CHAPTER THIRTEEN

2.2K 44 4
                                    

Chapter 13

Kiss

"Coreen?"

"Kuya"

Buking nakami! Hindi pa namin nasabi ang magandang balita, may dumating namang bagong problema. Sana pala, hindi ko na siya pinaakyat dito.

Inaya ko silang pumasok para pag-usapan. Nasa tanggapan kaming lahat. Ako na namumutla sa takot, si Wendy na walang pakialam, si Carlos na mukhang galit at si Coreen na kanina pa umiiyak.

"Ilang taon kitang hinanap, nandito ka lang pala" mahinahon ngunit madidinig mo ang diin ng boses niya. He slammed the wooden center table kaya napatalon kami sa gulat.

"Kuya! Hindi mo alam ang dahilan kung bakit ako umalis!" sabat ni Coreen. Agad-agad na lumapit si C sakanya at niyakap niya ito ng mahigpit. I can see how his broad shoulder shaked.

"Janelle, pasok ka sa kwarto mo. Magpahinga kana" untag ni Carlos. Tumango nalang ako at tinignan ang wrist watch ko. Alas kwatro na kaya pagkapasok ko sa kwarto ay dumiretso agad ako sa bathroom para makaligo.

Kinuha ko ang isang off-shoulder dress sa cabinet ko, color tan na may laces sa hem nito. Nakatapis lang ako ng towel ngayon, maingat kong ipinasok sa isang butas sa panty ko ang isa kong paa. Habang pinapasok ko naman ang isa ay biglang bumukas ang pinto! Hindi ko ba na lock iyon kanina? Natumba ako, buti nalang ay malapit lang ako sa higaan ko. Sumilip ang ulo ni C sa pintuan at ngumisi siya, the devilish one. Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto at walang hiya-hiyang pumasok.

Sa gulat ko ay napaurong ako ng upo. Umupo siya sa kama at nakadekwatrong tumingin sakin.

"Magbihis kana" sabi niya. Ang walanghiya!

"Paano ako magbibihis kung andyan ka?"

He looked at me. Binasa niya ang labi na kaya lalong pumula ito. Nag-init angpisngi ko. Tumungo ako. He suddenly let out a loud laugh like a monster.

"Parang naman hindi ko pa nakita yang katawan mo. Ang cute mo. Natuturn-on ako, lalabas na ako. Baka hindi kita matiis diyan" sabi niya at tumatawa parin nang lumabas siya ng pinto. Biglang bumibilis ang kalabog ng puso ko, masyado na akong inlove sakanya! Hindi maganda to! Magkaibigan lang kami! Swear!

Nakaharap ako salamin at nakaupo sa tapat nito. I blow-dry my hair at pagkatapos ay kinulot ito. I don't use make-up kasi hindi naman ako marunong gumamit. I just applied liptint sa lips ko at tapos na.

Inayos ko ang off-shoulder ng dress ko at nag-spray ng pabango. Tumunog na ang phone ko at alam kong si papa na iyon. Bago ako lumabas sa kwarto ko ay nagsuot nalang ako ng stringed sandals, ayokong magheels, mas iisipin ko parin ang kapakanan ng anak ko. Kinuha ko ang pouch ko sa side table at isinilid doon ang phone ko.

Lumabas na ako sa kwarto at hindi na ako nabigla nang makita ko si Carlos na nakahiga sa sofa, he's snoring. Walang ingay akong lumapit sakanya at walang paalam na hinalikan sa pisngi. Take advantage din sa pogi pag may time haha! Manyak ka Janelle! Lumapit na ako sa pinto at pinihit ito pero bago ako makalabas ay may humila sa akin. Si Carlos! Bumaba ang tingin niya sa mga labi ko at walang pasubali niya ako hinalikan, he skillfully kissed me. I moaned a bit when his tongue delved onto my mouth. He's the first one who broke the kissed. Hinihingal niya akong niyakap.

"Mag-iingat kayo ni baby" sabi niya. Tumango nalang ako at binigyan siya ng ngiti.

--

"Hi, Pa" bati ko kay papa pagdating ko sa front desk. Nakaupo siya sa sofa at nagbabasa doon ng magazine. Tiniklop niya ang binabasa niya nang makita ako.

"Hello" sabi niya sabay halik sa pisngi ko. "What took you so long, anak? Ang by the way, you're so beautiful wearing your dress" sabi niya. Nagpasalamat ako sakanya at sabay kaming lumabas sa hotel. Dumating ang valet at ibinigay nito kay papa ang susi ng Montero niya. He opened the door for me at pumasok ako, agad kong inilagay ang seatbelt ko. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay papa ang tungkol sa baby dito sa sinapupunan ko. Hahanap muna ako ng magandang tiyempo para sabihin ka lolo mo ha, anak? Nagsimula ng magmaneho si papa.

Dumating kami sa isang restaurant malapit sa isang grand hotel, in a swift move he turned left papunta sa entrance ng restaurant. Ibinigay niya ang susi sa isang valet. Sabay kaming pumasok sa loob habang nakakapit ako sa braso niya. May sumalubong sa aming babae at iginaya kami sa isang room, wow VIP pa 'to. Pagbukas ng pinto ay nakita ko kaagad ang mga tao dito. Isang mukhang kasing-edad na lalaki at babae ni papa at isang lalaki
na naka black tuxedo, the boys are wearing formal attire at kami ng babae na sa tingin ko ay asawa nung kaibigan ni papa ay naka dress kami.

Tumingin ako doon sa lalake, C mentioned to me that magkaibigan sila. Nakita ko siyang may katext sa phone niya.

"Quiroz! Pay some respect! You're tito Alfonso is here!" Sabi nung lalake.

"Ok Dad, chill" he motioned his hands na parang sumusurrender siya and he turned his face to us. "Hi Tito, you must be Janelle" sabi niya. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ang likod niya. I saw his playful smirk. Ipinanghila niya ako ng upuan sa tabi niya at nagpasalamat din naman ako.

"So when do we plan the wedding of this two?" sabat ni Tito Odin. Nasamid ako bigla sa gulat! Nagulat ako pero hindi na bago sakin 'to. Agad kong kinuha ang baso ng tubig sa harapan ko at nilagok ito.

"Are you ok?" bulong sakin ni Quiro. Tumango lang ako sakanya at tinignan ang mga kasama namin. Her mom, Tita Essi was smiling at me.

Tumikhim si papa.

"Odin, huwag muna nating biglaan ang mga bata, they can decide on their own" sabi ni papa. Woo!

Tumango naman si tito Odin. Habang kumakain kami they do chit chats about sa business something. Nakita ko sa peripheral vision ko na tumingin sakin si Quiro. Tinawag niya ako.

"Ano?" sabi ko.

"Tangina yang si Carlos, pagsabihan mo nga yang gagong yan" sabi niya habang tumatawa ng mahina, natawa din ako sakanya kasi hindi siya natatakot na pagsabihan ng ganon si Carlos. Pinakita niya sakin ang screen ng phone niya, their exchange of text messages.

Quiroz:

Tangina dude, ang ganda ni Janelle.

Wow, thank you Quiro! Hahaha.

Carlos:

Fuck you, Quiroz! Huwag mong hawakan ang akin, I can see you. Humanda ka mamaya sakin!

Omygod! Did he just said that I'm his?! For pete sake kinikilig ako!

Shitttt!

Nagtagal kami nang mga isang oras at kalahati doon. Nag-enjoy naman akong nakakwentuhan si Quiro kaya hindi ako nainip. Napagdesisyunan na naming umuwi nina papa at nina tito Odin. Nagbeso muna ako sakanila ni tita Essi at kay Quiro bago kami pumasok sa sasakyan ni papa.

--

"Goodnight, Janelle" sabi ni papa at hinalikan ako sa noo. Niyakap ko siya at nagpaalam na aakyat na ako. It was really a tiring day.

Sakay ako ng elevator ay nagpunta na ako sa condo ko para makapagpahinga na. Malapit ng mag nine at bawal ang magpuyat. Baby's safety first.

I reached at my condo at binuksan ko kaagad ang pinto. Nakabukas pa ang ilaw sa sala at nakita kong nakaupo si C sa sofa.

"Hi, kumain kana?" sabi ko sakanya. His gaze met mine, his eyes were bloodshot at napalunok ako sa kanyang klase ng titig. Lumakad ako palapit sakanya.

"Goodnight baby" sabi niya sabay halik sa tiyan ko. Tumayo siya at kailangan ko pang tumingala para makita ang mukha niya.

"Goodnight baby" sabi niya sakin sa malambing na tono then he kiss me.

Marked by Prince C | Royal Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon