A P R I L 2 8 2 0 1 8
-------------------- 👪 ---------------------Isabel's Point of View
"Sure! Asahan mo kaming lahat doon. Atsaka, yayayain ko na rin ang ibang friends ko sa school." Masayang sabi ni Darla. Natuwa naman ako dahil sa sinabi niya.
"Wow, sige! Salamat, Darla!" Nginitian lang niya ako at nagpaalam na rin kami ni Anghel na aalis na. Naubos na rin kasi ang paninda namin.
"Eh ako ba, hindi mo iimbitahin?" Tanong niya saakin. Paglingon ko ay nakangusong Anghel ang nakita ko. Hindi ko napigilan at napisil ko siya sa pisngi. Ang cute talaga niya. Lalo na ang mga dimples niyang malalalim.
"Syempre hindi pwedeng mawala doon ang guardian angel ko." Nakangiting sabi ko sa kanya. Napalitan naman kaagad ng ngisi ang simangot niya kanina.
"Sabi ko na nga ba, crush mo talaga ako, Inna ng mga magiging anak ko." Napapailing niyang sabi kaya napapokerface ako.
"Sus, Anghel, kung alam ko lang ikaw ang may crush saakin kaya ganyan ang tawag mo sakin." Natatawang sabi ko sa kanya. Napatigil naman ako sa paglalakad nang bigla niyang hawakan ang siko ko. Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay.
"Tama nga. Crush nga kita." Okay. Hindi ko naman inaasahan na aamin siya ngayon. Akala ko ay nagbibiruan lang kami dito.
"I hope you don't mind." Kaagad naman akong tumawa nang magkamot siya ng ulo at napayuko.
"Huwag ka nga yumuko. Hindi ko makita yang mga dimples mo." Inangat ko ang panga niya at muling kinurot sa pisngi. "I won't mind, guardian angel." Kinindatan ko siya at nauna na maglakad pauwi sa kanila.
OoooOoooOooo
Napabuntong hininga ako atsaka pinagmasdan ang buong kapaligiran. Ilang minuto na lang at magbubukas na ang gate at makakapasok na lahat ng guest namin sa unang araw ng event month.
"Chill ka lang, Inna. We did great, okay? You did great." Nakangiting sabi saakin ni Cloud. Nginitian ko rin naman siya pabalik at tinanguan.
"Okay, guys, okay na ba ang lahat dyan?" Tanong ko sa kanila. Nakita ko naman nagthumbs up si Pablo saakin kaya tumango ako at tinignan ang wristwatch ko.
"Open the gates, guys!" Sigaw ko at umakyat na sa stage na ginawa namin para sa buong event month.
"Welcome to Kithley Frazier International School! Today is the first day of our Event Month. Dear guests, school administators, stakeholders, faculty members, my fellow KFISians, enjoy the activities that we prepared for all of us. This is Georgina Sprouse, your Supreme Student Government President. Have a good day, everyone!" Nagpalakpakan ang lahat at nagsikalat na para libutin ang buong campus namin. Pagbaba ko ng stage ay kaagad naman akong sinalubong ng mga kasama kong SSG officers at kinaladkad na kung saan.
"Oh my gosh, Inns, dun tayo sa photobooth!" Kinaladkad nila akong lahat sa may photobooth kung saan madami-dami din ang nakapila. Napakaganda kasi ng mga background at ibang pakulo nila dito. Instagram worthy talaga.
"It's our tuuuurn!" Masiglang sabi ni Pablo at kaagad naman silang nagpose sa harap ng camera kaya nakigaya na lang din ako. Nakailang take din kami nang bigla kong makita si Anghel. Kinawayan ko siya at nauna na umalis doon sa mga kaibigan ko. Gusto pa daw nila ng sandamakmak na pictures kaya hinayaan ko na sila doon. Hindi rin kasi ako mahilig sa mga picture picture na yun.
"Hi!" Nilapitan ko si Anghel. "Hi." Sagot ko sa kanya.
"Omgggg! Inns, who's this handsome guy you're talking to?" Lumapit na saamin sina Tala at pinagmasdan pa si Anghel. Mukhang nailang naman si Anghel kaya marahan siyang napayuko.
"I told you not to bow. I can't see your dimples." Nakangiting bulong ko sa kanya.
"Eh kasi naman hindi ako sanay makisalamuha sa mayayaman tulad niyo." Bulong niya pabalik kaya sinamaan ko ng tingin. Kahit kailan talaga napakanega ng lalaking to.
"Hello? Nandito kami o, isali niyo naman kami sa bulungan niyong dalawa." Bumaling nanaman ako sa mabungangang si Tala.
"Guys, this is Anghel, my guardian angel. Anghel, these are my friends slash co-SSG officers, Tala, Pablo, and Cloud." Pakilala ko sa kanila. Nakipagkamay silang lahat kay Anghel.
"Ikaw Georgina Sprouse, may nalalaman ka pang guardian angel ha! Bakit hindi ko alam to, bruha ka?" Eksaheradang tanong saakin ni Tala. Kaagad naman akong napairap.
"Siya ba ang pinagkakaabalahan mo lately? Nako ha, isusumbong kita kay Nanay Elisa kapag hindi ka nagkwento saakin." Pagbabanta pa niya. Tinakpan ko naman ang bibig niya tsaka siya pinanlakihan ng mata. Adik talaga to madalas.
"Manahimik ka nga, Tala. Mamaya na natin pag-usapan yan. Mabuti pa, sumama na lang kayo saamin ni Anghel at ipapasyal ko siya dito sa campus." Kaagad naman siyang game sa naisip kong ideya. Tumalikod na siya saakin at lumingkis sa braso ni Pablo at Cloud at nauna na silang maglakad.
"Pasensya na sa kakulitan ni Tala. Ganun lang talaga yun." Inakbayan naman ako ni Anghel tsaka kinurot sa ilong.
"Wala yun, Inna ng mga magiging anak ko. Excited na akong makasama ka buong araw. So, ano ba ang pinagmamalaki ng KFIS?" Tanong niya saakin. Nginitian ko naman siya tsaka inayos ang tayo ko. Proud KFISian yata ako, lahat ng meron dito sa school ay maaaring ipagmalaki.
"Guys, may balak ba kayo umalis dyan sa kinatatayuan niyo or maglalandian na lang you?" Nilingon namin sina Tala na nakatingin na pala saaming dalawa ni Anghel.
"Shut up, Tala." Napapailing na sabi ko tsaka siya inirapan. Ipinulupot ko naman ang kamay ko sa bewang ni Anghel habang nakaakbay pa rin siya saakin.
"Masaya ako na makakasama kita dito ngayon." Sambit ko at pinisil ang pisngi niya.
OoooOoooOooo
"Tae, nakakapagod libutin ang buong campus niyo." Naupo kami dito sa may damuhan sa garden ng junior high school campus. Umalis muna saglit yung tatlo at bumili ng makakakain namin.
"Sobra! Junior high school campus pa lang ito ha. Wala pa ang elementary to college. Mas malaki ang college campus syempre." Pagmamalaki ko sa kanya. "This school is my only happy place, my escape from all the bullshts in my life. Dito ako nagiging malaya, napapakita ang totoong ako." Pagpapatuloy ko. Kahit na tinatago ko ang totoong pagkatao ko, ang totoong pangalan ko, at least naipapakita ko kung sino ako. Yung walang halong pagkukunwari, walang masakit.
"Why do you look so fine when in fact you are in deep sadness? You're so lonely inside but you manage to smile outside." Napalingon ako sa kanya at nakakunot na ang noo niya habang nakatitig saakin.
"Developed talent ko yun, actually. I guess smiling and being jolly became my defense mechanism so that no one will notice my tears." Sagot ko sa kanya. Bago pa siya makapagsalita ay dumating na sina Tala.
"Let's eat, guys! Anghel, tikman mo ito. Sikat ito dito sa KFIS, kaya kailangan mo matry yan." Inabot ni Cloud kay Anghel ang isang box ng pagkain at nakangiti naman itong tinanggap ni Anghel.
Pinapanood ko lang siya habang masayang kumakain. Pakiramdam ko kaunti na lang ay masasabi ko na ang sikreto ko sa kanya. Hindi ko alam kung handa na ako sabihin ang totoo sa kanya. Pero may pakiramdam ako na mapagkakatiwalaan ko siya at maiintindihan niya ako.
"Hoy, Inns! Kumain ka na at tigilan mo na ang pagtitig kay Anghel. Matunaw yan huy!" Siniko ako ni Tala tsaka inabutan ng isang box ng kimchi fried rice.
Paano kaya kung sabihin ko na rin sa mga kaibigan ko ang totoo?
Should I tell them about my secret?
-------------------- 👪 ---------------------
all that matters is love
BINABASA MO ANG
i have a secret // kn
Fiksi PenggemarI have a secret, they have too. ds: 4/10/18 de: 9/13/18