Chapter 67: Worst day ever!

17 1 0
                                    

Trisha's PoV

Nag almusal kami Kasama si charles sa ibaba....

"AHHHHHH!!!" Nagulat kaming lahat at umakyat kami sa itaas Alam kong sigaw yun ni jehna kaya dumiretso kami sa kwarto nila nina mama rina nakita namin siya na nakaupo sa kama at umiiyak, TBH parang napapagod siya hinihingal ng hinihingal....

"I-i saw it again.... I didn't...." Yan yung word na narinig ko mula sa kanya but i can't still understand Honestly.Lumapit ako sa kanya at pinatahan namin siya.... tinapik tapik ko ang likod niya hanggang sa tumahan siya.

"Jehna, ano ba ang napanaginipan mo?" Tanong ni kuya vincent sa kanya

"Napanaginipan ko si oliver...." Tapos nagtaka kami sino si Oliver? "Parang nagpapaalam siya Lumipad siya at masaya ang itsura niya...."

"Sige nga ilahad mo lahat!"

"May tumatawag sa akin sa Kagubatan, at Sobrang liwanag daw tapos tumingin ako sa puno at sa ibabaw nun nakita ko si oliver na kumakaway sa akin at tinawag ko siya "Oliver ? Anong ginagawa mo diyan? *Crossed arm*  ang sagot naman niya "Wala lang gusto mo ba ng Mansanas?" At sinabi kong.... "Oliver, hindi ako nakikipag biruan sayo at nakita ko nalang siya na lumipad paitaas at sinabi niyang "Woooh!!! Jehna ang sarap lumipad! Hinabol ko siya at Sumigaw ako ng "Oliver saan ka pupunta?!" Habang tumatakbo ako....  Habang Lumilipad siya palayo "PAALAM JEHNA HANGGANG SA MULI!" At sinundan ko pa rin siya, "Oliver sandaliiii!!!! BAKIT AKO INIIWAN NG MGA MAHAL KOOOO!!!"

At ayun ang nangyari...ikinwento niya yun habang umiiyak....

Nakita namin si gusgus at gaspar sa labas nahulog sila sa kama nila na double deck HAHAHAHA Ang OA nila sa totoo lang HAHAHA may dala ba namang Mga Sandata ew. "NASAAN ANG MAGNANAKAW?!" tapos natawa kaming lahat except Jehna.... WEW HAHAHAHA.

"Mga ugok walang Masamang tao dito!" Sigaw ni charles.

"Baka Iiwan kana talaga niya jehna,Baka patay na yun" sambit ni Charles Aba loko Batukan ko nga ng Malakas Nung binatukan ko siya ng malakas natawa sila except kay jehna....Umiyak tuloy lalo si jehna.... "Hindi pa patay si Oliver!!!!" Sigaw ni jehna kay charles.

"Uhhh Jehna Mamasyal nalang tayo Para mawala ang Lungkot mo ah?" Pag aaya ni kuya vincent sa kanya....

Kinausap ko ai kuya vincent at bumulong ako sa kanya "Sige kuya, Ipasyal mo lang siya At isusurprise namin siya" at nag-agree naman ang kuya ko....

"Sige ingat kayo!" Pahabol ko pa....

"OKAY, LAHAT KAYO MAGLILINIS TAYO NG KWARTO NI JEHNA SUNDIN NIYO KUNG ANO ANG IPAPAGAWA KO!"

Jehna's PoV

Nagtakip at nagtago ako sa Color Red na hood upang hindi ako Makilala ng mga tao sa Labas nitong Scotland....

"Okay ka na ba?" Tanong sa akin ni Vincent...."

"Ah Oo i feel much better now...." banggit ko sa kanya Habang tumatakbo ang karwahe Nakita ko ang iba't ibang ganda ng kalikasan.... "Ang Ganda noh?" Tanong ni vincent at nakangiti siya sa akin.... "Sobra!"

Pumunta kami sa river at naligo kami doon Tapos Naghabulan kami ni Vincent nang mapagod kami naupo ako sa Damuhan at Nakita ko si Vincent Na nilukso ang Mansanas na nasa Mataas ng bahagi ng puno at nakuha niya iyon "Para sayo jehna" Ibinigay niya sa akin yun. "Sayo nalang Vincent" Pagtanggi ko, Hinati niya yung mansanas sa pamamagitan ng espada at kinulit nya ako ng kinulit ng kinulit.... Sa sobrang kulit niya tinanggap ko nalang yung apple....

Pagkatapos kong kumain hinalikan ko siya sa pisnge "Salamat dahil pinasaya mo ako Vincent" nakatulog ako sa balikat niya

Mga Ilang minuto Nagising din ako at sinabi niya na Pumunta kami sa bayan ng Ardeth....

My Prince and I👑❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon