LABINDALAWANG URI NG MAG-AARAL (AYON KAY BOB ONG)
[Mula sa isang bahagi ng ABNKKBSNPLAKo?! (Mga Kwentong Chalk ni Bob Ong). Para sa buong kwento, bumili sa suking tindahan!]
Sa mata ng isang guro, may isang dosenang klase lang ng high school students.
CLOWNS - Ang official kenkoy ng klase. May mga one-liner na gumigising sa lahat pag nagkakaantukan na. Sabi ng ilang teaher,eto raw yung mga KSP sa klase na dahil hindi naman matalino e idinadaan na lang sa patawa ang pagpapapansin. Pero aaminin ko, walang klaseng walang ganito, at kung meron man, magiging matinding sakripisyo ang pagpasok sa eskwela araw-araw.
GEEKS - Mga walang pakialam sa mundo, libro-teacher-blackboard lang ang iniintindi. Kahit na mainit ang ulo at badtrip ang teacher; ang mga geeks ang walang takot na lumalapit sa kanila para lang itanong kung mag-iiba ang result ng equation kung isa-substitute 'yung value ng X sa Y.
HOLLOW MAN - May dalawang uri ng HM virus, ang type A at type B. Ang type A ay ang mga estudyanteng madalas invisible, bakante ang upuan, madalas absent. Type B naman ang mga mag-aaral na bagama't present e invisible naman madalas ang sagot sa mga quiz; hollow ang utak.
SPICE GIRLS - Barkadahan ng mga kababaihang mahilig gumimik, sabay-sabay pero laging late na pumapasok ng room pagkatapos ng recess at lunch break. Madalas na may hawak na suklay, brush at songhits. Pag pinagawa mo ng grupo ang isang klase, laging magkakasama sa iisang grupo ang SG.
DA GWAPINGS - Ang male counterpart ng SG, isinilang sa mundo para magpacute. Konti lang ang myembro nito, mga dalawa hanggang apat lang, para mas pansin ang bawat isa. Tulad ng SG, kadalasang puro hair gel lang ang laman ng utak ng mga DG.
CELEBRITIES - Politicians, athletes at performers. Politicians ang mga palaban na mga estudyante na mas nag-aalala pa sa kalagayan ng eskuwelahan at mga kapwa estudyante kesa sa grades nila sa Algebra. Athletes ang ilang varsitarian na kung gaano kabilis tumakbo e ganon din kabagal magbasa. Performers naman ang mga estudyanteng kaya lang yata pumapasok sa eskuwela e para makasayaw, makakanta at makatula sa stage tuwing Linggo ng Wika. Sa pangkalahatan, ang mga celebrities ay may matinding PR, pero may mababang IQ.
GUINNESS - Mga record holders pagdating sa persistence. Pilit pinupunan ng kasipagan ang kakulangan ng katalinuhan. Sila ang kadalasang nagtatagumpay sa buhay. Masinop sa projects, aktibo sa recitation. Paulit-ulit at madalas magtaas ng kamay kahit na laging mali ang sagot.
LEATHER GOODS - Mga estudyanteng may maling uri ng determinasyon. Laging determinado ang mga ito sa harapang pangongopya, bulgarang pandaraya at palagiang pagpapalapad ng papel sa teacher. Talo ang balat ng mga buwaya sa pakapalan.
WEIRDOS - Mga problematic students, misunderstood daw, kadalasang tinatawag na black sheep ng klase. May kanya-kanya silang katangian: konti ang kaibigan, madalas mapaaway, mababa ang grades, at teacher's enemy.
MGA ANAK NI RIZAL - Ang mga endangered species sa eskwelahan. Straight 'A' students, pero well rounded at hindi geeks. Teacher's pet, pero hindi sipsip. Hari ng Math, Science at English, pero may oras pa rin para sa konting extra-curricular activities at gimmicks.
BOB ONGs - Mga medyo matino na medyo may sayad. Eto yung estudyanteng habang naglelecture yung teacher e pinaplano na yung librong ipapublish nya tungkol sa mga classmates nya.
COMMONERS - Mga generic na myembro ng klase. Kulang sa individuality at katangiang umuukit sa isipan. Hindi sila kaagad napapansin ng teacher pag absent, at sa paglipas ng panahon, sila ang mga taong unang nakakalimutan ng mga teachers at classmates nila.
Posibleng may mga estudyante na ang katangian ay kombinasyon ng mga nabanggit. Posible ring hindi lahat ng uri ng estudyante ay makikita sa iisang klase.
BINABASA MO ANG
ABNKKBSNPLAKO- 12 uri ng estudyante
AdventureI just love reading yung mga stories ni bob ong . and napanuod ko na rin yung movie neto . maganda promise :)