Chapter 18

7.8K 136 2
                                    

Chapter 18

"STAY HERE, and don't move."

Mabilis pa sa alas kuwatrong nagbihis ng damit si Hunter at may pinindot sa ilalim ng kama. Hinatak niya ang nasa ilalim nito at ikinagulat ko ng makitang punong puno iyong ng mga mamahalin at malalakas na calibre ng mga pistols at iba pang handgun.

Tiningnan niya muna ako bago kumuha ng isang baril. Nanlaki ang mga mata ko ng makilala kung anong klaseng baril iyon. Beaumont Adams!

"I hope you can handle a gun, Cassandra. It'll be handy."

Ibinigay niya naman to sa'kin at hindi kagaya ng iba na nanginginig pa ang nga kamay kapag hinawakan nila ang baril mine was different. Pakiramdam ko'y parang para talaga sa'kin ang baril na 'to. Matagal tagal na rin akong hindi nakakahawak ng baril since I quitted from that organization.

Hinawakan niya ako sa braso at pinatayo. Again, kinuha niya ang phone niya sa kaniyang bulsa but it was a different one. May pinindot siya roon at parang kidlat na nagsibabaan ang mga metal na mga pintuan sa normal na pintuan ni Hunter. The windows were covered my metal ones, too. Doon ko lang na realize, nila-lockdown niya ang buong mansyon!

"Hunt! Si RD!" Natataranta ko sigaw sakaniya ng maalala ang anak namin na nasa kabilang kwarto lang.

Ngumisi lang siya sa'kin at may pinindot ulit sa cellphone niya. Napatingin ako sa pader ng kwarto niya na nakaharap sa kwarto ni RD, the walls opened slowly and it revealed a iron clad door, too. But it has a passcode and an eye scanner.

Hinatak niya ako patungo doon at inilagay na ang mga tamang numero at ipina-scan na ang mata niya. The door immediately opened. It revealed us the room of RD.

Pumasok kami roon at automatic naman na sumarado ang pader ng makalusot na kami roon.

Inilinga-linga ko ang paningin ko sa buong kwarto but there was no sign of RD.

"Nasaan siya, Hunt?!" I can't help but to panic!

Hinatak niya lang ako papalapit sa kaniya at inilagay ang kamay sa labi ko. "Shh, they're just outside. Keep it low, hindi soundproofed ang kwarto ni RD. Just keep calm, too."

Kinalma ko naman ang sarili ko. Keep your senses together, Cassandra! You're an agent! Use your skills!

Sumeryoso naman ako at nawala na ang kaba ko. Alam kong napansin iyon ni Hunter dahil naramdaman ko ang mga titig niya at ang pagluwag ng pagkakahawak niya sa'kin.

Pinakiramdaman ko ang paligid. Tama nga si Hunter. There are footsteps outside. If hindi ka observant o alert sa paligid mo, you won't hear the footsteps because it's nearly a faint sound. Halatang mga eksperto ang pumasok sa bahay.

"Rockhilles Damon, you can go out now."

Napalingon naman ako kay Hunter ng magsalita siya.

RD's bed moved and slowly the bed turned itself and revealed RD.

Nakasandal lang siya doon habang kaswal na nakahalukipkip ang dalawang braso sa dibdib na parang inip na inip.

"Ang tagal niyo." Reklamo nito ng makababa na sa tinataguan sa kama.

Napasapo na lang ako sa ulo ko ng sumakit iyon. Oh, no, not now, please!

When I felt the pain slowly fading, tiningnan ko si Hunter na may pinipindot sa cellphone na hawak niya.

"How sure are you na ligtas ang pinagtaguan ni RD, Hunt?"

Tumingin siya sa'kin at ngumisi. "The whole bed is bulletproof and it can only be opened by my command or the person who's inside it. I customized this para talaga kay RD. I want our son to be safe."

Napahigpit pa ang hawak ko sa baril ng may mapagtanto. His huge mansion is full of different security systems. I know that Hunter made all this because he's a genius.

Napapitlag ako ng makarinig ng malakas na kalabog sa kwarto namin ni Hunter. Napatingin naman ako sakaniya. If they saw our room, dapat mas nauna nilang na kita ang kwarto ni RD at binuksan ito!

"Hunt—"

"I know. When I locked down the whole mansion, the door from RD's room disappeared because of my fault. So parang wall na lang ang nakikita nila."

"Pero paano tayo makakalabas dito?"

He smirked. "We'll go underground."

"Underground?!" I gasp.

"Iyon ang hindi alam ng mga kalaban ko. They don't know that I have an underground facility under my house. It has many tunnels papunta sa iba't-ibang lugar. You know my business, Sandra."

Tumango na kang ako. Hunter has an agency, too. I know that. He was also a CEO of a company that is not connected to this facility of his. He is really unpredictable, very private and very dangerous.

"Pero paano tayo makakapunta doon?"

Binuhat niya muna si RD at hinatak niya ako sa kamay patungo sa kama ni RD. The bed turned again amd revealed three seats this time.

"We'll take this way."

Una niyang pinaupo roon si RD at ikinabit sakaniya ang seatbelt. Kasunod ay ako. When he sat next to mine, the sounds got louder from the next room.

I heard Hunter cursed as he locked his seatbelt to him. "Darn it. They found the door next door. We should probably go now."

Tumango na lang ako at hinawakan ang kamay niya at ni RD since napapagitna ako sa kanilang dalawa.

May pinindot si Hunter sa upuan niya at doon naman gumalaw ang kama at napunta na kami sa ilalim.

Parang automatic naman na natanggal ang mga inuupuan namin sa may kama at parang elevator na pumailalim kaming tatlo.

Ilang minuto pa ang lumipas bago na kami tuluyang nakarating sa ilalim. Inalis ko naman ang pagkakaseatbelt ko sa'kin at tumayo na.

Inilibot ko ang buong paningin sa paligid. White and Blue are the only color visible. May pinto rin sa harapan namin pero may handprint password.

Naunang lumapit doon si RD sa'min at inilagay niya ang palad sa handprint scanner. Sasawayin ko pa sana siya pero napasinghap na lang ako ng makitang bumukas ang pintuan.

Hinawakan lang ako ni Hunter sa kamay at hinatak na papasok sa loob.

"Alam na ni RD ang pasikot-sikot rito. I taught him everything about me since siya rin naman ang magmamana nitong lahat."

Tumakbo na si RD at pumasok sa isang silid. Hawak hawak naman ni Hunt ang kamay ko.

"Gusto ko bang makita ang buong main facility?" Aniya.

Gusto ko man ay nag-aalala pa rin ako sa mga taong sumugod sa bahay niya.

"Pero baka makapasok iyong—"

"They won't. Just trust me. Now, ipapakilala muna kita sa mga kasamahan ko dito. We'll talk about some of our issues later."

Napatango na lang ako at nagpaubaya na lang sa mga desisyon niya. I just hope na huwag niya muna akong tanungin. I feel like hindi pa ito ang tamang oras para sabihin sa kaniya ang mga bagay bagay.

STONE MIKAELSON

The Playgirl | Cassandra Ylliana (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon