CHAPTER THREE

49 3 0
                                    

Note:

Make sure to read all the notes. My notes are not that long but it's very important. So please, read them. My notes contains some announcement regarding the story. That's why it's so important. Thank you!


FRIDAY'S P.O.V.
"Anong ginagawa mo diyan?"

"AY KAPRE KA!"

Lumingon ako sa nagsalita. Isang manang lang pala. Mukhang maid rin siya dito dahil pareho sila ng attire ng mga maids na nakita ko kanina.

"Okay ka lang iha?" tanong ni manang. Hindi ko pa alam ang pangalan niya, kaya manang nalang muna ang itatawag ko sa kanya.

"O-okay naman po ako. Pasensya na po sa pagsigaw ko kanina." sabi ko habang kinakamot ang batok ko.

"Ok lang yun iha. Ano palang ginagawa mo dito?" nakangising tanong ni manang. 'Patay! Bakit ba kasi hindi ako umalis dito?!'

"Ah.. eh.. kasi.. ano.." anong irarason ko dito?! Napapikit nalang ako. Wala talaga akong maisip na rason! And it doesn't help that I'm a bad liar too huhuhu!

"Gwapo ba siya?"

Huh... a-anong sabi niya?

"A-ano po?" wala sa isip kong tanong.

"Hehe ang sabi ko, gwapo ba ang lalaki diyan sa loob?" natatawa niyang sinabi habang tinuturo ang kwartong pinasukan ko.

"Uh.. O-opo. Gwapo po siya." sabi ko habang kinakamot ang batok ko.

Well, I can't say that he's not a good looking man. Diba sinabi ko na naman sa inyo na gwapo siya? Tapos ang sasabihin ko kay manang na hindi? Tanga lang?!

Tumawa ng mahinhin si manang. Teka, bakit siya tumatawa? May nasabi ba akong nakakatawa?

"Hahaha pasensya na iha ha? Medyo weird ang tanong ko sayo." tawang-tawa pa rin niyang sinabi. Hindi lang po medyo, WEIRD po talaga. Nashock man gani kog 1/4! Tumango-tango lang ako kay manang as a response.

"Halika na iha. Ihahanda ko lang ang kwartong gagamitin mo." nakangising sabi ni manang.

"Huh? Para saan po?" tanong ko.

"Sabi kasi ni Madam Eliana na dito ka nalang daw matulog. Gabi na kasi. Tapos umuulan pa. Baka mapano ka daw."

"Pero-"

"At huwag ka na daw mag-alala, tinawagan na ni Madam Eliana ang nanay mo at pumayag naman daw." dagdag ni manang.

"Ah.. Sige po." my only response. Maygani nisugot si Mami. Akala ko kasi umandar na naman ang pagka-overprotective niya. Mabuti't naconvince siya ni Auntie.

*Grumble*

Oops! Gutom na pala ang tummy ko. Kung sabagay hindi ko naman pala natapos ang lunch ko kanina dahil sa panggugulat ni Clint. By the way, ano na kayang nangyari sa kanila? Ah bahala na! They can take care of themselves. Sila pa!

"By the way iha, anong pangalan mo?" tanong ni manang.

"Friday po. Kayo po, anong pangalan niyo?" tanong ko kay manang.

I Don't Speak Bisaya[On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon