Chapter 17

1.3K 73 23
                                    

Chapter 17

Bro

"Shar!!" Lumingon ako dun sa tumawag sa akin. Classmate ko lang pala sa isang subject. "Oh, bakit Mhika?" Tanong ko sa kanya. "Punta ka ba library? Sama ako, ng mahawaan mo naman ako ng kasipagan mo." Bola niya pang sabi. "Baliw ka talaga! Halika na nga." Sabay na kaming pumunta ng library.

Pumasok na kami may mga ids naman kami e. Kumuha na ako ng libro na kailangan ko at siya din kumuha na. Pumwesto kami sa pinakadulo para tago at walang istorbo. Tinext ko nadin si Donny na mag library muna ako, tutal free time. Hindi pa siya nakareply kasi may klase pa.

Naglabas na ako ng notes at nagsimula na gawin ang mga dapat. "Uy ah! Donny ka pala." Bigla niyang asar. "Luh? Baliw ka?" Tatawa tawa kong sabi. "Sus! Wag mo na itago sa akin. Nakikita ko kaya sa twitter. Follower niyo kaya ako." Sabi niya. Tumawa na lang ako tas bumalik na sa ginagawa ko.

"Uy, di nga? Kayo?" Mamaya niyang kulit. "Hindi nga. Mag aral kana dyan." Sabi ko. "Sabihan mo ako pag kayo na ah. #SharDon shipper ako!" Asar niyang sabi. Teka ano daw? May sinabi siya e, di ko masyadong narinig. "Anong sabi mo? Di ko narinig." Tanong ko. "SharDon? Pinagsama ko yung pangalan niyo. Cute no? Galing ko talaga." Hangang hanga niyang sabi sa sarili niya. Binatukan ko siya. "Kung ano ano sinasabi mo. Malala kana." Tatawa tawa kong sabi. "Sus! Kilig ka naman." Pahabol niya pa. Tinawanan ko na lang siya.

Tapos na ako sa mga assignments ko, kaya nagcheck na ako ng phone.

From: Panget

Okayokay, ingat ka dyan pangs. Aral ng mabuti. :)

From: Panget

Kasama ko sina Nash & Robi. Kain lang kami saglit. 40mins lang break ko. :((

From: Panget

Tapos na ako pangs. Punta na din ako sa next class ko. :) Ingat ka dyan. Eatwell din!! :)

Nagpaalam nadin ako kay Mhika kasi malapit na din yung next class ko. "Uy, una na ako Mhiks ha." Paalam ko. "Sigesige. Yung pinagusapan nati ah, sabihan mo ako. #SharDon shipper here!" Pahabol niya pang asar. Tinawanan ko na lang siya.

Naglalakad na ako papunta sa next class ko ng makasalubong ko si Jai. Wow! Sa lahat talaga ng pwede kong makasalubong siya pa talaga.

"Hi Shar." Ngisi niyang sabi. Ngumiti lang ako, kasi wala ako sa mood makipagusap sa kanya. Derederecho akong lakad ng hawakan niya yung braso ko. "Yun lang? Tapos aalis kana agad? Samahan mo muna ako dito." Sabi niya. "Sorry, may next class pa ako." Sabi ko habang inaalis yung kamay niya sa braso ko.

"Sha.." Naputol yung sasabihin ni Jai ng may magtanggal ng kamay niya sa braso ko. Pagtingin ko yung gwapong protector ko pala. "Sino nagsabi sayong pwede mo siyang hawakan ng ganyan?" Nakakatakot na sabi ni Donny. Tumingin si Jai sa kanya at ngumisi. "Bakit? Sino ka para magsabi ng ganyan?" Sagot niya pabalik. "Wala kana don bro. Umayos ka ha? Nasa teritoryo kita." Ngising sabi ni Donny. Ang sama na ng tingin ni Jai. Hinahaltak ko na si Donny dahil baka mag issue to.

"Umayos ka bro. Wag si Shar." Huling sabi ni Donny, dahil nagtagumpay ako na mahaltak siya at maiwan si Jai dun. "Uyyy, awat na." Tinitignan niya pa kasi si Jai. "Okay ka lang ba?" Lumingon siya sa akin at seryoso akong tinignan. "Oo, okay lang ako. Salamat nga pala dumating ka." Nakangiti kong sabi. Chineck niya yung braso ko, medyo mapula yun kasi mahigpit yung hawak ni Jai. "Namumula oh. Humanda talaga sa akin yang Aquino na yan." Gigil na sabi ni Donny. "Chill lang pangs, hayaan mo na. Okay lang ako." Sabi ko.

Hinatid na niya ako sa class ko at buti na lang wala pa yung prof ko. "Text mo ako pag uuwi kana ha." Paalala ni Donny. "Oo, lagi ko naman ginagawa yon diba? Punta kana agad sa class mo ah. 5mins na lang time mo na." Paalala ko sa kanya. "Ito na. Mag ingat ka ha pangs." Ngiti niyang sabi at umalis na din.

Pumunta na din ako sa upuan ko at agad naman ako inasar ng katabi ko. "Uy, ikaw ah! May paghatid pa kay papa Donny" Asar ni Jov. Tinawanan ko na lang siya. Dumating na din yung prof.

••••••••

Sa wakas! Tapos na yung last class ko. 4:10pm na din pala, makakauwi na ako at pahinga.

From: Panget

Done na last class ko pangs. Derecho training na ako. Uwian mo na din diba? Saan kana? :)

To: Panget

Ingat pangs! :) Palabas na ako ng school. :)

From: Panget

Mag ingat ka ha. Please be safe. :) Sorry nga pala kung late ako dumating kanina, sana mas maaga akong dumating para di ka nahawakan ni Jai. :(

To: Panget

Uy, anokaba! Sakto kaya yung dating mo. Right timing, kaya malaking pasasalamat ko sayo my protector. :) Mag ingat ka dyan. No injuries, okay?

From: Panget

Yesyes. Next time talaga di na makakalapit sayo yun.

To: Panget

Oh tama na. Wag na natin pagusapan. Focus kana dyan. :)

From: Panget

I'll text you later. Palit na ako. :) Please be safe my pangs. :) <3

Napangiti na lang ako. Hays! Sarap sa feeling. Nakapara na din ako ng trike. Tinamad na ako maglakad.

Finally! Dorm na ako, nauna akong umuwi sa dalawa kong besh kasi hanggang 5pm pa sila. Nagayos na muna ako.

Mag 6pm na nang dumating sina Miles and Sunny. "Uy besh, okay ka lang?" Tanong agad ni Sunny, nung nakita niya ako sa sala. "Ha? Oo, okay lang ako. Bakit anong nangyari?" Takang tanong ko. "Sinabihan kasi kami ni Donny sa nangyari at bantayan ka daw namin if ever lumapit si Jai ulit sayo." Sabi ni Miles. Napangiti ako, nakakatouch lang yung ginawa ni Donny.

"Hala teh? Ngiti ngiti na lang? Kinilig na?" Asar ni Miles. "Baliw!" Sabi ko. "Kayo ah, may napapansin ako sa inyo ni Donny ah." Sabi ni Sunny. Nginitian ko na lang siya. Pumasok na muna sila kanila kanilang kwarto para mag ayos.

Mga 7pm na nang nagtext si Donny na kakatapos lang ng training sila. Kumain nadin kami, di na masydo makapagkwentuhan nila besh kasi ang daming paperworks na kailangan gawin.

Nasa kanya kanyang kwarto na kami. Tumawag si Donny.

"Uy." Sabi ko. "Nakauwi na ako pangs, sorry tumawag na lang ako pagod na kasi ako." Sabi niya, halata nga sa boses niya. "Pahinga kana pangs." Sabi ko. "Okay lang ba na mauna na muna akong matulog pangs?" Tanong niya. "Oo naman. Matutulog din naman ako after tapusin tong mga paperworks." Sabi ko. "Bawi ako bukas pangs. Good night. Sweet dreams. I like you." Sabi niya. Napangiti ako sa dulo niyang sinabi. "Good night pangs. Magpahinga ng maigi. Sweet dreams. Likewise." Ngiti kong sabi. Biglang may konting katahimikan.

Ibaba ko na sana, kasi akala ko tulog na. "Kinilig ako!" Sabi niya. "Baliw ka talaga! Matulog kana." Sabi ko. "Ito na nga po." Binaba na din yung tawag.

Tapos ko na din yung mga paperworks, makakatulog na din.

——————————————————————-

Chap 17 done! 15+ votes for Chap 18!! :)

Right TimingWhere stories live. Discover now