JealousIlang linggong hindi nakabalik sa resort si Lucien. I've heard, may sakit ang mommy nya kaya sya lumuwas. Pero hindi maalis sa isip ko na lumuwas sya dahil sa pagtawag ng girlfriend nya.
Ts! Why do he need to lie? Bakit nya kailangang sabihin na wala syang girlfriend kung ang totoo ay mayroon naman pala.
Sa mga lumipas na araw ay wala akong ginawa kundi mamamasyal, at pumunta sa bayan para mamili ng mga gamit na wala na ako.
"Upo kayo, Ma'am." sambit ni Gypsy habang inilalahad sa akin ang kanilang mahabang upuan.
Wala silang pasok ngayon kaya naisipan daw nilang dalawa ni Max na ipasyal ako pati na rin sa kanilang bahay.
"Pasensya na po kayo, Ma'am. Medyo makalat po-"
"I told you not to call me Ma'am, right?" ngiti ko sa kanya.
"Okay, Beige. Hm, kukuha lang ako ng maiinom mo." paalam nya bago dumiretso sa kanilang kusina.
"Max, nasaan nga pala ang parents nyo?" tanong ko sa kay Max na naghahanda ng meryenda sa lamesa.
He looked at me with sadness in his eyes. Mali yata na tinanong ko sya. Baka ayaw nyang pag-usapan. Ibinaba ko nalang ang paningin sa sahig.
"Wala na sila. Bata pa lang kami ni Gypsy nang mamatay sila." magkahalong galit at lungkot ang kanyang tono.
"I-I'm sorry to hear that."
I looked at him again and now he already smiled at me.
"It's okay, Beige. You don't have to say sorry." he said while smiling.
Hindi na ako muling umimik pa. Ayoko nang may masabi pang mali. Baka mamaya magalit na si Max.
Napapaisip lang ako, medyo misteryoso ang dalawa. Kapag titignan mo ang dalawa, hindi sapat na sa isang resort lang sila nagtatrabaho. They have a fancy house and they features, they looked foreign. Mukhang may mga pinag-aralan. Pero bakit doon sila nagtatrabaho?
Nang matapos kaming magmeryenda ay nagsimula na kaming mamasyal.
Una naming pinuntahan ang Bulusan Zoo. Ilang oras ang biyahe bago kami nakarating doon pero hindi naman ako naboring dahil maraming kwento si Gypsy. May mga jokes din sya kaya natatawa na lang kami ni Max sa kanya.
They even have their own cars, pero sa sasakyan ni Max kami sumakay at sya din ang nagdrive.
"Wow. Ang ganda naman dito. At galing pa talagang ibang bansa ang ibang hayop dito?" mangha kong sambit sa dalawa.
Lumapit ako sa kulungan kung nasaan ang nag-iisang donkey. Ang cute cute nya!
Nilapitan ko rin ang iba pang hayop kahit na minsan ay nakakatakot ito.
"Beige, gusto mo i-try mag wall climbing at mag zip line?" nakangiting tanong ni Gypsy.
"Uh-...A-ano k-kasi.." Omg! Takot ako sa heights. Baka mahimatay ako habang nasa ere kami.
"Fear of heights?" baling ni Max sa akin.
Nagkatinginan silang magkapatid tsaka muling bumaling sa akin.
"Don't worry, kuya Max will help you. Wag kang matakot." sabay kindat ni Gyps at tsaka naglakad patungo sa napakataas na pader na may nakadikit na mga bato or kung anumang tawag doon.
"Tara?" anyaya ni Max.
Sumunod na lang ako sa kanya.
Nang makarating doon ay agad kaming kinabitan ng harness at tsaka pinag suot ng helmet at gloves.
YOU ARE READING
Our Promised Land (The Valdirrama's Series #1)
RomanceSa lupang pinangakuan ba muling magtatagpo ang dalawang pusong pinaglayo? Book Cover Made By : @SeikoArtemis