CHAPTER 19

104 2 0
                                    

Boyfriend/Girlfriend

 

Sa Mall of Asia kami dinala ng kotse nya. I’ve been in this mall. Pero ngayon lang kaming magkakasama dito. Sila Rm kasi lagi ang kasama ko.

Pagkababa sa parking lot, hinawakan nya agad yung kamay ko. Napatingin ako sa magkahugpong na kamay namin at napangiti.

“Today, we are not bestfriends, okay? We are couple.”

Biglang nataranta yung sistema ko. Couple? Okay…… Sounds great…to me.

Alas tres na nang hapon. Sa Skating Rink kami dumiretso. Hala! Ang lamig dito eh, naka t-shirt lang ako. Eh sya may suot na syang jacket na galing sa kotse nya. Pero hindi na lang ako nagsalita.

Sinuot nya sakin yung sapatos na pang skate. Tapos hinawakn nya ulit yung kamay ko habang papasok kami. May isa pa akong problema. Hindi ako marunong mag skate.

“Xander, hindi ako marunong.” Nag-aalangang sabi ko. Ngumiti sya sakin ng matamis.

“I’ll teach you, don’t worry.” Tapos hinila na nya ako. sumunod ako sa kanya pero huminto sya ulit. “And, don’t call me Xander. Call me ‘boyfriend’, we’re couple today. Remember?”

 

“Boyfriend?” Kunot-noong tanong ko.

Ngumisi sya. “Yes, girlfriend. Let’s go!”

Napasigaw ako ng hilahin nya ako. Magkaharap kaming dalawa. Paatras sya nag i-skate at ako naman ay paabante. Ilang minuto pa lang kami pero nararamdaman ko na agad yung lamig.

Nagulat ako ng bitawan nya ako. Hinubad nya yung Jacket nya at isinuot nya sakin. Habang isinusuot nya sakin yun ay nakatingin lang ako sa nakangiti nyang mukha.

Inilahad nya sakin yung kamay nya. “Let’s go, girlfriend?” Malawak ang ngiting sabi nya.

Ngumiti din ako at tinanggap ang kamay nya. “Okay, boyfriend!”

Nag skate lang kami nang nag skate habang magkahawak ang kamay. Nakailang tumba ako pero okay lang. Sa huli natuto rin ako. Madali lang naman pala. Lalo na at magaling nag teacher ko.

Mahigit dalawang oras din pala kaming nag skate kaya pala ang sakit na nang binti ko.

Lumabas na kami ng Skating Rink. Ginutom daw sya kaya naman naghanap kami ng kakainan. Sabi ko sa kanya sa Jolibee na lang kami. Kahit ayaw nya napapayag ko pa rin sya. Gusto ko kasi ng chocolate float.

Nung nasa counter na kami, medyo mahaba ang pila. Sinabi ko sa kanya na ako na lang ang oorder at maghanap na lang sya ng upuan namin. Medyo madami kasing tao. Alanganin pa sya sa sinabi ko pero pinanlakihan ko lang sya ng mata. Ngumiti sya sakin at inabot ang wallet nya. Kinilig ako sa ginawa nya. Girlfriend na girlfriend ang dating ko. Hawak ko kasi yung wallet nya. Binuksan ko ito at bumungad ang picture naming dalawa. Napangiti ako. Dahil puro picture namin ang mga gamit nya, may iba na napagkakamalan akong girlfriend nya. Pag magkasama kami ako ang laging nagdedeny dahil hindi sya sumasagot. Pero ngayon, kapag tinanong na kami, hindi na rin ako sasagot. Dahil gusto ko na na isipin nilang girlfriend nya ako.

Take a Chance on MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon