You are the missing piece

12 0 0
                                    

"Bro hinahanap ka na ni Grace bilisan mo. Galit na eh." at naputol na ang tawag ni Trevor.

Ang aga aga naman kasi agad naman nasa Mcdo si Grace. Masyado atang excited sa ka-gwapuhan ko. Haha. Inayos ko na ang uniform ko at buhok habang nakaharap sa salamin dito sa aking kwarto.

"Ang gwapo ko talaga." sabay papogi pose sa harap ng salamin. Pagkatapos ay kinuha ko na ang susi ng sasakyan ko at bumaba na sa may garahe.

Isang oras ang biyahe ko papunta ng school galing dito pero since nasa Mcdo sina Trevor mga 15 minutes lang ang biyahe ko.

In-off ko na ang engine ng sasakyan ko at kinuha ang wallet and ipad ko sa bag at iniwan nalang ito sa sasakyan. Bumaba na ako at inabutan ko na agad ng 100 ang parker dito sa Mcdo.

"Wag mo pang rrugby o pang susugal yang pera ah?" sabi ko kay Greg habang hawak ang 100 at iniaabot ito sakanya na naka akbay ang balikat ko sakanya.

"Opo Kuya Matt. Ipangkakain ko to at kung may gusto man ako bilhin sa eskwelahan na kailangan ko." sabay ngiti sa akin.

"Sige una na ako. Bibilhan nalang kita ng pagkain pagkapasok ko."

"Sige po."

Pumasok na ako sa Mcdo at hinanap ko muna sina Trevor kung saang pwesto sila nakaupo at nakita ko sila sa may dulo at talagang sa may kung saan pwede pa mag charge doon sila pumwesto. Dala dala kasi nila ang mga laptop nila pang facebook, twitter at kung ano-ano pa na gusto nila gawin habang nag be-breakfast kami.

"Matt here!!" sigaw ni Trevor habang kinakawayan pa ako.

Papalapit na ako sakanila at pagkalapit ko kay Trevor ay agad ko itong binatukan.

"Bro sakit naman!!" sabay kamot sa ulo.

"Ang ingay ingay mo kasi. Maka sigaw ka naman parang di ko kayo nakita. Para kang bading ang talas ng pagka sigaw mo." galit na niyan ako. Haha. Ayoko lang talaga ng maingay masyado. Madali akong ma-irritate kapag maingay.

"Hi Babe!" sabi ni Grace sabay halik sa pisngi ko.

"Hey Babe." at hinalikan ko din siya sa pisngi niya.

"Oh teka lang naman. Ayan nanaman kayo eh. Ang sweet niyo nanaman. Baka nakakalimutan niyong madami pong single dito sa harap ninyo." sabi ni Austin.

"Bat di ka pa kasi sagutin ni Christie?" tanong ko sakanya na may halong pang-aasar sakanilang dalawa ni Christie.

"Yuck. Di ko papatulan yan no. Excuse me. Mataas ata ang standards ko pagdating sa pakikipag date at pakikipag boyfriend." sabay pagtuturo kay Austin at may irap pa ni Christie na nakakamatay talaga sa sobrang nakakatakot. Haha.

Humarap na siya sa may laptop niya at ganun din naman si Austin. Tumayo na ako at yinaya si Grace na mag order na ng kakainin.

"Babe mag order na tayo para makakain ka na. Alam kong galit ka nanaman dahil late ako." sabi ko habang nakahawak sa may bewang niya at naglalakad papuntang counter.

"Babe sorry na nga eh." pa cute ko pang sabi at nag sa-sad face pa. Sinabayan ko pa ng pagyakap sakanya at pag halik sa pisngi niya na siya namang ikinakilig at nagpa oo sakanya.

"Oo na nga sige na. Alam mo naman na ayaw kong nagugutom eh. Pati yung anak natin." biro niya pa sabay hawak sa tiyan niya na lumalaki na sa sobrang katakawan. Hahaha.

"Babies how are you? Gutom na ba kayo? Sorry late si Daddy. Ito na oh papakainin na namin kayo ni Mommy." biro ko sakanya habang hawak ang tiyan niya at kunwari ay kinakausap ko ang mga alien babies namin. Hahaha. Joke lang.

"Babies talaga Babe? Diba pwedeng isa muna? Ginagawa mo naman akong baboy niyan eh. Akala mo manganganak ako ng isang basketball team." tawa kami ng tawa habang nakapila sa may counter habang hinihintay ang turn namin.

*Kring kring kring kring*

Nag alarm na ang cellphone ko at 9:00 AM na. Hay panaginip nanaman. Naalala ko nanaman ang mga panahong sobrang sweet namin sa isa't isa. pero teka?! Bakit kasama pati si Greg na batang parker sa may Mcdo? Haha. ang weird lang ng panaginip ko. Pero ang nakakalungkot dito, kasama pati ang mga katagang huling sinabi ni Grace sa akin thru chat.

Isang linggo na ang nakakaraan simula ng mag break kami ni Grace. Di ko pa rin maalis sa isipan ko ang mga huling message na isinend niya sa akin sa chat namin nung nakaraang isang linggo.

"Nahihiya na kasi ako. Nahihiya ako sayo lalo na sa sarili ko kasi di kita mapantayan. Gusto kitang bigyan ng mga bagay na gusto mo pero di ko mabigay. Nakakainis. Naiinis ako sa sarili ko. Alam mo namang hindi kami mayaman diba? Pero sa totoo lang, gustong gusto ko ibigay sayo yung mga bagay na gusto mo. Ikaw kasi, halos lahat ng gusto ko nabibigay mo.."

"Hindi ata talaga tayo ang para sa isa't isa.."

"Una kasi, nasasaktan na ko e. Hindi ko na kaya. Hindi ko na kaya ng tinitiis mo nalang ako. Naappreciate ko naman mga efforts mo e. Sobra sobra na nga yun e. Dumating lang talaga sa point na, hindi ko na kaya."

Yan ang mga huling sinabi niya sa akin bago kami mawalan ng communication between sa aming dalawa. Wala na akong balita sakanya. Siguro masaya na din siya. Kahit na hindi na ako ang nagpapasaya.

Buti nalang at bakasyon pa rin. Araw-araw akong umiiyak nang dahil lang sakanya. Ginawa ko naman lahat pero bakit parang para sakanya kulang pa rin?

---------END OF CHAPTER 1---------

Ano sa tingin niyo guys? Okay lang ba? Comment and Vote! Suggest kayo or correct me sa mga mali. Para mapabuti ko pa yung pagsusulat. :-) :-)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 23, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You are the missing pieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon