Alex's Point of View
Dumiretso ako sa kwarto ko at binagsak ang sarili ko sa kama. Yung ngiti niya, ang ganda. sobrang ganda niya.
Tapos ang bait pa dahil tinulungan niya si Kate na maghanap, na hanapin ako. Holy shems. Bakit kinikilig ako sa part na hinahanap niya ako? Damn, ang lakas ng tama ko sa babaeng yon.
At speaking of Kate, hindi siya nagsumbong kay Mama, malay ko ba kung bakit pero I guess, ipangbablackmail niya iyon sa akin.
"Aleeeeeeeeeex, Kaaaaaaate! bumaba kayo ritooooo!" rinig kong sigaw ni mama.
Tumayo naman ako sa kama at kinuha ang phone ko, hindi pa rin ako nagpapalit ng damit, tinatamad ako eh. Nagkita kami ni Kate sa hallway papuntang hagdan, eh isang room lang naman ang pagitan namin eh, room lang ni mama.
"Bakit po, ma?" tanong ko habang pababa ng hagdan, nakasunod naman sa akin si Kate.
"Kay Mars Athena tayo kakain," sabi ni Mama habang papunta sa front door.
"Mars athena?" takang tanong ni Kate.
Humarap naman si Mama, "ah, siya yung kapitbahay natin, close na kami, alam niyo na, friendly ang mama niyo," paliwanag niya.
Nagkatinginan kami ni Kate, tama, si Mama ay isang friendly na kapitbahay, doon sa dati naming tinitirhan ay halos kaibigan niya lahat ng kalapit bahay. Masyado kasing mabait si mama.
Sumunod na kami dahil okay lang naman ang mga damit namin, so hindi na namin kailangang mag bihis pa.
Sa tabi ng katapat naming bahay kami pumunta, kumatok muna si Mama at naghintay lang kami ng ilang segundo bago may lumabas na isang ginang, infairness, ang ganda niya, mukhang bata, pero syempre, hindi ko ipagpapalit si Therese, hehe.
"ay, Marsss! lika pasok na kayo," anyaya niya sa amin at binuksan ang pinto
pagkapasok ay nanigas ako sa kinatatayuan ko ng makita ko siya, holy mamaw, iz diz destiny?
"ate Therese?"
"Kate?"
Halos sabay na nagsalita ang dalawang babae, nagtaka naman ang dalawang ginang ng malaman na magkakilala ang dalawa kaya agad akong sumingit sa usapan.
"Ah, mama siya yung nakalaro ni Kate sa park, ehehe. Diba, Kate?" tanong ko kay Kate habang nagbibigay ng makisabay-ka-babygirl look.
"opo, mama. ang bait niya nga po eh," pagsang ayon ni Kate sabay tingin kay Therese ng makisabay-ka-ate look.
"ah, opo Mama, naku, ang kulit nga niyang si Kate kanina eh," dagdag pa ni Therese.
Sheeeet, yung boses niya mga tol, ang hinhin tapos sobrang nakaka inlababo, yung mata mo parang magpupuso na? Mga ganun ba.
"Ahh okay, sige, halina kayo," ngumiti si Tita, yeees, Tita na agad ang tawag ko, eh kung byenan na kaya?
Nakarating kami sa kusina nila, hindi masyadong malaki ang bahay nila Therese, 2nd floor lang rin siya like us pero mas malawak ang bahay namin, pansin ko na wala dito ang papa niya.
"Mars, asan ang misteeer?" tanong ni Mama na nakabasag ng katahimikan.
Nakaupo na kami sa mesa ng tinanong iyon ni Mama.
Seating arrangement?
ako-Kate-Mama
t a b l e
Therese-Tita
"ay, yun ba? nasa bago niyang asawa," nakangiting sambit ni Tita.
Napayuko naman si Mama at bumulong ng, "Sorry."
Natawa naman si tita habang kumukuha ng sinangag na kanin
"naku, okay lang, matagal na yun saka nakamove on na ako." sabi ni tita.
Kumuha na rin si mama ng mga pagkain kaya kumuha na rin kaming mga millenial.
"So, kamusta ang park?" biglang tanong ni Mama.
Nagkatinginan kaming tatlo, ako na ang nagsalita.
"ah, malaki naman, ma, maganda tapos malinis," komento ko habang hinihiwa ang malinamnam na pork chop.
"opo, malawak at malaki kaya kapag naiwan ang isang bata, mawawala talaga," dagdag pa ni Therese kaya napatingin ako sa kanya at kay Kate.
"Ganun ba? we should visit that park together, what do you think?" aya ni Tita.
"Sure!" agad na payag ni Mama.
Nagpatuloy lang ang dinner ng wala ng maisip na topic, tahimik lang kami at tanging mga kubyertos lang ang naririnig.
"uhh, mare?" tawag atensyon ni tita kay mama.
Napatingin naman kaming lahat kay tita at naghintay ng kaniyang sasabihin.
"eh ikaw, asan si mister? ofw?" curiousity ang makikita sa mukha ni tita.
"ahh, nasa langit na mars eh," kaswal na sabi ni Mama.
This time, si tita naman ang yumuko at bumulong rin ng sorry. Umiling iling lang si mama na nangangahulugang, 'wala iyon'.
--
Natapos ang kainan at kasalukuyan na akong nasa kwarto ko, habang nakatitig sa cellphone ko, ewan ko kung alam na ni therese na ako ba yung alex na katext niya.
*bzzt!*
Nagvibrate ang cp ko kaya agad ko itong kinuha at dumapa bago basahin ang message.
From: Therese
Ikaw yung alex na kapatid ni kate diba?
Kinabahan naman ako, sasabihin ko na ba? eh ano namang mali kung sabihin kong ako nga iyon?
To: Therese
Yeah. hehe, paano mo nalaman?
Sent!
Naghintay ako ng reply niya habang nakatitig sa kisame kong sky blue, para akong nakatingin sa ulap.
*bzzt*
From: therese *hart emoji*
wala. hula ko lang.
To: Therese
haha, pwede ka na palang manghuhula?
Sent!
Muli, ay nag hintay lamang ako ng reply niya. after about 2 mins ay sumagot na siya.
From: Therese
siraulo, hhahahaha.
Napangiti naman ako ng malamang natawa siya, hindi ko man alam kung natawa siya sa personal pero atleast diba?
Magtatype na sana ako ng reply pero muli siyang nagpadala ng mensahe.
From: Therese
mamaya nalang, may inuutos si mama eh. brb.
Hinayaan ko nalang at hindi na muling nag reply pa.
--
author's note:
oo na, maikli na, sorry naman, hehe. MEDYO LUTANG LANG, HUHU.
VOTE.COMMENT.SHARE
BINABASA MO ANG
Load. (COMPLETED)
Короткий рассказCOMPLETED. Read Therese and Alex's unexpected and twisted love story. 🌹💖 Written by: BeybiRows.