan ang hirap mong paniwalaan
kahit ang mga kataga mo ay wala ng katotohanan
pilit akong magbubulag-bulagan

Ra-raragasa ang aking mga luha
Kung sakaling ika'y makahanap ng iba
iba na mas mapagmamalaki mo sa'yong pamilya
pero oras na iwan ka niya

Sa-sasaluhin kita ng walang pag-aalinlangan
kahit na minsan mo na akong iniwanan
Hindi kita papabayaan
at sa pagkakataong ito, di ko na hahayaan na makawala kapa sa'king kanlungan

Ta-tatapusin ko ang ating istorya
sa isang wakas na wala ng makahihigit pa
Isang wakas na iisa na tayong dalawa
tayong dalawa na may sarili ng pamilya



cнaraнda'ѕ : Random ThemeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon