At a party
ALTHEA's P.O.V
Nasa kaarawan kami ngayon ni Jella. Di ko parin nakalimutan ang nangyari sa amin ni Dorothy kanina. Ang lapit ng mukha niya sa akin. Pero bakit may kakaiba akong nararamdaman nang bigla siyang mapalapit sa akin. Dati'y di ko to nararamdaman pero ngayon......ngayon ay nararamdaman ko na.Kakaiba ang nararamdaman ko, bumibilis ang tibok ng puso at hindi mapakali. B-Baka....
May gusto na ako kay Dorothy."Althea" Tinawag ako ng prinsesa. Lumapit naman ako sa kanya at nagbow. "Ano po iyon?"
Ngumiti siya ng bahagya. Nakita ko narin ang kanyang mga ngiti. Sapat na ito kahit bahagya lang ang kanyang ngiti. "Nasaan nga pala si Raciela? Pakitawag nga" Tumango naman ako. "Opo, masusunod."Hinanap-hanap ko si Raciela. "Nasaan na ba i-" Di ko na natapos ang sasabihin ko nang may bigla akong nabunggo. "P-patawad binibini" Tinulungan ko itong tumayo. "A-ayos lang iyon."
Napatingin ako sa mata niyang grey."Lilian!!" May babaeng may edad na ang lumapit sa kanya. "Nandyan ka lang pala." Hinawakan niya ang baraso nito. "M-ma?" Nagbow sila sa akin. "Paumanhin po ginoo."
Sabi nung matanda.
"A-ah..kasi po..hindi po ako lalaki." Napataas naman ang kilay ng matanda."Babae po siya señora, siya po ang guardia ko." Napatingin ako sa likod ko, nandun na si Dorothy kasama si Raciela.
"K-kamahalan." Nagbow silang dalawa. "P-paumanhin po."
Ngumiti naman si Dorothy sa kanila. "Tara na.." Bulong sa akin ni Dorothy. Hinawakan niya ang baraso ko. Tumango ako. Tumingin muna ako sa babaeng nagngangalang Lilian at ngumiti.
Ngumiti siya at kumaway."Pababa na ang may kaarawan."
Napatingin naman kami sa hagdanan. Oo nga pala ang pamilyang bernabe ay isa sa mga mayayamang pamilya sa bayan ng Herpo. Lumipat sila dito at dito narin nanirahan. Malaki din ang bahay nila."Pababa na ang napakagandang dilag mula sa balat ng lupa."
Bulong sa akin ni Michael. Alam kong may lihim na pagtingin si Michael kay Jella pero ako lang nakaka-alam. Ayaw niyang sabihin ang nararamdaman niya para sa dalaga dahil siya ay isang dakilang torpe.Napahinga naman ako ng malalim at tinapik tapik ang likod ni Michael. "Ibigay mo kaya sa kanya ang binili mong regalo kahapon." Siniko ako ni Michael.
"Basta..sasamahan mo ko." Tumango naman ako at ngumiti.
"Bigay mo na." Nanlaki naman ang mga mata niya. "M-maya, papakalmahin ko lang ang puso ko!" Hinila ko siya papunta sa kinakaroonan ni Jella."Magandang gabi binibini." Nagbow ako sa harapan ni Jella.
"May kaibigan akong nais magbigay ng regalo para sa iyo." Tinulak ko si Michael sa harapan ng dalaga."A-ah...p-para sayo ito b-binibini. M-maligayang k-kaarawan p-pala." Na-uutal na sabi ni Michael sabay abot ng kahon. "S-salamat." Pareho silang namumula ngayon.
"Saan kayo nanggaling?" Tanong ni Brent. "Nagbigay lang ng regalo." Sagot ko naman. "Kanino?" Tanong naman ni Raciela. "Kay Jella." Sagot naman ni Michael. Namumula parin si Michael. "Oo nga pala! Althea, tinatawag ka ng prinsesa."
Sabi ni Brent. Tumango naman ako't pumunta sa kinaroroonan ng prinsesa."Ano po iyon, princess Dorothy?" Tumingin siya sa akin at humawak siya sa baraso ko. "D-dorothy?" Ngumiti siya sa akin. "Tara kay Jella. Ibibigay ko na ang regalo ko sa kanya." Napatango na lang ako at sumunod sa kanya.
"Magandang gabi Jella!" Yumakap si Dorothy kay Jella.
"DJ!" Nakangiting sabi ni Jella.
"Maligayang kaarawan." Tumingin sa akin si Jella.
"Diba ikaw yung lala-----babae kanina? Yung may kasamang isang sundalong nakasalamin."
Tumango naman ako. "Salamat." Nginitian niya ako."Oo nga pala! Ito yung regalo ko sayo." Binigay ni Dorothy ang box kay Jella. "Salamat DJ." Abot tenga na ang ngiti ni Jella.
"Althea oh." Binigay ni Brent sa akin ang baso na may alak. "Salamat." Dali-dali ko naman itong nilagok. "Ahh....Ang sarap." Naka-apat akong baso ng alak.
Napatingin naman ako kay Raciela na nakatitig lamang sa baso. "Ah kasi...hindi ako nainom." Lumapit ako sa kanya.
"Lasahan mo lang."
___________________________________Third person's P.O.V
Lasing na si Althea dahil malakas ang tama ng alak. Pinilit niyang pa-inumin si Raciela. "A-Althea.."
Mangiyak-ngiyak na sabi ni Raciela. Naging pula na ang mga mata ni Althea dahil nainis na siya sa pagpupumiglas na dalaga. "Patay....uhmm..Raciela kailangan mo na atang lumayo kay Althea." Hinila nila Brent at Michael si Althea palabas dahil baka makagawa pa ito ng scandalo sa loob."Bitawan nyo nga ako!" Sigaw ni Althea/Altheo habang nagpupumiglas kina Brent.
"Hoy!Altheo, tumigil ka na nga diyan at palabasin mo na si Althea." Bumalik sa pagkaberde ang mata ni Althea at nakatulog.
Napahinga naman ng malalim sina Michael.Dahan-dahan nilang binuhat si Althea papasok sa karwahe nila.
"Sigurado ka bang ayos lang siyang kasama si Princess Dorothy?" Tumango naman si Michael. "Oo...may tiwala ako kay Althea...sa tingin ko matutulog lang yan." Napatango na lang si Brent at inihiga nila si Althea sa upuan ng karwahe.DOROTHY's P.O.V.
Napansin kong nawala si Althea sa tabi ko. Nagpaalam ako kay Jella na may hahanapin lang ako, pumayag naman siya.Hinanap-hanap ko si Althea pero hindi ko makita. Sakto naman dumating si Raciela, sinabi na si Althea ay nalasing at nasa kalesa na daw namin.
Bumalik ako kay Jella at nagpaalam. "Sige DJ, mag-ingat ka ha." Ngumiti ako at yumakap kay Jella.
Sumunod naman ako kay Raciela papalabas ng bahay nina Jella hanggang sa matagpuan ko na ang dalwang sundalo na nasa tabi ng kalesa namin. "Si Althea?" Tanong ko sa kanila. "Nasa loob po natutulog." Napahilamos na lang ako sa mukha ko. "Bakit naman naglasing iyon? Naka ilang baso ba siya?" Binilang nung isang sundalo sa daliri niya ang mga ininom ni Althea.
"Apat po." Napa kibit balikat na lang ako. "Hay naku...malalasing nga talaga siya niyan. Napakalakas pa naman ng alak na iyon."
Bakit kaya naglasing si Althea?Pumasok na ako sa loob ng karwahe at naabutan ko ang tulog na Althea. "Amoy alak.." Biglang nagmulat ang mga mata niya.
"Hmm...." Tumingin siya sa akin.
Nakatitig lang siya sa akin habang ako naman ay hindi makatingin sa kanya. "A-Althea? B-ba-" Di ko na natapos ang sasabihin ko ng magsalita siya."Kay gandang babae ang nasaharapan ko. Mukhang nahuhulog na ata ako." Ngumiti siya ng nakakaloko sabay pikit at natulog. "Hay nako naman...Althea." Natatawang sabi ko. Pinigilan ko ang tawa ko kasi baka magalit si Althea. Namula ako dahil sa sinabi niyang iyon at nagtaka din ako sa sinabi niya sa huli. "Mukhang nahuhulog na ata ako? Hmm...anong ibig sabihin niya?" Napatingin ulit ako sa kanya. Humihilik na ang guardia na lasing.
***
"Raciela pakisabi nga sa dalawang sundalo na iyon na dalhin na si Althea sa kwarto niya. Pupunta ako sa silid aklatan, may babasahin lang ako." Tumango naman si Raciela at lumapit sa dalawang sundalo.
Mayamaya dumating na ang dalawang sundalo at binuhat si Althea papunta sa kwarto nito.
Muli akong sumulyap mula sa baba kay Althea na binubuhat ng dalwang sundalo papasok sa kwarto nito.
Bakit ka naglasing Althea? Tanong ko sa sarili.
BINABASA MO ANG
The Princess and The Soldier
Historical Fiction《BOOK 1 OF TPATS》 Balik tayo sa 1912 sa bansang Apollious. Meet Althea Leñor and Dorothy Jane. Dalawang magkaibigan na pinaghiwalay ng tadhana pero muli silang nagkita matapos ang pitong taon. Habang tumatagal....nahuhulog ang loob nila sa isa't i...