Chapter 2- Selfish Actions

67 3 0
                                    

“Self-absorption in all its forms kills empathy, let alone compassion. When we focus on ourselves, our world contracts as our problems and preoccupations loom large. But when we focus on others, our world expands. Our own problems drift to the periphery of the mind and so seem smaller, and we increase our capacity for connection - or compassionate action.”

― Daniel Goleman

Chapter 2

“Selfish Actions”

Third Person’s POV

Pagmamay-ari ng pamilya ni Bella ang ospital na kinaroroonan ni Alice. Kaya naman, regulated talaga ang mga taong nakakapapasok sa ospital para bisitahin ang aktres, ayon na rin sa hiling ng ina ni Alice. Dahil na rin dito, nalaman ni Bella ang tungkol sa kalagayan ng kababata. Naging magkaibigan sila nito mula pagkabata, sila nina Ian. Gayunpaman, may lihim nag galit at inggit it kay Alice dahil si Alice ang laging pinagtutuunan ni Ian ng panahon at atensyon nito.

Nang malaman nito na nagdalantao at nanganak si Alice ay kinutuban na agad siya na si Ian ang ama ng bata, naalala niya kasi ang biglang pagkawala ng dalawa noong nakaraang party nito. At dahil wala namang boyfriend si Alice dahil bantay sarado ito ni Ian mula pa noon. Matagal na rin naman niyang napapansin ang lihim na pagtingin ni Ian kay Alice.

Bella’s POV

Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan, nagagalit, tama ba ang hinala ko? Na si Ian ang ama ng anak  ni Alice? Hindi to pupwede, hindi maaari. Akin lang dapat si Ian. Akin lang siya!

Kailangan kong makaisip ng paraan, para hindi malaman ni Ian na may anak siya kay Alice. Dahil kapag nagkataon, mawawalan na ako ng pag-asa. Hindi ko hahayaang mangyari iyon. Gagawan ko ito ng paraan.

Akin itong ospital na ito,

Alam ko na! haha. Papatayin ko nalang ang CCTV sa bandang nursery ng mga bata. Para hindi mairecord ang mga mangyayari sa lugar na iyon.

Tandaan mo Ian Garcia, akin ka lang. At hindi ko hahayaan na maging masaya si Alice na kasama mo. Akin ka lang.

***end of POV***

Third Person’s POV.

Nagmamadali si Bella na ppumunta sa room kung saan naroroon ang control ng lahat ng CCTV cameras ng buong ospital.  Break time noon at pinayagan niyang magbreak na muna ang bantay roon. Pinatay niya ang CCTV cameras sa nursery area at dali daling bumaba patungo roon para magawa ang maitim nitong balak.

Nang makarating siya sa loob ng kwarto kung nasaan ang mga sanggol ay hinanap niya ang anak ni Alice.

“Baby Montaire”

Basa niya sa nakasulat na pangalan.

Nang matiyak na iyon nga ang anak ng kababata ay agad niya itong kinuha at itinakas ng ospital. Sa emergency exit siya dumaan kung saan piñata rin niya ang CCTV cameras para sa mabilis niyang pagtakas. Napaka-utak talaga. Gagawin ang lahat makuha lang ang gusto. Tsk.

Nang makarating sa kotse ay agad niyang hinanap ang isang bahay ampunan na malapit lamang sa ospital para makabalik agad siya sa ospital at mabuksan ang mg CCTV cameras nito. Medyo dumidilim na kaya sarado na ang pintuan ng bahay ampunan. Iniwan niya sa tapat ng pinto ang sanggol pero bago umalis ay kinatok niya muna ito ng maraming beses saka pinaharurot ang kotse paalis.

Sa Ospital…

Kinaumagahan, sumapit ang oras ng check-up sa mga sanggol. Hinahanda ng mga nurse ang mga gagamitin nila nang mapansin na wala ang sanggol na iniluwal ni Alice. Agad na ipinagbigay alam nila it okay Mrs.Montaire, ang ina ni Alice. Nataranta ang ginang at agad na pinag utos ang agarang paghahanap sa nawawalang apo. Chineck nila ang CCTV footage at nagtaka kung bakit halos 30 mahigit minuto ang nawala sa CCTV records doon. Wala silang nakalap na ebidensya sa ospital. Kaya naman alalang alala ang lola ng sanggol kung saan nab a napunta ang apo nito.

Sa kalagitnaan ng paghahanap sa bata ay bigla naming pinatawag si Mrs.Montaire sa kwarto ni Alice. Nagising na raw ito. Sa pagkakataong ito, nagtatalo ang damdamin ng matanda kung ano ba ang mararamdaman, masaya siya dahil sa halos isang taong pagkakatulog ay nagising na rin sa wakas ang anak, pero mas nangibabaw ang lungkot dahil sa pagkawala ng kauna unahang apo nito.

Nang marating ang kwarto ng anak, ay napagdesisyunan niyang huwag munag sabihin sa anak ang tungkol sa pagkawala ng anak ni Alice. Dahil hindi makakabuti sa kalagayan ng anak, lalo na’t bagong gising lamang nito mula sa siyam na buwan na pagkakacomatose. Niyakap niya nalang ng mahigpit ang anak.

Lumipas ang ilang araw at patagong pinahahanap parin ni Mrs.Montaire ang nawawalang apo. Lingid sa kaalaman ng publiko, at sa kaalaman ng anak nito. Nakalabas na si Alice sa ospital at ilang buwan nalang ng pagpapahinga ay lalabas na muli ito sa telebisyon upang ituloy ang trabaho. Samantalang patuloy parin ang pagbagabag sa kalooban ng ginang Montaire ang pag iisp kung nasaan na nga ba ang apo niya. Hindi niya alam kung papaano ipaliliwanag sa anak, at paano aaalamin ang tungkol sa kung sino ang ama ng anak nito. Minabuti niya munang ilihim ang nasaksihan at pinagpatuloy ang paghahanap sa apo.

Pagkalipas ng isang buwan ay bumalik na si Alice sa pag-aartista nito matapos ang halos isang taong pagkawala nito dahil sa aksidente. Dumami pa lalo ang proyekto niya, kasabay ang comeback movie niya.

Sa kabilang banda naman ay naroon sina Gerry at Jeanette, mag-asawang hindi magkaanak, ang napagawi sa bahay ampunan kung saan dinala ni Bella ang itinakas niyang bata. Napansin nila na may hawig ang isang sanggol sa asawang lalaki, kaya napagdesisyunan nilang ito ang ampunin, para hindi raw mahalatang ampon nila ito.

Inalagaan nilang mabuti ang sanggol at tinuring na tunay na anak. Pinangalanan nila ang sanggol na Jessie Alian. Lumaki si Jessie sa paniniwalang anak talaga siya ng mag-asawa.

 *****end of Chapter*****

hello people!!!

haha, sorry kung maikli ang update ko ngayon.

kulit kasi ng isang bata jan sa tabi,, diga sis? @aliceliit22

BTW, let me know your feedback po.:)

Please do Vote, Comment, and be a Fan.

Lovelove,

Mikee

No CoincidenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon