Kennedy
I know it was wrong but I didn't regret doing it. Nang lumapat ang labi ko sa kanya, tila ba isa itong apoy na nagbabaga. Mainit, nagiinit ang katawan ko, sa isang simpleng halik na iyon.
Napalayo ako ng biglang mapaupo si Azul at napabuga ng tubig. Paanong nalunod ang isang 'to?
"Oh my god! Anong nangyare sa akin?" luminga-linga sya, napansin kong nawala na din ang asul na pumapalibot sa kanyang katawan gayon din sa paligid.
Napailing ako. "Just forget about it, are you okay now?" I asked.
Napatango na lang sya at napabuntong-hininga. Narinig ko ang mahina nyang pagdaing dahil sa sugat na tinamo nya kanina. Ipinilig nya ang kanyang ulo at marahang tumayo.
"Let's go." aniya, at nandito na kaagad sa amin si Ulap.
Nakunot ang aking noo. "Where are we going?"
"I should brought you there from the start."
Nilipad kami at inihinto sa isang lugar kung saan hindi mo na nanaiising pumasok. Pero sa ganda ng ambiance nito ay mas gugustuhin mo pa din pasukin.
"Anong lugar 'to?" tanong ko.
"Ito ay tinatawag na Portal ng panaginip". aniya. "Dito, malalaman ko kung sino at ano ang paparating sa mundo kong ito. Pero.." huminto sya at nilingon ako. "I-ikaw ang bukod tanging tao ang hindi ko man lang namalayan at naramdamang nakapasok rito. Nakapagtataka."
Nanlalaki ang matang nilingon ko sya. Bakit ba sa tuwing sasama ako sa kanya, may mga bagay na hindi ko ineexpect na makikita ko?
"Madami ng nagtangkang magtungo rito pero ni isa wala akong pinahintulutan. Hays, sumasakit lang ang ulo ko sa kakaisip kung papaano ka nakarating dito. Mabuti pa'y libutin natin ang lugar na ito." tumango nalang ako at sumang-ayon sa kaniya.
Napatanga naman ako ng mahinto kami sa isang lugar kung saan hindi mo talaga aakalaing nag eexist sa mundo. 'Well not in reality but in her own world.'
"Ito ang kaharian ko. It's Azul's Kingdom. So..." sabay baling sa akin. "Welcome to my kingdom, my prince!" sabay kindat nya.
Napailing naman ako, adik din minsan itong babaeng 'to eh.
Sinalubong kami ng mga kawal nya, aakalain mo nga naman talagang palasyo ito. Sa itsura, ayos palang pangpalasyo na.
"Wait." pigil nya. "May itatanong lang sana ako." tinanguan ko naman sya. "Hinalikan mo ba ako kanina?" seryosong tanong nya. Napalunok naman ako, bakit sa lahat ng itatanong nya ayan pa!?
"N-no" nauutal na sabi ko.
Napahinga naman sya. "Good, kasi ikaw ang magiging first kiss ko kung ganon, halika na!"
'Oh, crap! I'm her first kiss!?'
Ewan. Pero napangiti ako sa isiping ako ang unang nakahalik nya, parang may isang bagay na nakuha ako na sakin napunta.
Napapikit ako ng may kung anong malamig na bagay ang tumama sa aking mukha. Nang tignan ko iyon ay nakita kong snow ito at walang ibang salarin kundi ang babaeng iyon!
"Oops!" hagikgik nya. Hinagisan nya ako ulit but this time nakailag na ako. Yumukod ako at kumuha din niyebe at ginawa itong bilog. Inihagis ko din ito sa kanya at sakto ito sa kanyang mukha.
Tawang-tawa naman ako dahil napahiga sya, nawalan ng balanse sa pagkakahagis ko sa mukha nya. Nilapitan ko sya at lumuhod ako sa kanya. Nakatingin sya sa kalangitan na tia napakalalim ng iniisip.
"Anong iniisip mo?" tanong ko. Hindi inaalis ang tingin sa kanyang mukha.
Napailing sya. "Nothing, I'm just thinking kung hanggang kailan ka kaya mananatili dito." may bahid ng kalungkutang ang tinig nya. Humiga na rin ako sa kanyang tabi.
"Bakit di nalang natin sulitin ang mga sandali?" biglang sabi ko. "Bakit hindi nalang natin enjoyin ang mga oras na kasama mo ako at kasama kita? Kesa isipin ang paglisan ko ng hindi ko naman alam kung kelan darating". sabi ko at pinagmasdan ang tahimik na kalangitan.
Napapikit ako ng muling matamaan ng niyebe. "Sure why not?" aniya. At naramdaman ko ang pagtayo niya. Hinila ko kaagad ang kanyang binti at dahil mas malakas ako bigla syang napahiga sa akin ng hindi sinasadya!
Nagtagpo ang aming mga mata, walang nagtangkang alisin ang paningin sa isa't-isa. Ramdam ko ang.mabilis na tibok ng puso nya gayon din ako. Gusto ko syang alisin sa ibabaw ko pero tinatraydor ako ng katawan ko. May kung anong gusto akong makuha mula sa kanya at tila ba mababaliw ako kung hindi ko iyon magawa.
Mas inilapit ko ang aking mukha, hindi sya gumalaw ni kumurap. Hinawakan ko ng marahan ang pisngi nya, hinaplos ko ito at para akong mababaliw sa kanya. 'What the heck??'
"K-kennedy" she said while looking in me.
Hindi ko na napigilan at mas inilapit ko ang aking mukha. Napapikit sya, napabuntong-hininga ako. Imbes na tumama ang aking labi sa kanya ay hinalikan ko nalang ang tungki ng ilong nya.
Nagmulat sya ganon na lamang ang aking gulat ng makitang unti-unting nagiging asul ang kanyang mga mata.
"L-let's go." aya ko at binalewala ang mga mata niyang iyon. Yumuko sya at tumango, nakita kong namumula ang mukha nya na parang kamatis. 'Crap! She's going to make me crazy! Damn!'
Nandito kami ngayon sa isang Garden o mas magandang sabihin na 'Azul's Beautiful Garden' nakaupo kaming pareho at masayang pinagmamasdan ang mga paru-paro.
"I found a love, for me. Darling just dive right in and follow my lead~" napahinto ako sa pagkanta ng masilayan ang mga titig nya. "I found a girl, beautiful and sweet. I never knew you are the someone waiting for me~"
Sinalubong ko ang titig nya, kumakalat ang asul na ito sa mata nya. Na parang isang dagat, nakakalunod. Nakakalunod ang ganda.
"Cause we were just kids when we fell in love, not knowing what it was. I will not give you up this time, so darling just kiss me slow your heart is all I own and in your eyes you're holding mine~"
Hindi nya inaalis ang tingin sa akin na tila nahuhumaling sa aking tinig. Para bang isang droga na nakakaadik.
"Baby I'm, dancing in the dark. With you between my arms, barefoot on the grass listening to our favorite song. When you said you look a mess I whisper underneath my breath, you look perfect tonight."
"You look perfect tonight." at namalayan ko na lang na nakadikit na ang aking mga labi sa kanya.
YOU ARE READING
Kennedy's Dream (COMPLETED)
FantasyHe thought that it's real but it's just a dream. A dream who broke his heart unintenionally. -- I am going to edit this po. Thank you!