Chapter 2

2 0 0
                                    

Umaasa


Belle's POV

Another day. Pagkagising ko ay agad akong tumayo at dumiretso sa bintana. Medyo nahilo pa ako dahil sa biglaan kong pagtayo.

Ngayon ko na huhuliin sa akto ang lalaking naglalagay ng mga rose petals sa harapan ng kwarto ko. Ngunit laking panlulumo ko nang makita ko ang nagraramihang mga rose petals sa bakuran namin.

Wala nang tao doon.

Nahuli na ako.

Bwisit!

Paano ko mahuhuli sa akto ang lalaking iyon o mas tamang sabihin natin na baka si Josh kung napakaaga naman nito kung maglagay ng mga rose petals sa harapan ng kwarto ko?

Napakaaga?

Oo nga noh! Antanga ko!

Hindi ko man lang naisip na i-adjust ang alarm clock ko na mag-alarm ng mas maaga.

Tanga! Bwisit! Ba't ba ang tanga mo, Belle? Mas tanga ka pa sa pinakatanga eh! Pero 'di bale na. Atleast, baka bukas ay mako-caught-in-act ko na siya!

***

Another day...again. Usually, gumigising ako ng 6:00 nang umaga since 7:30 ang pasok ko at mabagal pa ako kung kumilos.

Pero ngayon...5:00.

Di bale na kahit antukin ako sa klase. Basta, may ganda points ako sa pagpasok dahil malalaman ko kung gwapo ba ang nagkakagusto sa akin o hindi. Pero sana naman ay hindi si Josh.

Tumayo na ako at dumiretso sa bintana. Pagsilip ko doon ay halos mapatalon ako sa tuwa nang makitang walang mga rose petals na nakakalat sa harapan ng kwarto ko.

Okay...This is it, Belle. Mahuhuli mo na siya sa akto. Ang kailangan mo na lang ay pasensya. Pasensya para paghihintay ng lalaking may sandamakmak na rose petals na dala-dala.

Kinuha ko ang upuan na nasa tabi lang at itinapat ito sa bintana at umupo. 5:00 to 6:00 ko babantayan ang bakuran namin. Lumipas ang ilang minuto.

5:05

5:10

5:20

5:28

Lahat na lang ng hirap, naranasan ko. Lahat na lang ng hirap, tiniis ko. Bakit ba ako ganito? Lagi na lang akong palpak. Laging walang kwenta. Laging nasasaktan.

At siyempre, joke lang iyon. Maganda ako eh. Ang meaning ko lang naman sa mga sinabi ko ay antok na antok pa talaga ako ngayon. Walang kabuhay-buhay ang diwa. At kanina pa ako naghe-head bang.

Pero tignan mo ako ngayon. Buhay na buhay ang diwa mula nang may mahulog na isang rose petal mula sa bubong ng bahay namin. Malinaw ko itong nakikita dahil 5:45 na. Maliwanag na ang paligid.

Tinignan ko ang bubong. Hindi ko nakikita ang taong nasa taas no'n dahil nasa loob ako ng bahay pero naririnig kong may binubulong-bulong ito. Ngunit hindi ko maintindihan ang ibinubulong niya. Hindi ko alam kung paano siya nakaakyat diyan sa bubong nang hindi ko napapansin. Siguro saglit akong napaidlip kaya hindi ko siya napansin.

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Agad-agaran kong tinakbo ang daan palabas ng bahay at papuntang bakuran namin sa bandang harapan ng kwarto ko. Tumapat ako sa mga naghuhulugang mga rose petals at doon ko na nga narinig nang mas malinaw ang binubulong-bulong ng lalaking iyon sa taas ng bubong.

"She loves me. She loves me not."

"She loves me. She loves me not."

Kasabay nito ay ang paghulog ng mga rose petals. Jusme. Basta gwapo ka, akin ka na.

Beauty, The Prince, and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon