"Magtanim ay di biro"

209 4 0
                                    


MAGTANIM AY DI BIRO
Parang pag-ibig ko sa'yo
MAGHAPONG NAKAYUKO
At hindi ito magbabago
DI MAN LANG MAKAUPO
Kasi ito ay totoo
DI MAN LANG MAKATAYO
Kasi nangako ako sa'yo

BRASO KO'Y NAMAMANHID
Ngunit dahil mahal kita, hindi ito batid
BAYWANG KO'Y NANGANGAWIT
Pero patuloy parin sa'yo nakakapit
BINTIG KO'Y NAMIMINTIG
Kahit ako na lang ang umiibig
SA PAGKABABAD SA TUBIG
Ika'y biglang nanlamig

SA UMAGA, PAGGISING
Ikaw parin ang hiling
ANG LAHAT, IISIPIN
Kahit ako'y napapailing
KUNG SAAN MAY PATANIM
Ika'y nandoon din
MAY MASARAP NA PAGKAIN
Doon ka din nakikikain

HALINA, HALINA, MGA KALIYAG,
Tigilan na ang pagiging bulag
TAYO'Y MAGSIPAG-UNAT-UNAT
At ating mga mata'y imulat
MAGPANIBAGO TAYO NG LAKAS
At gumawa ng sariling landas
PARA SA ARAW NG BUKAS
Puso nati'y hindi magwakas

BISIG KO'Y NAMAMANHID
Ngayo'y alam ko ng tagilid
BAYWANG KO'Y NANGANGAWIT
Dahil sayong dalang pasakit
BINTI KO'Y NAMIMINTIG
Dahil sa'yo takot ng umibig
SA PAGKABABAD SA TUBIG
Puso ko din ay nanlamig

KAY-PAGKASAWING-PALAD
Hindi ganto ang aking hinangad
NG INIANAK SA HIRAP
Ika'y dalhin sana sa alapaap
ANG BISIG KUNG DI IUNAT
Kaya sariling mata ang iminulat
DI KUMITA NG PILAK
Dahil hindi puso ang ginamit kundi ang aking utak.

(ctto of the photo)

Ang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon