Chapter 1 - Trey's Demise

28 1 0
                                    

"Totoo ba?"

"Ang alin?"

"Na nakikita mo ang mangyayari sa hinaharap?"

Parati kong tanong sa sarili ko, bakit ako? Bakit ako pa ang napiling bigyan ng ganitong klaseng kakayahan?

Pwede namang yung iba nalang, pero ba't ako pa?

Siguro kasi.. hayy. Di ko alam! Ano bang dahilan? Pwede bang tanggalin nalang tong pesteng kakayahang ito sa'kin?

Kasi.. dahil dito, nawala yung taong mahal ko. Hindi lang siya, pati kaibigan ko. Pa'no kasi, sabi nila, may pagkamaligno daw ako. Eh anong magagawa ko? Sa hindi ko nga matanggal 'tong lesheng kakayahang meron ako. Kung pwede lang tanggalin, bakit hindi?

Para naman maging NORMAL na ako.

Para naman magkaroon ako ng kaibigan.. ulit.

Yung iba, iniisip nila, COOL daw.

Yung iba naman, sinasabi nilang, baka nababaliw lang ako. Pero HINDI.

Totoo to. Walang halong biro.

"Oo. Bakit?"

"Cool! Pwede mo bang makita ang hinaharap ko?"

"Pwede, kung magpapakita. Hayy.. wag na nga nating pag-usapan ito."

"Ba't naman? Ang cool kaya."

"Aynako. Pwede ba Shay?"

"Okay, okay. Masyado kang highblood eh. :)"

Si Shaira.. Bago kong kaibigan. Ewan ko ba kung saan niya narinig yung tungkol dun. Siguro galing na din sa mga DATING kaibigan ko. Hahaha. Funny right? Tinuring kong KAIBIGAN, nilaglag ako. Siniraan ako. Galing!

Pero okay lang. Tanggap ko na. Simula pagkabata, hanggang ngayon.. parating ganito. Magkakaroon ng kaibigan, pero pag nalaman niya yung tungkol doon sa kakayahan kong makakita ng hinaharap, nilalayuan ako. Lalo na't ang nakikita kong hinaharap ay tungkol sa KAMATAYAN ng isang tao.

Natatakot daw kasi silang mamatay ng maaga. Pero kasalanan ko ba? Hiniling ko bang bigyan ako nito? Hindi naman diba?

"Oh, natahimik ka? Wag mong sabihin naaalala mo na naman lahat ng past mo na may kinalaman sa kanila?"

"Hmm.. oo eh."

"Aynako Kai, di ka na nasanay. Hayaan mo na nga sila. Basta wag mong pansinin, tapos."

"Oo na, sige na."

Bakit ba? I can't help it, y'know? Nako, nako. Para na akong t*nga dito. Kausap sarili. Loner ba? Hahaha. Di naman, meron naman si Shay eh.

"Kai oh, si love of your life, palapit. Hahahaha."

"Aynako Shay, wag mo nga akong pinagloloko. Bumenta na yan."

"Laa. Di naman kita niloloko Kai eh. Andiyan na talaga siya. Ayan na oh, 5 step more. Lingon na dali!"

Lumingon naman ako, sabi niya eh. Nakita ko nga, 5 step more..

away from me. Bwisit!

"Shay naman!!"

"Hahahaha! Lingo niya naman. Assuming lang 'teh? Idol! :D"

"Bwisit na to. Last na yan!"

"Hahahaha. 'to naman, di na mabiro. Hahaha. Ay sister, look oh.." sabay turo kung saan nagpunta yung 'crush' ko. "Di'ba si Ashley yun?"

Si Ashley? Yun yung EX-bestfriend ko. Ang alam ko.. gusto niya si Ranz (yung crush ko) eh.

"Oo, siya nga."

PremonitionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon